Skylar
"Kevin naman, bakit mo ginawa yun? " namomroblemang tanong ko sakanya habang linapag yung bag ko sa table.
"Kukunin ka niya sakin, Sky! " sigaw nito saakin bago umupo.
"Nababaliw ka na ba? You're just overeating Kevin, ako ang pinasama ni kuya sakanya para ayusin yung requirements niya. "
"For what!? "
"Caela offered a scholarship kay kuya nung malaman niyang hihinto nanaman siya sa Med. "
"Sana sinabi mo para ako tumulong sa kuya mo! "
"You have other responsibilities Kevin, alam naman nating magastos ang pag memed. Sa totoo lang kaya namin siya tulungan ni Skyell, kayang kaya pero siya mismo ang umaayaw. "
Napabuntong hininga na lang siya habang uminom nung tubig na binigay ko sakanya, pina uwi muna kami ni Atty. Ashton dahil sa nangyari kaya naandito kami ngayon sa bahay. Kinakabahan tuloy ako kung anong gagawing action ng boss ko sa nangyari knowing her ayaw na ayaw niyang may nangyayari sa kapamilya niya at si Caela pa? Half of me is saying na may iba siyang plano.
"Kevin please, next time huwag ka padalos dalos baka nakakalimutan mo na yung pinagtatrabuhan natin ay magkakapamilya. Isang tawag lang o salita, we can lose our job. " pag eexplain ko sakanya kaya hinila niya din ako papa upo.
"Okay, i'm sorry but promise me Sky. Huwag mo ko iiwan at ipagpapalit kay Caela. " seryoso niyang sabi saakin kaya napatango na lang ako, yinakap niya ko agad ng mahigpit.
Bigla ko tuloy naalala yung mga sinabi ni Caela kanina.
"... pangalwa wala akong pake at pang huli i will never fall for that woman again. Once is enough, twice is too much. "
Tignan ko lang siya lalo na sa mata niya, i know she's telling the truth. Walang emosyon sa mga mata niya at mukha parang wala lang sakanya. Parang hindi siya affected, parang wala kaming pinagsamahan noon at parang tinapon niya na lahat iyon. Alam ko naman na nasaktan ko siya dati, hindi ko lang inexpect na... sobra pala to the point na pati ako ay nasasaktan hanggang ngayon.
"Sayong sayo na siya. "
Bigla tuloy namay tumulong luha sa mga mata ko kaya agad ko ito pinunasan bago pa makita ni Kevin, nasaktan din naman ako Caela. Akala ko move on na ko, akala ko naka get over na ko. Hindi pa pala, ang gago ko pala sobra. May fiancé na ko ngayon at ilang buwan na lang kasal na kami. Mrs. Gonzalez na ko pero hindi ko maitatanggi na i still love her, i am into her pa din ako kahit siguro anong gawin ko may space pa rin siya sa puso ko at nakatira na siya dito.
Tanda ko pa noon, yung sayang nararamdaman namin pag kasama ang isa't isa ay hindi matutumbasan ng nino man. Alam niyo yung sayang, walang makakasira, yung sayang pati paligid mo sumasaya din tas yung sayang pati loob mo ngumingiti na din.
Tanda ko pa noon kung gaano siya ka proud saakin, tuwing may debate ako lagi siyang nasa front seat at lagi siya yung unang pumapalakpak tas susunod yung best friend ko na si Maria. Proud na proud siyang e kwento ako sa pamilya niya lalo na sa lolo at lola niya pati na din sa mga kapatid niya. Akala nga nila best friend lang kami pero more than na pala.
Ang daming ala alang nasayang, ang daming ala alang nabaon at nasira sa isang pangyayari at desisyon.
Ang saya nung mga panahong yun, ang sarap ibalik. Tumingin ako kay Kevin na nakatulog na, mahal ko si Kevin pero yung kasiyahan na naramdaman ko kay Caela ay na kay Caela lang.
"Magiging Mrs. Savedra ka soon, Sky. Hintay lang, papakasalan kita para wala ka nag kawala at ako na lang tas wala ka na talaga magagawa. " sabi nito habang natawa, kahit naman natawa siya alam kong seryoso siya doon.
Naiiling na lang ako. "Hindi ko inexpect na magiging Mrs. Gonzalez pala ako at hindi Mrs. Savedra. " sana hindi ko pag sisihan yung desisyon ko na to.
"I love you Kevin. "
–
"Ate psst. "
"Aray. " sinamaan ko siya ng tingin ng madali niya ko sa ulo nung lagayan niya ng mga blue prints kaya tumawa pa ang loka. "Anu yon? "
"May narinig ako kanina sa mga co–architects ko habang nag kaklase kami. " tumaas naman yung kilay ko sa sinabi nito, gusto ko sana tumawa sa sinabi nitong nagkaklase. Hindi pa rin kasi siya tapos sa training and testing ng company ng mga Savedra pero sabi daw niya 3 months na lang daw magiging official architect na siya ng company na iyon, hindi lang daw niya alam kung saan siya maaassign.
"Oh anong chismis yun? "
"Hindi siya chismis! ahh sort of pero si kuya Kevin daw may sinuntok na Savedra? " alam kong nanghihingi lang to ng information e. "Ang lakas ng loob ni kuya sumuntok ng kapatid ng asawa ng boss ko ah. " iiling iling na sabi niya.
"Tapos, ano pa narinig mong chismis? "
"Mag meemeeting daw si Mrs. Tyra Savedra at Atty. Ashton Demonteverde ngayong gabi kasama yung boung angkan. " napapa nganga ako sa sinabi ni Skyell, seryoso? Kailangan pa humantong doon?
"Oo ate, hahantong talaga doon. Sino ba sinuntok ni kuya Kevin? "
"Si... Caela. " napa buga tuloy siya ng iniinom niya at napatayo.
"Weh!? Aba loko loko pala tong Kevin na to e. " right, botong boto kasi siya kay Caela para saakin pati si kuya dati pa.
"Shhh baka marinig ka nina nanay. " pag saway ko dito at umupo na siya.
"Sumuntok din ba si ate Caela? "
"Hindi. " sumimangot naman siya at umirap. Naalala ko tuloy yung nangyari noon na kami pa, pinagsabiha ko siya noon na huwag gumanti baka ayun pa ang ikipa hamak niya.
"Sayang ano ba yan. " loko loko talaga to. "Pero ate, kinakabahan ako. "
"Baket naman? "
"Duh, connected tayo kay kuya Kevin noh. Pano kapag kasama tayo sa penalty niya? " naka labi nitong sabi.
"Hindi ganoon si Caela, Skyell pero yung boss ko? Dun ka kabahan. " naiiling na sabi ko, ako naman ngayon ang kinakabahan kasi knowng Atty. Stormy, ayaw na ayaw niyang may nananakit sa pamilya niya, she can do everything basta involved her loved ones. Ako pa naman may hawak ng kaso ni Summer Demonteverde.
––