CHAPTER 1

3376 Words
Crush "Hoy, Astin! May test tayo sa History ngayon! Nag text si Bryan sa'kin, kailangan daw natin humabol!" Napatigil ako sa pagsipsip ng milktea sa narinig at nanlalaki ang mata na lumingon kay Gino na nasa tabi ko. Patay! Ba't nakalimutan ko? 'Di pa naman ako nakapag-review, pero kaya naman. "Ilang oras na lang bago mag start ang klase?" tanong ko. "1 hour." Bwesit! Kung kailan pa na manonood kami ng car racing ngayon. Sayang to! Lalo na ang pinusta ko. Pasaway ako pero 'di ko naman puwedeng pabayaan ang grades ko, lalo nang Political Science ang tini-take ko para maka-proceed sa Law School. Pagalitan na'ko ni Papa lahat-lahat basta't huwag niya lang akong matawag na bobo. Mababawasan pride ko. "Tara na!" Nanguna na'ko sa paglalakad. Nahirapan pa kami makadaan dahil ang daming nanonood ngayon. Ba't pa kasi sumakto ang test sa oras ng karera? Ang malas naman ho! Salamat na lang at nakadaan kami ng maayos ni Gino kaya malapit na kami sa exit. Kita ko mula rito ang grupo nila Zale na nakatayo malapit doon at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Lalampasan na sana namin sila ng tinawag ako ng isa sa kanila. Si Artemis, taga villa namin. "Uy, Astin! Hala! Nag-cutting ka 'no?" Itinaas ko ang middle finger ko sa kaniya, "Pake mo?" "May award ka na naman sa Daddy mo niyan mamaya! Hahahah!" "Takot sa'kin 'yon!" pagmamalaki ko. Nagtawanan sila. "Ang pangit niyong tumawa!" sigaw ko. "Napaka-sinungaling mo!" sigaw naman ni Riku. "Bakit? Gwapo kayo?" pang-aasar ko pa. "Sinungaling ka na nga bulag ka pa. Malala ka na, Astin!" Inirapan ko sila at saka tumingin kay Zale na inaayos ang sariling gloves na akala mo 'di natawa ng pinagtutulungan ako ng mga kaibigan niya. "Hoy, Zale! Panalunin mo! Pumusta ako sa'yo!" Inangat niya ang tingin sa'kin at tinanguan ako, "Basta sa susunod siguraduhin mong makakapanuod ka." "Copy, Sir!" sumaludo ako. Ngumiti siya sa'kin. Naramdaman ko na lang na hinila ni Gino ang uniform ko, "Male-late tayo." Nagpatinaod ako sa kaniya dahil tama naman siya. Pinili ko pang makipag-daldalan kung saan nagmamadali kami. Sumakay kami ng taxi pabalik ng school dahil nag-commute lang kami kanina. Dumaan kami sa likod ng school at inakyat ang 'di kataasang pader. "Bilisan mo! Akala ko ba kalahi ka ni spiderman?" inip na sabi ko dahil nahihirapan siyang makaakyat. Humahangos kami ng makarating sa room at halos mahilo dahil sa pagod, ang layo kasi ng tinakbo namin, grabe! Nauuhaw ako. Napatingin sa'ming pareho ang mga ka-blockmates namin at gulat sa ayos naming dalawa. Sinenyasan nila kami na pumasok na kaagad. "Bilisan niyo! Baka maabutan kayo ni Sir. Bautista!" Naunang pumasok si Gino kaya sumunod ako kahit nanginginig ang tuhod ko dahil sa pagod. Pabagsak akong umupo sa tabi ni Zash. Lumingon ako sa kaniya na busy sa pagsusulat ng kung ano-ano. "May tubig ka?" tanong ko. Walang sali-salitang inabot niya sa'kin ang tumbler niya at kasama na ang panyo. Sweet talaga ng baby ko. "Salamat," bulong ko. Pagkatapos kong inumin ang tubig ay pinunasan ko ang pawis ko gamit ang panyo niya. s**t, ang bango. Akin na'to, remembrance kun'baga. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang notebook kahit may aircon dahil basa ang kili-kili ko sa pawis, hindi naman nangangamoy kasi amoy baby parin ako kahit dalaga na. 'Di ako makapagpalit ng damit dahil nasa locker ang extrang uniform ko, 'di naman ako puwedeng lumabas pa dahil maya-maya lang ay dadating na ang Prof. namin. Nag-spray ako ng perfume sa katawan. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Zash sa balikat ko kaya nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Nakita kong tinakpan niya ng panyo ang ilong. Nasobrahan yata ako sa pabango. "Sorry, baby ko," kinurot ko ang pisngi niya. He only nodded at tinuloy ang sinusulat. Lumingon ako sa likuran ko para magtanong kay Morgen na tutok sa binabasang libro, kaklase naming matalino, "Mahirap ba ang test ngayon?" "Mahirap kung 'di ka nag-review." Napakagat ako sa ibabang labi bago sabihin ang pakay, "Pakopya hah?" Bumuntong hininga siya bago itinuon sa'kin ang paningin, "Sabi na nga ba." Mabait na ngumiti ako sa kaniya at pinagtagpo ang mga palad na animong nagdadasal. kumunot ang noo niya at tinapik ang nakatagpong palad ko, "Fine." "Thank you, Morgen!" malaki ang ngiti ko at kinuha ang palad niya at mahigpit na hinawakan ito, "hulog ka ng langit!" Inagaw niya sa'kin ang kamay niya at itinuon ulit ang atensyon sa librong binabasa, 'di nakalagpas sa'kin ang pagkairitable niya, mukhang napilitan sumang-ayon. Biro lang naman e. Wala naman talaga akong balak mangopya, hehe. Maya-maya lang ay dumating na ang prof. namin. Mabuti na lang ay nasagutan ko ng maayos ang test. 'Di nga ako nakapag-review pero nakikinig naman ako sa klase at nagbasa-basa. Mabuti na lang talaga nakaabot kami sa test pero sayang 'yong karera, gustong-gusto ko talagang manuod. Akala kasi namin magle-lesson lang ang Prof. ngayon dahil pwede naman kami manghiram ng notes ni Gino para makasabay sa lesson. "Astin, sa'n kayo galing kanina?" tanong ng ka-blockmate ko. "Manonood sana ng car racing." "Buti nakaabot kayo! Strikto pa naman 'yong si Sir. Bautista," sulpot din ng isa. "Oo nga eh. Sige food court muna kami." sabi ko at sinenyasan sina Gino at Bryan. Lunch break na kasi, absent kami ni Gino ng dalawang subject kanina. "Zash, tara na." "Hmm." tugon niya at niligpit ang gamit. 'Di ba napapanis laway nito? Kaming dalawa ni Gino ang pumila para bumili ng lunch para sa aming apat. 'Di naman mahaba ang pila dahil wala pang masyadong tao sa food court. Naramdaman ko na lang na may umakbay sa'kin mula sa likod. "'Dito lang pala kita mahahanap," bulong niya sa'kin. Uminit bigla ang ulo ko. Sigurado akong nagsumbong na naman ang kapatid nito. Si Gino na mismo ang kumuha ng kamay niya mula sa balikat ko. "'Wag dito, pre," saway ni Gino. "Bakit, Nahihiya kayo?" sabi ni Donovan. Napatingin naman ako sa paligid at nakitang nakamata sa'min ang ibang estudyante. Mukhang naghihintay makasaksi ng gulo at walang may planong makialam. Inis na humarap ako kay Donovan, "Anong kailangan mo?" "Dapat ako ang magtatanong sa'yo. Anong ginawa mo kay Cammy?" matiim ang titig nito sa'kin na para bang kahit na anong oras ay kaya niya 'kong saktan. "Ano bang sinabi niya?" tinulak ko siya ng mahina. Nakita ko ang pagpipigil niya. Ano ba ang nakarating sa kaniya at galit na galit siya sa'kin ngayon? Eh 'di ko nga nakakausap 'yong kapatid niya. Nang hindi siya sumagot ay tinalikuran ko na siya. "Astin!" nanlalaki ang matang sigaw ni Gino habang nakatingin sa likod ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ang kamay na pumigil kay Donovan sa akmang pagsuntok sa'kin. Si Raizel. Biglang bumalot sa'kin ang kaba. Pisti! Muntikan na ako do'n. Kung 'di siya napigilan ni Raizel baka basag na ang mukha ko ngayon. Gagong Donovan! Kahit babae, walang sinasanto! "Uy! Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Gino. Tumango ako. Medyo kinabahan lang naman ako. Halos umirap ako ng makita ang kapatid ko at ang ilang mga kaibigan nila ni Raizel na mukhang masama na naman ang impresyon sa'kin. Siguradong pag-uusapan na naman nila ang mga karantaduhang nangyari ngayon. "Wala ka nang ibang ginawa kun'di gumawa ng gulo," salubong ang kilay na sabi ni Raizel na ako ang tinutukoy. Binitawan niya ang kamay ni Donovan na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa'kin kaya pinakyuhan ko. Akmang susugod na naman siya sa'kin pero humarang na ang katawan ni Raizel sa gitna naming dalawa. "Stop it! Kung ayaw niyong ireport ko kayo sa Dean's office." ramdam ko ang diin sa boses ni Raizel. Tiningnan ako ni Donovan sa huling pagkakataon at saka tumalikod palabas ng food court. Nakahinga naman ako ng maluwag. Kailangan ko na talagang kausapin siya at makipag-ayos dahil baka saan pa umabot ang misunderstanding sa pagitan namin. Ipapaliwanag ko lang naman sa kaniya na hindi ako ang umaaway sa kapatid niya dahil baka abangan ako no'n sa labas ng school. Kilala kasing basag-ulo 'yon. Ayaw ko namang mapaaway hanggat maaari dahil sawa na'kong makarinig ng sermon kay Papa. Lagi-lagi na lang. "Luckily 'di ka tinuluyan," saad ni Riley ng makalapit sa'kin. Hindi ko siya pinansin at ibinalik ang tingin kay Raizel na nakatingin sa'ming dalawa. "Salamat," sabi ko ng matuon sa'kin ang paningin niya. Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya na para bang wikang banyaga ang binanggit ko. Tinalikuran ko na siya bago pa siya makapagsalita. "I really thought na papatulan mo si Donovan," natatawang saad ni Gino. "Hindi ako gano'n." 'Di ko namang gawain na pumatol sa tao na wala pang ginagawa. Kahit may pagka-gaspang ang ugali ko, nag-iisip naman ako kung ano ang kalalabasan ng mga gagawin ko, pero may mga araw talaga na nakakalimutan kong mag-isip ng tama kaya siguro ako napapaaway. "Astin, anong nangyari?" tanong ni Bryan ng makaupo kami ni Gino pagkatapos mailapag ang mga inorder. Tumabi ako kay Zash at tumabi naman sa kaniya si Gino. "Si Donovan. Tungkol na naman sa kapatid niya," tinatamad kong sagot at nilantakan ang pagkain ko. "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong niya. "Babe! Nagseselos ako," tila nagtatampong sabi ni Gino kaya tinawanan ko siya. Mag-boyfriend kasi sila ni Bryan. 'Di naman sila bakla, bisexual lang talaga. Pareho silang gwapo at maraming babaeng nagkakagusto sa kanilang pareho. 'Di ko akalain na ako pa mismo ang tumulong kay Gino na kumpirmahin ang nararamdaman niya kay Bryan dahil naguguluhan siya. First time niya kasing magkagusto sa lalaki kaya 'di niya mailabas ang nararamdaman at pilit iniwasan si Bryan, pero sa huli ay naging sila rin. At mukha naman silang masaya sa isa't-isa at wala pang problemang kinakaharap. I feel happy seeing them together as their friend. "Astin." Napatingin ako kay Zash ng bigkasin niya ang pangalan ko. Inilagay niya sa pinggan ko ang karne. Nakalimutan ko na hindi pala siya kumakain no'n. 'Di ko mapigilan hangaan kung gaano ka ganda ang mukha niya kahit lalaki siya. Naghahalo ang kagwapuhan at kagandahan sa kaniya. Lalong-lalo na kapag tumingin ito sa'yo dahil kumikislap ang kulay asul na mga mata nito. Kahit ang kutis ay ang kinis at nagliliwanag sa kaputian. I have a crush on him but he always rejecting me. His reason ay 'di daw kami pwede. Okay lang naman sa'kin, hinahangaan ko lang siguro ang mukha niya dahil ngayon lang ako nakakita ng ganiyang ka-perpekto. "Marry me, please," sabi ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Tumingin siya sa'kin para makita ko na naman ang kulay asul niyang mga mata. Ngumiti siya at pinitik ng mahina ang ilong ko. "Never," nakangiti niyang sinabi iyon kaya imbis na manlumo ay mas lalo pa akong nahulog. "Uy, Astin! Tigilan mo nga ang pagpapantasya kay Zash! Wala kang pag-asa diyan," si Gino na tinawanan pa ako. Pinakita ko sa kaniya ang kamao ko, "Baka gusto mong si Bryan na lang ang gustuhin ko." "Subukan mo. Magkakamatayan tayo." masama ang tingin niya sa'kin at hinalikan sa pisngi ang boyfriend na agad naman siyang sinaway. Itinuloy ko na lang ang pagkain dahil kanina pa ako nagugutom. Napatingin ako sa table nila Riley at nakita siyang may ibinubulong kay Raizel. Kahit kailan talaga hindi kami nito magkakasundo dahil kahit ang isa sa amin ay ayaw magpatalo. Aaminin ko na nagseselos ako sa atensyon na binibigay ni Papa sa kanila ni Sasha pero ano bang magagawa ko? 'Yong nanay nila ang tunay na mahal eh. Ipinakasal lang naman sila ni Mama at Papa dahil nabuo ako. Sila dapat ang tunay na pamilya at wala akong karapatan na magreklamo sa pagiging bias ni Papa. Ang mahalaga ay nandiyan si Mama na iniisip palagi ang kalagayan ko kahit nasa ibang bansa siya para magtrabaho. Masaya rin ako dahil nakatagpo ako ng mga kaibigan na nandiyan palagi sa tabi ko. "Astin, tawag ka sa Dean's office!" napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Macey Dela Torre, secretary ng Executive Committee kung sa ibang term ay student council. Sikat siya sa buong school. Well, she's a rising actress and a commercial model. "Inosente ako!" balik na sigaw ko at sumubo ng sandwich na binili ko kanina. Rinig ko ang tawanan ng iba. Lumapit sa'kin si Macey at piningot ang tenga ko. "Aray! Ano ba!" Binitawan niya ang tenga ko at kinuha ang sandwich sa kamay ko at kumagat. "May laway ko 'yan," tiningnan ko siya na parang nandidiri. Napasinghap ako ng nilamon niya ito ng buo, "Sarap." Inirapan ko siya. "Uy, Macey! Aminin mo na lang kasi na crush mo si Astin. Hindi 'yong aagawin mo pa ang pinagkainan niya!" sigaw ni River na nakaupo sa mesa nila Riley. Nakatingin na sa gawi namin ang mga barkada nila. "She already know! But she like someone else," madramang tugon ni Macey. Naghiyawan ang ibang mga estudyante na malapit sa'min kaya medyo umingay ang buong food court. "Guys, shut up! Mapapagalitan tayo!" saway ni Macey sa mga ito na mukha namang ini-enjoy ang tuksuhan. Hinampas ko ang kamay niya, "Tumigil ka nga! Ba't ako pinatawag?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng malaki. "May meeting kayong Club President," excited na sabi niya. "Sige, umalis ka na! Susunod ako." Tinulak ko pa siya palayo sa'kin. "Bilisan mo hah!" 'Di ko na siya sinagot pa at kinuha ang sandwich ni Gino na 'di niya pa nagagalaw, 'di naman siya umangal. Lalo na't busy siya kay Bryan. "Mr. Veraizel Hensen! Muntik ko nang makalimutan, pinapatawag ka rin!" sigaw niya mula sa entrance ng food court. Napangiwi ako dahil kailangan niya pa talagang isigaw kaysa lapitan. Marami pa namang students dito sa loob. Napatingin ako kay Raizel dahil pinatawag din siya. Sa pagkakaalam ko ay siya ang president ng Dance Club. Nakita ko itong tila nagpapaalam sa mga kaibigan, pupunta na siguro sa Dean's Office. Nagtagpo ang mga paningin namin ng dumaan siya sa gilid ko, daplis lang iyon pero ramdam ko ang pagkadisgusto. Tumayo na rin ako. "Mga kampon ni Adan, punta lang akong Dean's office," paalam ko sa tatlo. "Geh, ingat." "Goodluck!" pahabol ni Bryan. Nang makarating ako sa Dean's office ay nandito na silang lahat. Umupo ako sa gilid malapit sa pintuan. Ang iba ay may kaniya-kaniyang pinag-uusapan at mayroong tahimik lang na naghihintay. Tumigil ang paningin ko kay Raizel ng makita siyang tila inoobserbahan ako. Salubong ang kilay ko habang nakikipaglaban ng tingin sa kaniya. Seryoso lang siya at wala man lang na kahit na anong reaksyon sa mukha. Pairap niyang inalis ang paningin sa'kin. Problema nito? "Club Presidents, please be all seated!" sabi ni Morgen ang Executive Committee President ng makalabas mula sa mismong office ni Dean. Nandito kami lahat sa mini-conference room. Nakaupo na silang lahat habang ako ay nandito pa rin sa gilid nakaupo. Wala man lang may nakapansin. "So, let's start the meeting!" panimula ni Morgen. Tiningnan niya muna isa-isa ang mga nandito at nangunot ang noo ng 'di ako mahagilap. Ako lang naman kasi ang 'di nakaupo sa long table. "Nasaan si Ms. Wright?" tanong niya. Inilibot niya ang paningin hanggang sa mahagip niya ako. Bumuntong-hininga siya na para bang sakit na naman ako ng ulo. Sinundan ng lahat ang tingin niya kaya na sa akin na ang atensyon nilang lahat. "Why are you there, Astin?" tanong niya. "Ayaw kong magkipag-siksikan diyan," tinatamad kong sagot. Napasapo na lang siya sa kaniyang noo at itinuloy ang meeting about sa nalalapit na School Carnival na gaganapin next month. "As for the last day of School Carnival. The school will hold a live concert and both of the Dance and Music Club will going to do a collaboration for the performances," tumingin siya sa'ming dalawa ni Raizel, "Mr. Hensen and Ms. Wright, you two need to hold a meeting with both of your respective club members about what spectacular performances you will perform that will make the night of the audience memorable and fun." "We will." "Sige!" Sabay naming sabi ni Raizel. Nagkatinginan pa kami at kaswal lang na inalis ang tingin sa isa't-isa. All Clubs will individually host a booth. Excempted ang Dance Club at Music Club dahil kami ang naatasan na magperform sa gaganaping concert. Natapos ang meeting ng maayos. Bumalik na ako sa classroom at naabutan ang mga kaklase kong may kaniya-kaniyang ginagawa. Nalaman ko na lang na wala ang professor na magtuturo sa amin ngayon because of some emergency. Kaya nag bilin na lang siya ng activity na ipapasa sa lunes. Great timing 'to dahil naisipan kong puntahan at kausapin si Cammy tungkol sa ginawa ng kuya niya kanina. Baka paglabas ko pa lang ng gate ay saksakin ako no'n. Sa tingin pa lang sa'kin kanina parang gustong-gusto akong sakalin. Hayop na Donovan, napaka-barumbado talaga! Pero mas barumbado ako kung kinakailangan. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Cammy ng puntahan ko siya sa department nila. Walang sabi-sabing hinigit ko ang kamay niya. Dadalhin ko siya kay Donovan para ipaliwanang niya ang totoo, malilintikan talaga sa'kin ito kapag 'di malilinis ang pangalan ko sa kuya niyang pinaglihi kay Adonis sa kagwapuhan! "Astin, pinagtitinginan tayo! Baka akalain nila babae mo ako! Hindi ako bisexual!" Napatigil ako sa sinabi niya. "Anong babaeng pinagsasabi mo?! Wala akong babae! Mga kaibigan ko lang 'yon! Ang kalat-kalat niyong gumawa ng kuwento!" inis na sabi ko. Bruhang Macey na 'yon! Dahil sa kaniya ay pinagkakamalan akong homosexual. Sa kaniya nagsimula ang lahat eh. Kumalat kasi ang litraro namin na magkadikit ang mga labi, ang naaalala ko ay bigla niya na lang akong hinalikan noong nag-iinuman kami. Simula noon ay hindi ko na siya kinakausap pero palagi pa rin niya akong kinukulit. "Napakasinungaling mo talaga Astin," nakangusong sabi nito sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at kinaltukan. "Alam mo ba ang pinaggagawa ng kuya mo sa'kin?" Tumango ito. "Hindi naman ako ang naninira sa'yo kundi 'yong mga lalaking may gusto sa mga babaeng nali-link sa'yo. Tanga lang ni Kuya dahil naniwala agad," sagot niya. Tanga talaga! Sobrang tanga! Pinaka-tanga! "Baka may gusto rin siya sa mga sinasabi nilang babae ko," hula ko. Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. "Ikaw ang gusto no'n!" agad niyang tinakpan ang bibig at umiwas ng tingin sa'kin. Hah? Ano raw? Si Donovan may gusto sa'kin? Imposible! Baka kung magiging kami, magsasapakan na lang kami tuwing mag-aaway. "Halika na! Ipaliwanag mo ang lahat sa kuya mo. Ikaw talaga ang malalagot sa'kin. Bubugbugin talaga kita gaya ng binibintang niya!" palatak ko. "Ayusin mo nga ang pananalita mo, Astin! Kaya ka nami-misinterpret ng marami eh. Ikaw pa naman ang pinakamabait na kilala ko. Ang iba kasi mapagpanggap." Natawa ako sa sinabi niya, "Uy, kinilig ako. Purihin mo pa'ko!" Hinampas niya ako sa balikat at siya na mismo ang humigit sa'kin. Ang layo ng nilakad namin papunta sa Business Management Building. Kaya nagsisi ako na kami pa mismo ang pumunta rito kung pwede namang tawagan nalang ni Cammy si Donovan at papuntahin sa amin. Nang makarating kami sa mismong classroom nila ay tiningnan ko muna kung may professor ba sa loob at nang wala akong makita ay pumasok ako at hinanap ng paningin si Donovan. Nakita ko itong salubong ang kilay na nakatingin sa'kin. Binalewala ko ang nagtatanong na tingin ng mga kaklase niya. "Astin, I'm here!" Napatingin ako kay Farrah na nakataas ang kamay. Isa pa 'to! Pinagkamalan din kaming mag-syota. My pina 'thank you for the night' pang nalalaman, eh tinulungan ko lang naman silang magkita ng boyfriend niyang anak ng katulong namin. Galing mag-imagine ng iba! Walang limit. Hindi ko siya pinansin at tumingin ulit kay Donovan. Sinenyasan ko ito na lumapit. Padabog pa itong tumayo na akala mo pinilit talaga. Assuming lang? "What are you doing here?" masungit na tanong niya. Nasa may pintuan pa nga lang kami kinausap na kaagad ako. Atat na atat. "Gusto kong magkipag-ayos." Natawa siya ng mahina at nagtatanong na tiningnan ang kapatid na nasa tabi ko, "Anong sinasabi niya? Tinakot ka na naman ba niya?" "Sumusobra ka na sa pang-aakusa hah!" protesta ko. Napalakas ang boses. Napatingin sa amin ang mga kaklase niya kaya sinenyasan ko sila ng 'zip your mouth'. Sarap talaga ihagis nitong asungot na Donovan na 'to! Mukha ba akong bully? Eh ako nga ang na-agrabyado nilang magkapatid! "Bakit? Hindi ba totoo?" hinawakan niya ang braso ko. Agad ko itong kinalas, "Chansing ka hah! 'Yan ba ang Da-moves mo?" "Da-moves?" nagtatakang tanong niya. "Sabi ni Cammy ano mo raw ako..." binitin ko ang sinabi. "Ano?!" "Crush." .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD