Doble ang atensyon ko— sa makulit na batang naglalaro ng bola sa harap ko at sa laptop na nasa kandungan ko. Okay lang naman kay Tony na nakatingin lang ako. Kalaro naman niya 'yong mga batang regular na nakatambay dito sa park. For now I needed to check my mails. Kahit walang pasok, walang pahinga ang dating ng mga importanteng dokumento. Isa na rito ang form tungkol sa company car na kailangan kong ipasa bago matapos ang araw na ito. I opened the images of available cars and I cupped my mouth upon seeing those. Hindi ako makapaniwalang matapos ang maraming taon ng pagta-trabaho sa FlexiRadix, matutupad na ang isa sa pangarap kong magkaroon ng sariling sasakyan. Yes, it was a company car, pero nakasulat sa company terms na kapag tumagal ang empleyado nang sampung taon, sa kanya na ang

