FUTURE 7

1100 Words
Skylar Uughh! Bakit ba ko down na down ngayon? Nakakawalang gana pumasok at mag trabaho kaso hindi pwede, baka matanggal ako. GG pa naman ngayon si Atty. Ashton, nang masigurado kong mukha na kong presentable ay lumabas na ko ng lungga ko at nag tungo kung saan ang office ni boss.. "Hi Cindy. " bati ko kaagad ng makalabas ako ng elevator. Ngumiti siya saakin at sumenyas siya na lumapit saakin, na weweirduhan naman akong lumapit sakanya at may binulong ito. "Ang gaganda ng mga kasama niya sa loob! " kinikilig na bulong nito saakin, hindi ko alam kung matatawa ako dito o tataasan ko ng kilay e. "Kelan ka pa na attract sa mga babae? " tanong ko dito. "Simula nung nakilala ko yung mga lahi ng mga Demonteverde at Savedra, isama mo pa yung mga Mañego, Silvestre, Hortillano, Rances at iba pa! " tukoy niya dun sa mga kaibigan ni Attorney at naging clients namin. "Baliw! " natatawang batok ko dito at umiling iling. Kung tutuusin hindi ko masisisi yan si Cindy dahil lahat ng mga kumakausap kay Atty. Ashton ay dumadaan sakanya, iba din ang mga beauty nila at yaman. Ang hirap abutin. "Hays, sige na nga. Pumasok ka na baka ma GG lalo si Atty. " nag paalam na ko sakanya at lumapit sa pinto ni Atty. Ashton. Kumunot yung noo ko ng marinig ko yung pag sigaw ni Atty. At pag kalampag ng table niya. Meron din akong naririnig na ibang boses na umaawat sakanya. Bigla tuloy akong kinabahan, napa lunok muna ako at kumatok sa pinto. Nang marinig ko yung 'Pasok'ay binuksan ko na ito at pumasok. "G-good morning po. " bati ko sakanila, naka tayo si Atty. Ashton na namumula at halatang nag pipigil ng galit sa harao ng table niya. Katabi naman niya si Mrs.Cassie Savedra at laking gulat ko yung taong lumabas mula sa CR ni Atty. Si Caela. "Good that you're here already, i need you to finalize this cases. " binigay niya saakin yung folder at tinignan ko ito. "Po? Diba ikaw po yung mag fifinalize ng mga to? " nag tatakang tanong ko, dumaan sa gilid ko si Caela at umupo. Nasa harap kasi ako ng table ni Atty. Ashton at kaharap ko sila ni Cassie. Sa tabi ko naman ay upuan, naiilang tuloy ako dahil lahat sila nakatingin saakin. "Yes but i can't, i trust you on that. " maikli niyang sabi habang may dinadial sa phone. "Storm, i told you hindi gagawa ng aksyon yung pulisya dahil wala pang 24 hours siyang nawawala. " paliwanag ni Cassie at umupo sa sofa, hindi ko tuloy alam kung lalabas na ba ako o hindi. "I don't f*****g care, babayaran ko sila para umaksyon na sila kaagad. " sabi ni Atty. Ashton habang palakad lakad. "Let me do it. " tumayo na si Caela at kinuha yung phone bago lumabas. Para lang ba kong hangin sakanya, hindi man lang ngumiti saakin o batiin man lang. Parang wala kaming pinagsamahan nito, dinadaanan na lang niya ko. Nakaka offend to be honest. "I will go now, Atty. Ashton and Mrs. Savedra. " tumango yung boss ko at ngumiti naman si Mrs. Savedra. Pagkalabas ko ay napa buntong hininga ako at tinitigan yung mga folders. Wala si Cindy sa pwesto niya, baka nag cr lang o bumaba. Nag lakad na ko papuntang elevator ng makita si Caela na lumabas sa CR sa floor na to ng naka ngisi, she looks like a goddess by just walking. Okay na sana kaso katulad kanina dinaanan niya lang ako na ikina inis ko. "Dadaanan mo lang ba talaga ako lagi? " may inis na sabi ko dito, narinig ko siyang napa hinto kaya humarap na ko sakanya. Kala ko haharap din siga pero tumingin lang siya mula sa balikat niya. "I'm your boss's cousin, is this how you treat her visitor? " simple at cold na sabi nito saakin na ikina taas ng kilay ko. "Is this how you treat her employees? " balik tanong ko sakanya at nag crossed arms. Ngumiti lang siya at humarap na sakin. Pinasadahan niya lang ako ng tingin mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo, bigla tuloy akong na conscious sa itsura ko pero hmp! Kahit ganoon, taas noo pa din akong tumingin dito. Hindi porket pinsan siya ng boss ko ay pwede niya na kong daan daanan man lang, hindi ba niya alam yung 'bati'? Baka mabikti ko siya diyan e. "No. " umiling siya saakin at yung ngiti niya ay naging ngisi na. Tatalak na dapat ako ng mag salita siya at ikina tigil ko. "I kiss them. " napa lunok ako dun at napa atras. Ramdam na ramdam ko yung pag t***k ng puso ko. "I have to go. " tumalikod na siya at naglakad sa opisina ng pinsan niya. Pagkapasok niya saka ako napa mura, gago ba siya? Hahalkan? Yuck. Kung manghahalik siya dito, maging picky naman siya. Dapat medyo yung may class, may itsura katulad ko. Pipindutin ko na dapat yung elevator para mag bukad ng makita ko si Cindy na lumabas din sa CR na yun na may malapad na ngiti. "Sky, wait! " sabi nito saakin at patakbong lumapit. "You wouldn't believe this! " maarteng sabi nito saakin at may patalon talon pa. "Ano yun? " "Doctora Caela kissed me! " Napa nganga naman ako sa narinig ko at muntikan ko pang mabitawan yung mga folder na hawak ko. "Wait, what? " tanong ko ulit at may iling pa. "You heard me right! She kissed me! " "The f**k? " bulong ko na lang at tumingin doon sa pintuan ni Atty. Ashton at kay Cindy. So hindi siya nag bibiro dun? No offense pero maganda naman si Cindy, tutal nga e marami sakanya nag kakagusto pero Caela have a girlfriend tapos ganun siya? Not sure about that pero she kissed a girl infront of everyone sa welcome party niya, kung hindi ako nag kakamali her name is Madelyn? Doctor din siya sa pagkaka alam ko. Kung ako dun, masasabon ko yun si Caela. "Gosh Sky! Ang sarap at galing niya humalik! The way her hands–" "Shhh! Shhh! Shh! " putol ko sa sasabihin niya. "I don't want to know the details Cindy, please lang. " "Okay. " natatawa niyang sabi at pumunta na sa working station niya ng masaya. Napa iling na lang ako at pumasok na sa elevator. "Unbelievable. " singhal ko at umiling nanaman. Nasa katinuan ba siyang pag iisip? Bwiset! Bat ba ako naaapektuhan sakaniya, sa mga pinag gagawa niya at iba pa ugh! ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD