♕PROLOGUE♕

437 Words
♛♕♛ Sa gitna nang malalim na gabi isang tinig ang aking narinig, pilit ako nitong ginigising at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang aking ama. Pawisan, namumutla, takot na takot at halatang na tataranta. Nung panahon na 'yun wala pa kong kaalam-alam sa mga nangyayari, hindi ko inakala na darating sa'kin 'yung oras na lahat ng mayroon ako ay mawawala sa isang idlap. Nanginginig ang mga kamay niya habang namamadali at pilit akong pinapabangon sa kama, "Dalian mo Camilla, magtago ka dito at wag na wag kang gagawa ng kahit ano mang ingay, naiintindihan mo ba?" Tanong niya sa'kin habang takot na takot at wala akong na gawa kundi sundin ang mga utos niya. Hinila niya ako papunta sa tapat ng isang lumang painting sa loob ng aking silid, inurong niya ito at may maliit na taguan dito ngunit pakiramdam ko ay may lagusan pa sa likod ng tablang nakaharang sa likuran ko, madilim at pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga sa loob ng lugar na 'yun. "Dito ka muna at wag na wag mo 'tong bubuksan lalo na kung hindi mo kilala ang tumatawag sayong pangalan, naiintindihan mo ba Camilla? Babalikan kita kailangan ko lang mailigtas ang iyong ina," sabi sa'kin ng aking ama at hinalikan ako nito sa noo saka niya marahan na sinara ang taguan at na puno na ng kadiliman ang paningin ko. Yakap ang mga tuhod ko at nanlalamig sa dilim, puno ng sigawan ang sunod kong na rinig at ang mga tawanan mula sa hindi ko alam na nilalang. Tao o halimaw? Hindi ko alam. Basta sa mga oras na 'yun ay wala akong ginagawa kundi ipikit nang mariin ang aking mga mata at takpan ang aking tenga hanggang sa sumapit na ang umaga. Nakaramdam ako ng mga yapak na papalapit sa kinaroroonan ko, kinakabahan ako at halos manginig na ang buong katawan ko nang bigla kong marinig ang boses na kilalang kilala ko. "Camilla! Camillla!" Sigaw ni kuya Augustus at mabilis ko siyang tinawag mula sa pinagtataguan ko. Inurong niya 'yung painting na nasa harap ko at agad na lumiwanag ang paligid, nakita ko ang mukha niya na alalang-alala sa'kin at agad akong niyakap habang patuloy siyang umiiyak. Nagtaka ako kung bakit, parang na manhid na ang buong puso ko sa takot at kaba nung gabing iyon. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at paulit-ulit na sinabing, "magiging ayos din ang lahat." Hindi ko alam kung anong nangyari ngunit paglabas ko ng aking silid, tumambad sa'kin ang buong mansyon na pinapaliguan ng sariwang dugo. Dugo mula sa iba't ibang tao na nakatira rito. CHAPTER 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD