Days continued regularly. Tungkol sa opisina, napagdesisyunan namin ni Nolan na ilihim muna. Kung bawal ang office romance? Actually, medyo. Pero hindi naman namin ikakatanggal sa trabaho 'yon. It's just that, the nature inside the office was so stressfull that there was almost no room for pleasure. Mas lalong walang silid para sa error— 'yan ang laging sinasabi ng mga boss namin. Kapag nakitaan ng kaunting pagkakamali, papalakihin ng iba. Kapag nakasagap ng tsismis, ikakalat ng iba. Iyon kasi ang pinaka-entertainment sa loob ng corporate setting. Kaya heto, hanggang tinginan lang kami ni Nolan. Kung kakausapin ko siya, sobrang pormal. Pero nahahalata ng ibang empleyado na bumabait daw ako. Dati-rati mabilis daw ako magtaray. Ngayon, mas mahaba na raw ang pasensya ko sa mga staff. Crazy

