FUTURE 10

1265 Words
Caela Istorbohin niyo na ko sa lahat, wag lang sa pag tatrabaho at lalong lalo na sa pag tulog ko. Asar na asar akong tumayo dito sa opisina ko at malakas na isinara yung pintuan, nasa hospital pa rin kasi ako. Gusto ko na sanang umuwi at doon mag pahinga kaso napagod yung katawan ko sa dalwang sunod sunod na surgery kanina. "What? " asar na tanong ko kina Stormy nung makapasok ako sa kwarto ni Summer, gusto ko sanang pagsisihan yun dahil naandun pa din pala si Sky na naka upo at may hawak hawak na paper plate. "You need to eat babe. " binigyan ako ni Madel ng paper plate at hinila dun sa mga pagkain, dala ata nina Stormy at ate Cassie. Nung makakuha ako ng pagkain ay linapag ko muna yun at yinakap si ate Tyra, onting months na lang manganganak na si ate Tyra at sisilang na ang unang apo nina mommy at daddy. Ang mag dadala din ng apilyidong 'Savedra', nakakatuwa lang dahil nabuhayan ng dugo si daddy. Sabi kasi niya noon puro babae daw kasi anak niya at walang mag dadala ng apilyido niya. Ngayon naman, say no more right? Dalwang bata na agad mag dadala nun which is yung kambal nga nina ate Cassie, ano pa kaya pag dumagdag ako diba? "I'm excited to see those two. " kausap ko kay ate Tyra na ikinatawa niya at hinaplos yung may kalakihan niyang tiyan. "Yup, they're excited too but they want mango right now Cass. " yung kabadtripan ko biglang nawala yung narinig ko yung sinabi ni ate Tyra kaya napahagalpak ako sa kakatawa. Mag cocomplain pa sana yung ate ko kaso inunahan na namin siya ni Madel. "Ate Cass, you need to look for mango right now. Hindi maganda yun sa nag bubuntis pag hindi nila nakain yung gusto nila. " pagbabanta ni Madel. "But, any minute now honey you will drink milk. " "Ate Cass, makinig ka kay Madel. OB GYN yan ng asawa mo ah. " patago naman akong nakurot ni ate Cass sa siko kaya napalayo ako dito. "Ouch. " "Honey, i want mangoooo! " – "Uuwi ka na Sky? " rinig kong tanong ni Stormy dito habang inaayos ko yung higaan ni Summer na natutulog na ngayon. "Opo, nasa baba na po yung kuya ko e. " tumango na lang si Stormy at nag paalam na ito bago lumabas sa kwarto. "Pst, siya ba ex mo? " siko saakin ni Madel at bulong nito na iki na tango na lang niya at ngumiti ng nanunukso. "She's beautiful huh, ganda ng taste mo. " natatawa nitong sabi kaya napa iling na lang ako, ang next ko naman na inayos ay si ate Tyra na nakatulog na sa pag hihintay sa asawa niya. Saan na kaya nakarating si ate Cass? "Hindi mo ba susundan? " "Bakit ko naman siya susundan? " "Baka may feelings ka pa, charot. Yung blazer niya naiwan niya oh. " binigay niya saakin yung gray na blazer at kinuha ito. Amoy pa lang, alam ko na kung kanino. "Storm–" "No. " napa buntong hininga na lang ako at pumunta sa pinto para ibalik iyon kay Sky. "Bilsan mo lover girl, baka wala na. " tukso saakin ni Madel. "Tumigil ka. " Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ito sa ground floor. Buti na lang nakita ko agad siya kaya tumakbo agad ako papunta dito. "Sky! " hindi niya tuloy alam kung saan siya titingin, saakin o sa kuya niya. "Slynn. " "Doctora! " na eexcite niyang tawag saakin at yinakap ako. I miss him, yung kuya kuyahan ko. "Nag aaral ka pa? " tanong ko dito kasi naka white uniform siya katulad nung uniform ko dati nung nag aaral pa ko ng pre med ko at Medicine. "Oo e, baka nga tumigil nanaman ako gawa ng ang mahal nung tuition sa medicine plus yung books pa. " namomorblema niyang sabi saakin sabay kamot ng ulo. "Kuya, tutulungan ka namin ni Skyell diba? " "Oo alam ko Sky pero ayoko naman dumagdag pa sa ano niyo, okay na ko na tulungan niyo sina mama at papa. " still the best and ideal kuya for me, inidolo ko siya sa lahat ng pagtitiis niya he never complain anything. "I can help you, Slynn. " nakangiti kong sabi habang may kinuha sa bulsa ko at binigay ito sakanya. "That's my calling card, i will offer you full scholarship and financial help for books and anything sabihin mo lang sakin. " "T-that's too much Doctor Savedra. " nanginginig niyang sabi habang nakatingin sa calling card ko bago saakin, ganoon din ginawa ni Sky na hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Actually that's nothing kuya, wala yan sa mga ginawa mo para saakin. para saamin, i hope you will accept it. That's a big help for you. " nakangiti kong sabi dito. "Are you serious? But why? Why me? " "I have so many reasons to offer you that and one of those reasons is i like your determination. You will be a good doctor in the near future at mas sasaya pa ko pag dito ka nag trabaho saakin. " i jokingly said the last part na ikinatawa din nila. f**k, that laugh. "Thank you Doctora. " "Caela will do. So, i will wait for your call kuya Slynn. Oh by the way, you forgot your blazer. " binigay ko kay Sky yung kanina ko pang hawak hawak. "T-thank you. " "Welcome, see you next time! " ngumiti ito at kumindat na ikinatigil ko. FLASHBACK "Hi Sky. " ngingiti ngiti niyang bati saakin mula sa likod ko since nakatapat ako ngayon sa mga books shelves. Napa irap naman ako ng mapatingin ako sakaniya at nag continue mag hanap ng book na kailangan ko para sa research namin. "Why so sungit, misis ko? " tanong pa nito at alam kong naka pout na siya. Hindi ko ulit siya pinansin at yinakap na niya ako mula sa likod. "Tatampo na ako, mas mahalaga ba yang mga libro na yan kesa saakin para hindi mo ko pansinin? " "Oo. " Simple kong sabi at hindi ko na napigilan sarili ko na matawa. Sumimangot siya lalo at bumitaw na sa pagkaka yakap saakin, aalis na sana siya ng hilahin ko siya pabalik at yinakap siya. "Ano nanaman kasing nangyari sayo huh? " Pagtatanong ko dahil may sugat nanaman siya sa labi, sino nanaman bang naka away nitong babaeng to. "Sinuntok ako bigla ni Kevin kanina pero don't worry baby katulad ng sinabi mo hindi ako gumanti at hinayaan ko lang siya. " sabi nito ng mahinahon na ikina ngiti ko kaunti. Masunurin ito pag dating saakin pero naawa naman ako dahil hindi ata tama na hindi siya gumanti ugh. "Bakit ka naman niya sinuntok? May ginawa ka no? " palagi na lang kasi yung dalawa na iyon. "Ayun nga e, wala na nga ako ginagawa galit na galit naman siya parang gago lang e. " natawa naman ako lalo saka pinudpod siya ng halik sa mukha. "Punta ka sa clinic, i'm sorry hindi ka masasamahan dahil kailangan ko ito matapos ngayon. " sabi ko sakaniya na ikinatango niya, this is what i love about her. Ibang iba siya pag dating saakin at para bang napaka among tupa. "It's okay baby, makikita pa naman kita mamaya noh? " tumango ako saka siya ngumiti nang pagka tamis tamis at hinalikan ako sa labi ng mabilis. "See you later, Mrs. Savedra ko. " kumindat pa ito bago umalis. Hindi ko naman maiwasan na mamula at mapa ngiti sobra. ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD