Skylar
"Hard or light, ma'am? " tanong saakin nung barista dito sa tabi nung pool nila, naandito kasi yung mga alcoholic beverages.
"Light. " sagot ko na ikinatango niya, kasama ko pa din sila Maria hanggang dito. Si kuya Slynn naman ay inis na inis dahil hindi siya maka lapit kay Caela.
"Ikaw po sir? " tanong nung isang barista kay kuya Slynn. "Hard. "
"Kuya. " saway namin ni Skyell sakanya.
"No, give him a light one Jake. " that voice. Ang lakas ng t***k ng puso ko, dahan dahan ako tumingin sakanya. Naglalakad siya papalapit saamin ng naka ngiti. Para siyang dyosang naglalakad saamin at sinasakop kami ng ilaw niya.
"Caelaaaa! " sigaw nina kuya at Maria sakanya, naunang yumakap si Maria bago si kuya. "I miss you! "
"Kala namin, hindi mo na kami natatandaan e. " pagtatampo ni kuya na ikina iling ni Caela at tumawa.
"No doubts, ang laki ng pinagbago niyo. Proud na proud ako sainyo. " sabi ni Caela sa dalwa, samantala kami nina Kevin ay nanonood lang sa likod nila. Yung t***k ng puso ko ang lakas, para bang may karerahan. Nasa harapan ko lang siya, for pete sake! She is my ex! We have a past together na hinding hindi ko makakalimutan.
"Hey. " Napa tingin ako kay Kevin na nagsalita, natawag naman nito ang pansin nung tatlo kaya napatingin din sila sakanya. Nag tama yung mata namin ni Caela ulit bago siya tumingin kay Kevin at taas noong ngumisi.
Damn. She changed, feeling ko tuloy ibang Caela na ang nasa harapan namin.
"Nice to see you again, Skylar and Kevin. " her voice is so freaking sexy and sweet. "Ano nang balita sainyo? " pahabol na tanong niya, si Kevin naman ang ngumisi at umakbay saakin.
"Well, isa na kong architect and Sky is now a lawyer. " proud na sabi ni Kevin at hinawakan yung kamay ko bago niya tinaas ito kasama nung sakanya. "and we're engaged. "
I'm trying to find something on her. On her eyes and to her expression kaso wala, na dismaya lang ako at the same time nagulat. Wala siyang naging reaction, she stay on her position with her confidence and poise. Para bang, wala lang yun sakanya.
"Congratulations. " sabi nito na may ngiti sa labi, napilitan naman ako ngumiti para hindi mapahiya.
I'm not a lawyer to lose. Stand up for your self Sky.
"Thank you. " ako na ang nag salita at hinawakan na din yung kamay ni Kevin. She's playing a game and i will accept it. I will play too.
"That's boring. We should surprise her. " natigil lang yung namumuong masamang hangin saamin nung may marinig kaming dalwang babaeng nag tatalo, nag susukatan din kasi kami ng tingin or should i say yung dalwa ni Kevin at Caela.
"Who? " nakapamewang na tanong ni Caela sa dalwang babae na may hawak na ipad, napatalon naman sila at tumigil ng makita yung ate nila.
"Ang ingay mo kasi! " sabi ni Summer sabay hampas sa pinsan niya. "Ouch! Ikaw nga diyan daldal ng daldal e. " ganti naman nung isa.
"Stop that girls, what is it? " lumapit na sakanila si Caela, hinarap nila yung laptop sakanya at bumungad doon ang isang babaeng blonde hair din. Kasing tanda lang ata to nila Camila.
"Tiana wants to talk with you again. "
"Excuse me guys, kakausapin ko lang pinsan ko. " pag eexcuse niya saamin pero naka tingin lang kila kuya na tumango at ngumiti. Kinuha niya lang yung laptop at pumasok na sa loob, sumunod naman sakanya sina Camila. Even the way she walks, fck it's so sexy halatang mag ipag mamalaki.
Pero wait. Cousin? Ang alam ko lang sila Atty. Ashton at Summer lang ang pinsan niya? Who is that another blonde girl?
"I truly admire that person. " naka ngiting sabi ni Maria at umunom nung binigay na barista sakanya, yes she admire Caela simula dati. Napag kamalan ko pa nga to sakanya na ikina selos ko dati, kahit naman mahina siya sa academics noon. Napaka saya niyang kasama as a person, magaling sa sports at napaka galing arts.
"No doubts, me too. " hays, pati ba naman si kuya Slynn. Well, hindi ko siya masisisi pati na din si Skyell. I know she's silently admiring that person.
And yeah, we're engaged. After 10 months. I'm going to be a Mrs. Gonzalez, not Mrs. Savedra na ipinangako niya saakin noon.
–
"Hindi pa ba tayo uuwi? " asar na tanong ni Kevin na may pag hikab pa, it's 11:09 PM. Matatapos tong party na ito pag wala nang mga bisita, ganun mag pa party ang mga Savedra.
"Kevin, please. Nag eenjoy pa sina kuya Slynn at Skyell. " paki usap ko dito, pang tatlong beses pa niya lang to tinatanong pero nakaka asar na. Dumating din kasi ang mga barkada niya dati na kaibigan din ni Caela kaya invited, si Skyell naman ay nasa table nina Mrs. Savedra kasama ang ibang architects.
"Kevin, if you want to go then go. Ako na bahala kina Skylar, i have car naman. " asar na sabi ni Maria kay Kevin, hinawakan ko yung kamay niya para kumalma. Knowing Maria, she's maldita.
"No, baka kung kanino ka pa sumama. " sabi nito, wala siyang sinabing pangalan but hey. Alam kong para saakin yun.
"Wala ka bang tiwala saakin? " asar na tanong ko dito, sasagot na sana siya ng may mag salita sa mic na ikina kuha ng pansin at attention namin.
"Ladies and gentlemen, i know this is too late but let's welcome our another very important guest and a close friend of Caela. Madelyn Louise Monteverde, MD, PTRP. " nag palakpakan ang lahat at lumabas naman ang magandang babae sa harapan.
Who is she in Caela's life?
Kinagulat ng lahat ang biglang pag punta doon ni Caela and she kissed her in lips! Bago yinakap ng mahigpit. It's just a smack pero ang lakas ng impact saakin, saamin. para bang pinagbagsakan ako ng mabibigat na bagay pati yung dibdib ko ang bigat.
All this time, i have this feeling towards her? Akala ko wala na, akala ko kaba lang tong nararamdaman ko but it's something. Ngayon naman na nalukungkot ako dahil dun? The hell, it was almost 13 years ago! Wala na yun sakanya at saakin!
She's playing a game, a trap or whatever it is. Hindi dapat ako madala, dapat makisakay lang ako and play the game too.
––