bc

Viscountess Camilla [The Vampire's Obsession]

book_age16+
1.3K
FOLLOW
8.1K
READ
possessive
fated
submissive
drama
bxg
vampire
victorian
addiction
servant
gentle and slow
like
intro-logo
Blurb

❧EMPIRE SERIES 3❧ [The Vampire's Obsession]

EROTIC ROMANCE | SPG | PARANORMAL | MYSTERY

Maagang nagbago ang takbo ng buhay ni Camilla matapos paslangin ang buo niyang pamilya sa loob lamang ng isang gabi ng mga hindi nila kilalang nilalang.

Siya na lamang ang natira sa kaniyang pamilya upang patakbuhin ang mga naiwang negosyo at ari-arian ng kaniyang ama. Nag-aral siya ng ilang taon upang maging ganap na Viscountess at para mahanap at mabigyan nang hustisya ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang

Galing sa dormitoryo ay bumalik siya sa dati niyang tirahan at doon unti-unting na ungkat ang mga nakatagong sikreto ng mansyon.

Isang sikreto na nagdulot sa kaniya upang makilala ang kakaibang lalaki na nabubuhay lamang sa kaniyang dugo.

Si Amon, isang bampira na matagal nang pinagmamalupitan ng yumao niyang ama. Ni hindi marunong bumasa o sumulat ang binata at lahat ng bagay dito ay pawang unang beses niya lamang mararanasan, katulad na lang nang maiinit na halik ni Camilla.

Nagkaroon sila ng kasunduan na magbibigay sa kanila ng pagkakataon upang mahulog sa isa't isa.

Isang kakaibang pagmamahalan sa mainit na gabing kanilang pinagsasaluhan.

"Lady Camiila, ito ang unang gabi kong makakasama ka," bulong ni Amon at unti-unting ibinaon ang kaniyang pangil sa leeg ng dalaga.

"Kung ganoon, ihanda mo na ang sarili mo sa mahabang gabi na 'to."

Viscountess Camilla the Vampire's Obsession

This is a work of fiction.

Names, places, characters, and events are fictitious unless otherwise stated.

Any resemblance to a real person or actual event is purely coincidental.

AN: I don't own any of the images that I used in my books, copyright to the rightful owner.

©All rights reserved 2021

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or any means without written permission from the author.

chap-preview
Free preview
♕PROLOGUE♕
♛♕♛ Sa gitna nang malalim na gabi isang tinig ang aking narinig, pilit ako nitong ginigising at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang aking ama. Pawisan, namumutla, takot na takot at halatang na tataranta. Nung panahon na 'yun wala pa kong kaalam-alam sa mga nangyayari, hindi ko inakala na darating sa'kin 'yung oras na lahat ng mayroon ako ay mawawala sa isang idlap. Nanginginig ang mga kamay niya habang namamadali at pilit akong pinapabangon sa kama, "Dalian mo Camilla, magtago ka dito at wag na wag kang gagawa ng kahit ano mang ingay, naiintindihan mo ba?" Tanong niya sa'kin habang takot na takot at wala akong na gawa kundi sundin ang mga utos niya. Hinila niya ako papunta sa tapat ng isang lumang painting sa loob ng aking silid, inurong niya ito at may maliit na taguan dito ngunit pakiramdam ko ay may lagusan pa sa likod ng tablang nakaharang sa likuran ko, madilim at pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga sa loob ng lugar na 'yun. "Dito ka muna at wag na wag mo 'tong bubuksan lalo na kung hindi mo kilala ang tumatawag sayong pangalan, naiintindihan mo ba Camilla? Babalikan kita kailangan ko lang mailigtas ang iyong ina," sabi sa'kin ng aking ama at hinalikan ako nito sa noo saka niya marahan na sinara ang taguan at na puno na ng kadiliman ang paningin ko. Yakap ang mga tuhod ko at nanlalamig sa dilim, puno ng sigawan ang sunod kong na rinig at ang mga tawanan mula sa hindi ko alam na nilalang. Tao o halimaw? Hindi ko alam. Basta sa mga oras na 'yun ay wala akong ginagawa kundi ipikit nang mariin ang aking mga mata at takpan ang aking tenga hanggang sa sumapit na ang umaga. Nakaramdam ako ng mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko, kinakabahan ako at halos manginig na ang buong katawan ko nang bigla kong marinig ang boses na kilalang kilala ko. "Camilla! Camillla!" Sigaw ni kuya Augustus at mabilis ko siyang tinawag mula sa pinagtataguan ko. Inurong niya 'yung painting na nasa harap ko at agad na lumiwanag ang paligid, nakita ko ang mukha niya na alalang-alala sa'kin at agad akong niyakap habang patuloy siyang umiiyak. Nagtaka ako kung bakit, parang na manhid na ang buong puso ko sa takot at kaba nung gabing iyon. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at paulit-ulit na sinabing, "magiging ayos din ang lahat." Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit paglabas ko ng aking silid, tumambad sa'kin ang buong mansyon na pinapaliguan ng sariwang dugo. Dugo mula sa iba't ibang tao na nakatira rito. CHAPTER 1

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.0K
bc

The Sex Web

read
133.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook