Caela
"Why me attorney? " narinig kong tanong niya, pagkatapos e explain ni Stormy ang magiging plano at yung nangyari.
"I trust you Sky, hindi ko kaya lumaban sa korte dahil case yun ng kapatid ko baka mapatay ko lang yung nang r**e sa kapatid ko. " may diin na sabi ng pinsan ko.
"I'm sorry for what happened Atty. Ashton. " in that cue, kumatok ako at binuksan yung pintuan ng office ng pinsan ko. Nakita ko yung babaeng minahal ko ng todo dati, yung taong sinaktan din ako ng todo dati. Wala pa rin pinag bago, ang ganda pa rin niya.
"Good morning, bukas pupunta ang mga pulis sa hospital para ma sketch nila ang mukha at marinig yung side ni Summer. " explain ko dito na ikinatango niya, nasa hospital kasi si Summer para mawala onti yung trauma niya at takot. May nag aasikaso din sakanya na psychiatrist, 3 days na din simula nung umuwi siya.
"Okay, thank you Cael. " tumango ako at nauna ng nagpaalam dahil may meeting pa ko kay Reniel, mag uusap kami about sa bibilhin naming lupa sa Laguna kung saan magtatayo ulit ako ng hospital.
Habang naglalakad ako, napa isip tuloy ako kung sino pwede gumawa nun kay Summer. Wala namang may galit kina Stormy except na lang sa mga nakalaban niya sa korte, kay na Tito Asher naman ay wala din dahil napaka bait niya baka gagong lalake lang na lasing.
"What are you doing here? " ang gandang bungad mula sa ground floor ng building ng pinsan ko.
"Hello Mr. Gonzalez, fancy seeing you here. " magiliw na sabi ko dito na may pagka plastic, ayokong maka gawa ng eksena dito to respect Stormy na din.
"Answer my question, Caela. "
"We're not close nor friends Mr. Gonzalez to call me by my name, know your limitations and place baka nakakalimutan mong sa isang Savedra ka nag tatrabaho pati na din yung girlfriend mo. " mataray na sabi ko dito.
"Kevin. " narinig kong saway nung nasa likod ko at nag lakad sa gitna namin tong kupal na to. "Anong ginagawa mo dito Kevin? "
"Just visiting you babe. " sabi nito sabay tingin sa akin, i don't f*****g care about you girlfriend bro. Nauna ako diyan for your information, ako ang nauna niyang mahalin at sagutin. Kayang kaya ko siyang kuhanin mula sayo Kevin.
"To answer your question Mr. Gonzalez, i'm visiting my cousin and don't try me Mr. Gonzalez. I can make everything possible in just one click. " taas noo kong sabi dito saka umalis. Umagang umaga umiinit ulo ko.
–
"Getting good? " tanong ko ng makapasok ako sa room ni Summer dito sa hospital. Ngumiti siya saakin at tumango.
"Thank you ate Cael. "
"No problem, gusto kong bumalik yung masiyahin at masiglang Summer. " pinisil ko yung cheeks niya at umupo malapit sa kama niya.
"She will never back again. " malungkot na sabi nito, i know Summer. I can feel it and see it. " Can I request? "
"Of course, ano yun? "
"I.. i'm not yet ready for tomorrow. Can we make it in monday? " nahihiyang sabi nito.
"Okay, sasabihin ko kay tito. Maiintindihan naman nila yun. " nakangiti kong sabi dito at pinamasdan siya. She's trembling and shaking. "Are you scared? " dahan dahan siyang tumango at tumulo yung luha niya.
"Kanino? Sa ate mo? "
"No, him. " yinakap ko siya at hinalkan yung noo niya, trying to keep her calm.
"Don't be, naandito lang kami to protect you. " gosh, she's too young to feel and experience this. Sisiguraduhin naming mabubulok sa kulungan yung taong gumawa nito kay Summer. Naghiwalay lang kami sa yakap nung may kumatok at magbukas ang pinto.
Sina Summer at mga kaklase nila kaya nag excuse ako na lalabas na para naman may privacy yung mga bata. Sa paglalakad ko ay nakita ko nanaman siya na may tinatanong sa isa sa mga nurse ko dito. Tumigil ako at pinatitigan siya, in simple pants and blouse.
She can slay. No doubts. Napansin niya ata na may nakatingin sakanya kaya ginala niya yung mata niya hanggang sa dumapo ito saakin.
Dahan dahan siya nag lakad papunta saakin at tumigil nung nasa harap ko na siya. "I bet you know where the room of Summer Demonteverde. "
"I know but I can't–"
"I have permission of Atty. Ashton. " ganun kahigpit pagdating kay Summer, walang nagpapapasok agad ng walang permission ng mga Demonteverde. Sina Camila naman at yung mga kaklase nila ay may permission nina tito at ni Summer.
"Okay but she have visitors, kakadating lang. You can wait if you want, ibibilin na lang kita sa bodyguards ni Summer. " nasa labas kasi yung bodyguards para sure na ligtas siya.
"I can. " tumango ako at sumenyas na sundan niya ko. Linagay ko yung nga kamay ko sa pocket ng puting gown na suot ko.
"Butler Jay, she's the lawyer of Summer and a friend of mine. She have permission of Stormy, papasukin mo na lang siya pag wala na yung mga kaklase ni Summer. " explain ko dito at ngumiti.
"I know Doctora, i mean noted. " may halong pangangasar yung pagkakasabi niya saka ngumisi kaya bago umalis sinipa ko siya ng patago bago nag paalam umalis. May alam kasi si kuya Jay sa amin noon, isa nga siya sa tumutulong sakin para gumawa ng excuse kaya palagi akong wala sa mansion. I owe him a lot.
"Doc, may mga pasyengte po sa baba na mga binaril. Tatlo lang po yung doctor na tin ngayon na pwede mag operate. " tumango ako saka tumakbo pababa sa groud floor kung nasaan yung emergency room. May mga doctors kasi kami na naka assign mag opera bawat day para hindi hassle at hindi magkagulo.
"Name of patient? " tanong ko habang pababa kami sa hagdan, pag elevator kasi mas matatagalan kami.
"Cara po. " napatigil ako dun at napatingin sa nurse.
"Cara what? "
"Cara Mendez po. " tumango ako dun at nag simula na ulit bumaba. Naka hinga ako dun ah, akala ko kung sino nang Cara.
"Cael, I'll be using ER # 5! " sigaw ni Madel ng makababa ako habang chinecheck niya yung heart beat nung babaeng manganganak na ata kaya tumango ako bago nag procede sa ER # 4 at naghanda na.
Today is a long day huh.
––