Skylar
Ang awkward tuloy pumasok ngayon, lahat tulot ng mga tao dito ay nakatingin saakin na parang ako yung sumuntok. Bakit parang kasalanan ko?
"Sis, lakas ng loob ng boyfriend mo ah. " natatawang sabi saakin ni Candy habang naandito nanaman ako sa tapat ng pinto ng office ni Atty. Ashton.
"Nako Candy, ako nahihiya sa ginawa niya. " namomroblemang sabi ko dito, hindi ko tuloy alam kung paano ako haharap kay boss.
Nung may tumawag saakin sa telephone kanina, nagulat na lang ako sa nagsalita. Napaka formal at seryoso ni Atty, hindi katulad dati na may pagka gaan yung bose niya kaya habang papunta ako dito mas lalo akong kinakabahan. Ngayon naman feeling ko mamamataya na ko sa sobrang kaba dahil nasa harapan na ko ng pintuan niya.
"Pasok ka na sis, baka ma gg lalo si Atty. " sabi saakin nito.
"Bakit?? Gg na talaga? " pag uusisa ko para pagpasok ko alam ko na kung ano dapat gagawin ko.
"Oo teh, paano ba naman natalo yung isang case dahil sa pagiging pabaya nung isang lawyer natin kaya nangako si Atty. Ashton na siya na ang lalaban para sakanila. " sabi nito na halatang naaawa sa pamilya, buti na lang ay may mabuting puso si Atty.
"Oh siya, papasok na ko. Pag dasal mo ko ah. " biro ko na ikinatawa niya bago siya sumigi at ipapag rosary pa daw ako ng loka.
"Good morning po attorney. " bati ko sakanya pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Take a sit. " ginawa ko yung utos niya na mas lalo akong kinabahan, ibig sabihin lang nito ay may pagka seryoso at mahaba ang pag uusapan namin. Hindi siya nag papa upo kapag saglitan lang ang sasabihin o di kaya pag nag eexplain lang siya.
"For your information, we have a family dinner and meeting together with the Savedra's last night. " Pag sisimula niya at sumandal sa malaki niyang upuan. Tumango ako bilang tugon. "They suggest na bigyan ng suspension si Mr. Gonzalez which is your fiancé kaya ko ito sinasabi sa iyo. " and again, tumango nanaman ako bilang tugon at pag iintindi natin.
"To be fair, bibigyan din ng suspension si Caela. " yung part na yun ay ang ikinagulo ng utak ko. "I know, it's weird. Boss si Cael pero binigyan siya ng suspension. In our family, kahit boss ka you still need discipline. "
"Pumayag po ba si Cael i mean Doctora Savedra? " sa isip isipan ko e nabatukan ko na sarili ko dahil nickname pa talaga ni Caela ang nasabi ko.
"Of course, hindi siya makaka hindi dahil ang papa na niya ang nag desisyon. By the way, i will not give you another cases because i want you to focus sa mga nauna dahil that is a serious one. " sabi nito saakin kaya tumango ako at pumayag dahil mahirap ang binigay niyang tatlong cases at isa na dun yung sa kapatid niya na wala pa ding usod.
"Yun lang, you may go now sana hindi na to maulit. "
"Yes po Attorney, sorry po ulit. " pag papaalam ko bago lumabas ng room niya.
"Buhay pa ko Candy. "
-
Pagkatapos ko sa office ay dumiretso ako sa hospital ni Caela para kamustahin si Summer, hindi ko pinupush yung bata kasi alam kong na trauma siya sa nangyari. Hindi biro ang nangyari sakanya.
"Good evening, kuya Jay. " bati ko sakanya at masaya niya din ako binati. Butler talaga una kong tawag sakanya pero mas prefer daw niya 'Kuya' dahil after all may pinag samahan kami.
"Good evening din, pasok ka. " pinagbuksan niya ko ng pinto at tumambad doon yung tulog na si Summer pero hindi iyon ang kumuha ng attention ko, yung nasa sofa na nakahiga at naka tulog halatang mahimbing ang tulog.
"Dahil suspended siya sa sarili niyang hospital, she decided na mag pa free check up sa Home for the aged sa QC kaya ayan. Bagsak sa sobrang pagod. " natatawang explain ni kuya Jay at pumunta sa table.
Wala sa sarili akong napangiti habang pinag mamasdan si Caela na napaka peaceful na natutulog. Kala mo talaga ang bait bait pero hindi, napaka kulit, napaka tigas ng ulo at higit sa lahat play girl.
Simula nung mamatay ang lolo niya, mas lalo siyang naging rebel. Ang lolo niya lang daw kasi ang kakampi niya sa pamilya nila, minsan daw e yung ate Cassie niya hindi na siya kinakampihan. Pano ba naman sobra sobra na ang kalokohan at kasamaan. Nagulat na lang ako nun na natulong pala siya sa mga home for the aged.
"Eto oh, uwi ni Caela masarap yan. " bigay saakin ni kuya Jay ng balot.
"Masarap nga kuya. " tumawa kaming parehas at sabay na kumain nun. Naalala ko noon, gabi nun at kaming tatlo magkakasama at saktong may mag babalot na dumaan kaya kumain kami.
May pagka arte noon si Caela na hanggang ngayon ay meron pa din, halatang anak mayaman talaga kasi hindi pa nakakatikim ng mga ganoong pagkain. Kala namin magugustuhan niya kaya pikain namin, isa pa lang ay umayaw na at hindi na umulit. Papauwi na kami nung mag suka siya at mahilo dahil sa balot. Ang malala pa nun, kina umagahan ay nilagnat dahil sa balot!
"Ingaaay. "
"Suplada. " bawi ko dito kaya kinagulat ko nung pagbato niya ng unan saakin.
"Aba, inaano ka? " pabulong kong sigaw dito dahil tulog pa si Summer, ngumisi lang siya at kumindat bago natulog ulit.
"Pigilan mo ko kuya masasapak ko yan. "
"Ang cute niyo, bagay na bagay pa rin kayo sa isa't isa kaso..." nginuso niya yung daliri ko na may suot suot na singsing.
"Masaya na ko kuya. " nakangiti kong bulong dito.
"Sana tama yang desisyon mo. "
Sana nga kuya, tumingin ako pabalik kay Cael na nakatulog nanaman wala siguro siya sa sarili niya kanina na ikinatawa kong mahina.
FLASHBACK
"Oh my gosh sorry Cael, nakatulog ako. " agad kong sabi dito at umalis mula sa pagkakahiga ko sa lap niya saka umupo paharap sakaniya.
"It's okay baby, hindi na rin naman ako naka focus sa movie. " nakangiti niyang sabi dahil nanonood kami ng movie dito sa kwarto niya. "You can continue your sleep, ako nang bahala sayo. " sabi nito at nagulat naman ako nang kargahin niya nang pang kasal at naglakad ito papunta sa kama niya.
"Gosh Cael, I can walk! "
"I'm happy to serve my future wife, kahit ako na mag trabaho tas maging trophy wife ka with our little kids. Kayang kaya ko. " napangiti naman ako sa sinabi niya saka siya yinakap nung nasa kama na kami.
"I'm sorry pero i will be working, your girl wants to be a lawyer remember? " sabi ko dito at pinatakan ng halik ang kaniyang labi dahil nakakatukso ang pagka pula nito.
"Oh sorry i forgot but your girl also is competetive kahit puro pasang awa grado ko. " natatawa niyang sabi saka niya pinalalim ang aming halikan.
--