Mas natatawa pa ako sa reaksyon ng mga bata kaysa sa pinapanuod nilang video ni Tony. It was actually compilation of clips starting from the day he was born up to present. Mahilig kasing mag-video si Ate Rizah. Puro pictures at videos nga ni Tony ang laman ng cellphone niya. Kahit screen saver niya at profile pictures sa lahat ng social media accounts, si Tony ang bida. Suwerte pa rin ng pamangkin ko kasi kahit hindi niya kilala ang tunay niyang daddy, busog naman siya sa pagmamahal namin ni Ate. "Pansin ko, hindi ka pa kumakain, ah." Tumabi sa upuan ko si Rolly at inilapag sa harap ko ang isang plato ng sari-saring pagkain, spaghetti, fried chicken, lumpia, at isang slice ng chocolate cake. Tinabihan niya ito ng orange juice na umaapaw ang icecubes. "Ubusin mo 'yan," sabi niya na kaka

