CHAPTER 2

3420 Words
Manghimasok Sandali itong natigilan, nakaawang ang manipis at mapulang labi. Tinignan niya si Cammy na para bang gusto niya itong kaltukan. Para silang nag-uusap gamit ang mga mata. Tumikhim ako. "Huwag kang kiligin," tukso ko. Pigil ang hiningang tumingin siya sa'kin at napatagal ang titig. Ngumiti ako ng mapang-asar. Napalunok ito, "'Di ka naman maganda." Imbis na mainis ay natawa ako. "Talaga? Kaya pala no'ng kinder tayo tinusok mo ng lapis si Gino no'ng sinabi kong pakakasalan ko siya paglaki namin. Selos ka ba no'n?" Namula ang tenga niya at makahulugang tumingin sa kapatid. Naramdaman ko naman na mas lalong dumikit si Cammy sa'kin. Sinisisi niya ba si Cammy? Baka kailangan ko ng itigil ang pang-aasar ko at gawin ang ipinunta ko rito. "Excuse me, nakaharang kayo sa pinto." Agad kaming tumabi at pinadaan si Raizel. Si Raizel? Classmate sila? Naamoy ko ang pabango niya ng dumaan siya sa gitna namin. His scent smelled refreshing and sweet. Mukhang pang babaeng perfume ang ginamit niya. It's really smell good! Parang gusto kong amuyin ulit. "Astin, anong sinisinghot mo?" bulong ni Cammy. "Ang bango eh!" medyo napalakas ang pagkakasabi ko dahilan ng pagtigil ni Raizel at gulat na humarap sa'kin. Awkward na ngumiti ako sa kaniya, "Iyong ginamit mong pabango type ko." Mukhang namalikmata ako ng makita ko itong inangat sandali ang labi. Inalis ko na ang tingin sa kaniya at humarap ulit kay Donovan. Nanibago ako sa tingin ng gwapong asungot. Seryosong-seryoso ito. "If you want to talk to me. Huwag dito," mukhang bumalik na siya sa normal. Nauna na siyang lumabas kaya sumunod kami ni Cammy. Tumigil kami sa may hagdan. Napatingin siya sa aming pareho at tila hinihintay magpaliwanag ang isa sa amin. "Cammy will explain everything," panguna ko. He narrowed his eyes at me and shifted it to his sister, "What is it?" Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Cammy. Huwag niyang sabihing aatras siya ngayon? Gagawin niya ba akong tanga? "Walang ginawa sa'kin si Astin, Kuya. Gawa-gawa lang iyon ng taong nagsumbong sa'yo," nakayuko niyang saad. "Pinagtatakpan mo ba siya?" giit ni Donovan. Lang'ya ka talaga, Donovan! "No. I'm telling the truth. We're only aquaintances. Halos 'di nga kami nagkakasalubong sa loob ng campus," depensa ni Cammy. Tumingin sa'kin si Donovan, mukhang naniniwala na. Ipinilig niya ang ulo at ibinalik ang tingin sa kapatid. "Paano mo ipaliliwanag sa'kin ang mga pasa mo?" Kitang-kita ko ang pamumutla ni Cammy. Nanginginig ang labi nito na parang takot magsabi ng totoo. Yeah, who did this to her? Ang tanga ko! 'Di ko man lang tinanong kung sino ang nangbugbog sa kaniya at basta-basta na lang siyang hinigit patungo rito. "Answer me!" napatalon ito sa sigaw ni Donovan. Kahit ako ay gano'n din. Gusto kong pumagitna pero wala ako sa posisyon na gawin iyon. Kahit ako ay gusto ko rin malaman. May hinuha ako pero gusto ko makumpirma sa kaniya mismo. Mabait si Cammy para maranasan niya 'to. "Kuya," nakayukong bulong nito. "Tell me the truth." "Kalimutan na lang natin 'to, Kuya. Wala nang kasunod 'to," she muttered. "Tell me!" galit nang sabi ni Donovan. "K-kuya." "Sabihin mo sa'kin! Sasabihin ko 'to kay Daddy!" "Boyfriend niya," sabat ko. Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon ni Cammy, halata ang gulat sa kaniya, "Tama ako 'di ba, Cammy?" "Astin," nanunubig ang mata niya habang nakatingin sa'kin. "May boyfriend ka?" 'di makapaniwalang tanong ni Donovan. "Break na kami, Kuya!" tuluyan na siyang umiyak. Lumapit ako para aluin siya. Mahigpit na yumakap siya sa'kin na para bang takot na takot. "Dapat lang! Ngayon sabihin mo sa'kin kung anong ginawa niya sa'yo," si Donovan. "He forced me to have s*x with him but I refused a-and doon niya na'ko binugbog," nanginginig na sumbong ni Cammy. Napapikit ako sa narinig. Women should be respected. Kahit ako ay may paniniwala rin na dapat ay sa asawa ko lang ibibigay ang sarili ko. "Who is he?" ramdam ko ang pagtitimpi ni Donovan. "Kuya, tama na! Wala na kami, pabayaan mo na lang!" "Cammy?" gulat na sabi ko. Palalampasin niya lang 'to? Hahayaan niya lang ang gagong 'yon?! "Sabihin mo!" Nabigla ako nang bigla na lang higitin ni Donovan si Cammy mula sa'kin. Mahigpit niya itong hinawakan sa magkabilang balikat. "Donovan, ano ba!" tinulak ko siya pahiwalay kay Cammy. Natigil kami nang bigla na lang tumakbo si Cammy pababa ng hagdan. Akmang susundan siya ni Donovan pero pinigilan ko na ito. "Sa tingin mo ba sasabihin niya sa'yo kapag pinilit mo?" "Huwag kang mangialam dito. May alam ka pero 'di mo sinabi," masama ang tingin niya sa'kin. Halatang pinipigilang ibunton sa'kin ang galit. "Hula ko lang iyon pero sumakto," "Sinungaling." "Kung gusto mo malaman kung sino ang boyfriend niya. Tanungin mo ang mga kaibigan niya," suhestiyon ko. "Ba't hindi ikaw magsabi? Alam mong may boyfriend siya 'di ba?" "Sa mukha ko lang kilala pero hindi ang pangalan." inismiran ko siya. He sighed, "Sabihin mo sa'kin 'pag nakita mo. Kakausapin ko." Tumawa ako ng mahina. Kakausapin daw! Sinungaling to! Nawala ang ngisi sa mukha ko ng mapansin ang titig niya sa'kin. Tila ba pinag-aaralan niya ang bawat parte ng mukha ko. "Ba't ganiyan ka makatingin? Crush mo talaga 'ko no?" nakangising tanong ko. Nagsalubong ang kilay niya, "Any problem with that?" Nasampal ko siya ng mahina dahil sa gulat. Did he confirm it? "Gago, wala kang crushback sa'kin, inaaway mo'ko," natatawang sabi ako. Napatingin ako sa medyo may kahabaan niyang buhok na bagay na bagay sa kaniya, may dalawang silver na hikaw sa kaliwang tenga niya, maganda rin mamorma. Napaisip ako na ang swerte ko pala... may admirer akong gwapo. He scoffed, "Nevermind. You preferred girls though." "Gusto mo bigyan kita isa?" alok ko. Supladong umiling siya kaya umismid ako. Umupo kaming dalawa sa hagdan at natulala. May kaniya-kaniyang iniisip, lalong-lalo na ang tungkol kay Cammy. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. That's why she never corrected her brother for accusing me. I hope she will face this as soon as possible dahil malapit na sa rape ang ginawa ng Ex niya. Paano pala kung nag-insist talaga ang lalaking 'yon na galawin siya, imagine the trauma? Napabuntong-hininga ako at nag-isip kung anong gagawin ko bukas dahil walang pasok. Magyayaya kaya ako kina Gino na mag skate-boarding tapos mag-na-night study kami. Isasama ko si Farrah para may kasama akong babae. Ang pangit naman tingnan na ako lang ang babae na mag-o-overnight kasama ang mga lalaki. "THANK YOu so much, Astin!" Ngumiwi ako dahil sa higpit ng yakap ni Tita Tamara. Wala kasi akong pasok ngayon kaya napag-utusan ako na magbantay ng mga anak nila ni Tito Heiz, kapatid ni Papa. Kung hindi ako papayag ay baka makurot na naman ako sa singit ni Lola. "Oo na! Akong bahala," tinulak ko pa siya palabas ng bahay nila. Napairap ako ng makasakay na sila ng sasakyan. Nakapamewang akong humarap sa dalawang bilog na bata, ang tataba kasi ng pisngi. Nakatingin ng may pananabik sa'kin si Keith, 6 years old at ang isa naman ay si Kali, 6 months lang, dumedede ito sa babyrone. "You will stay here for the whole day?" masayang tanong ni Keith. Tumango ako. "Yes!" itinaas niya pa ang kamay at saka pumalakpak. "Yes mo mukha mo! Akala mo ba madali kayong bantayan?" pinakita ko sa kaniya ang kamao ko. "You're so mean, Astin!" "No. I'm a woman." "Astin!" Natawa ako at lumapit sa kaniya. Ginulo ko ang buhok niya at nakangiti nitong hinawakan ang kamay ko na nasa ulo niya. "Kuha tayo mangga!" excited na sabi niya. Ang alam ko ay season ng mangga ngayon kaya siguradong marami ng bunga ang puno ng mangga nila sa likod ng bahay. "Sige." Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng pantalon ko. CALLER: Bryan [Astin.] "Ano?" tinatamad kong sagot. [Hinahanap ka ni Raizel. Kailangan niyo daw muna mag-usap about sa concert bago kayo magpa-meeting.] "Saan ba siya?" [Pumunta ka rito sa school. Ikaw lang ang club president na wala rito. Ang iba nagsisimula na magtayo ng booth nila.] "Hindi ako puwede ngayon. Nagbabantay ako sa mga anak ni Tito Heize." ['Di mo ba puwede maiwanan sandali? Pinapatanong ni Raizel.] "Syempre hindi! Alangan namang iwan ko ang anim na buwang sanggol dito. 'Di ko namang puwede dalhin diyan sa school dahil baka maging hassle." [Pupuntahan ka na lang daw niya. Ihahatid ko siya sa bahay ng Tito mo pero hindi ako magse-stay dahil busy din ako rito.] "Bahala ka." Pinatay ko na ang tawag at tumingin sa dalawang bata. "Tara na!" Pumunta kami sa likod ng bahay habang tulak-tulak ko sa stroller si Kali. "Ihahagis ko ang mangga pababa. Pulutin mo." Sabi ko at naghanda nang umakyat sa puno. Halos isang oras na kaming nangunguha kaya nakaramdam na ako ng pagod. Nagpahinga muna ako sandali habang nakaupo sa sanga. "Astin, 'yon may hinog pa!" Napatingin naman ako sa itinuturo niya at nakitang nasa kabilang sanga ang bunga. Mukhang 'di ko na kayang abutin 'yon. Okay na siguro ang mga nakuha ko. Kailangan ko na rin kasi maghanda ng pananghalian nila. Napatingin ako sa baba at tinatansya kung kaya kong talunin. Basic. Bumilang ako ng tatlo at akmang tatalon na ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Astin!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa pagkabigla. Inis na hinarap ko si Milda dahil sa pagsigaw niya at gulat na napatingin sa lalaking kasama niya. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa'kin mula sa baba na para bang may ginawa na naman ako na 'di niya nagustuhan. Napaghahalataan na talaga na ayaw na ayaw niya sa'kin. Pakiakam ko? 'Di ko rin naman siya gusto. Patas lang kami. "Alis muna ako Astin. Sinamahan ko lang ang bisita mo! May niluluto pa'ko!" sigaw ni Milda at tumatakbong umalis. Bumilang ulit ako ng tatlo at tumalon. Maayos naman ang paglanding ko. May lahi yata akong unggoy, pero hindi mukha ang nakuha ko kun'di ang abilidad. "Naisip mo ba na pwede kang mabalian ng buto dahil sa ginawa mo?" striktong saad ni Raizel. Inis na hinarap ko siya, "Pake mo?" Huminga siya ng malalim at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. "Kapatid ka ni Riley. Ayaw ko lang na mag-alala na naman siya sa'yo. Problema na lang palagi ang dinadala mo sa kanila. 'Di ka ba nahihiya?" Sandali akong napatigil dahil sa mga sinabi niya. I don't want to hate him because he doesn't know everything. Kaya niya lang nasasabi ang mga ito dahil ito lang ang nakikita ng mga mata niya at naririnig mula sa kapatid ko. He doesn't know—but he also doesn't have the right to say those words because we're not even friends. Kahit mga kaibigan ko ay 'di nangingialam sa problema ko sa pamilya ko. Ayaw ko magtanim ng sama ng loob sa kaniya pero 'di ko mapigilan makaramdam ng pagkadisgusto sa mga sinabi niya sa'kin. Sasagutin ko na sana siya ng bigla siyang sinuntok ng maliit na kamay ni Keith sa bewang. Nakita ko ang pagkabigla niya sa ginawa ng bata. Nang akmang susuntukin ulit siya ni Keith ay lumapit na ako at binitbit ang bata palayo sa kaniya. "Don't insult Astin! Astin is nice and Riley is a b***h—" tinakpan ko na ang bibig niya bago pa lumala ang mga pinagsasabi niya. Basta talaga bata sasabihin ang gustong sabihin ng 'di nag-iisip. "What did you say?" tanong ni Raizel. Mukhang 'di nagustuhan ang huling nasabi ni Keith tungkol kay Riley. 'Di naman siguro siya papatol sa bata. "Pagpasensyahan mo na, alam mo na bata. Ayaw niya lang kasi na may umaaway sa'kin," mabigat ang loob na sabi ko. Nasira na ang araw ko ng dumating siya. Gusto ko siyang pagsalitaan ng masama pero pinipigilan ko ang sarili. Kahit i-kuwento ko pa sa kaniya ang buong buhay ko ay 'di rin naman magbabago ang pagkakilala niya sa'kin. "But he spoke ill about Riley," rinig ko ang diin sa boses niya. "Sorry na nga di ba?" nagpapasensyang sabi ko. "Sana tinuruan mo man lang ng maayos. Kapatid mo ang pinagsalitaan niya ng masama at okay lang sa'yo—" "Bata nga kasi! 'Di pa niya alam kung ano ang tama at mali sa mga pinagsasabi! Mahirap bang intindihin 'yon?!" naubos na ang pasensya ko. Kita ko ang gulat sa kaniya, parang humahagilap siya ng salita na puwedeng sabihin pero walang ni isang lumabas sa bibig niya. Napalunok siya at napaiwas ng tingin. Napapikit ako ng madiin ng biglang umiyak si Keith. Ngawa ito ng ngawa at 'di matigil sa pag-iyak hanggang sa magising si Kali na natutulog sa stroller niya dahil sa ingay. Kinarga ko si Kali para patahanin. 'Di ko talaga mapigilang magtaas ng boses kapag masama ang loob ko. "Don't talk to me! I hate you!" Napatingin ako kay Keith dahil sa sigaw niya. Sinusubukan siyang patahanin ni Raizel na mukhang 'di alam ang gagawin dahil sa tuwing susubukan niya itong hawakan ay hinahampas ng bata ang kamay niya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. 'Di ito matatapos habang pinapairal ko ang emosyon ko. Ako lang naman ang may kayang makapagpatahan sa bata. "Keith, stop that! Come over here!" tawag ko sa kaniya. Parang inapi na tumingin ito sa'kin at tila nagsusumbong. Tumakbo ito papunta sa'kin at yumakap sa bewang ko. Hinimas ko ang likod niya gamit ang kanang kamay ko habang hawak ko sa kaliwa si Kali. Kahit nangangalay ay 'di ako pwede magreklamo. My eyes darted to Raizel and saw him apologitically staring at me. Lumapit siya sa'kin at napatingin kay Kali na katatahan lang at inosente na nakatingin sa'kin. Itinaas nito ang maliit na kamay at sinusubukang abutin ang mukha ko kaya yumuko ako. Humahagighik ito ng mahuli ng kamay niya ang ilong ko dahilan na rin para sumilay ang ngiti ko. Ibinalik ko ang tingin kay Raizel na nakatingin na rin sa'kin ngayon. "I'm sorry," he sincerely said. Tinitigan ko lang siya habang tinatansya ang p'wedeng sabihin na makakapagpaintindi sa kaniya na 'di sa lahat ng oras ay kaya kong tumanggap ng insulto o opinyon na hindi naaayon sa sitwasyon. I can't let it pass. I wan't him to shut his mouth when all he can say is bad adjectives about me. 'Di dapat ako naba-bother sa kaniya pero kailangan ko nang i-address sa kaniya na wala siyang karapatan na sabihin kung ano akong klaseng anak at kapatid sa pamilya ko. "Kailangan natin mag-usap pagkatapos ko asikasuhin ang mga bata. Maghintay ka," sabi ko at ibinalik si Kali sa stroller niya. "Yes, I understand. I'm sorry again," patuloy niya. 'Di ko na siya sinagot pa at kinuha ang panyo sa bulsa ng pajama ko at ibinigay kay Keith, "Punasan mo 'yang luha at sipon mo. Pupulutin ko lang ang mga mangga." "Okay, Astin," sumisinghot nitong sabi at tumingin ng masama kay Raizel. "Bantayan mo muna ang kapatid mo. Sandali lang 'to," bilin ko. "Yes, Astin! I don't want that bad guy to hurt my little brother." Tinalikuran ko na sila at isa-isang pinulot ang mga mangga na paniguradong nabitawan ni Keith ng subukan niyang suntukin si Raizel. Pinaghirapan ko pa naman itong kunin. Nang matapos ko nang pulutin lahat ay humarap na ako sa kanila. Nakita ko si Keith na hinaharangan si Kali mula kay Raizel. Nakikita kong hindi sanay si Raizel sa bata dahil sa reaksyon pa lang ng mukha niya na medyo natataranta kung paano pakikisamahan at bilugin ang ulo ni Keith. "Tara sa loob," sabi ko at tuluyan ng lumapit sa kanila. Tulak-tulak ko ang stroller habang nakasunod sila sa'kin. Nakahawak sa laylayan ng damit ko si Keith at paminsan-minsang lumilingon sa likod para tingnan ng masama si Raizel. Kung hindi ko lang kilala ang batang 'to ay baka nabatukan ko na ito sa ginagawa niya. Halata naman na nagpapapansin siya kay Raizel. Gustong-gusto nitong magkaroon ng kuyang kasing-edad ko para raw may pares ako. Ayaw niya naman kay Gino at Bryan dahil magkapares na raw ang dalawa. Pagkapasok pa lang namin sa bahay ay agad ng tumakbo si Keith sa ikalawang palapag. May kukunin siguro. "Umupo ka," alok ko kay Raizel. Tahimik naman siyang sumunod. Pinasadahan niya ng tingin ang buong bahay at 'di sinasadyang matigil ang paningin sa'kin. Mukhang tumigil ang oras dahil wala ni isa sa amin ang umiwas. Kitang-kita ko kung paano mag-parte ng kaunti ang kanyang labi, kung paano lumaylay ang talukap ng kaniyang mga mata at kung paano sinagan ng araw na nagmumula sa bintana ang gwapo niyang mukha. 'Di ko namamalayan na pinipigilan ko na pa lang huminga. "Taaaa!" Pareho kami napatingin kay Kali ng gumawa ito ng ingay. Hindi pa ito marunong magsalita. Humahagikhik ito at nagniningning ang mata dahil umabot ang sinag ng araw sa kaniya. Napangiti ako ng mas lalong lumakas ang hagikhik nito na parang may umaaliw dito. Lumingin ako kay Raizel para lang makita siyang naaaliw na pinagmasdan ang sanggol. "Gusto mo ba siyang kargahin?" tanong ko. Gulat na napalingon siya sa'kin. Tila inaalam kong seryoso ako. "Hindi pa ako nakakahawak ng baby," nahihiya niyang sabi. "Tinatanong ko kung gusto mo ba?" Tumingin ulit siya kay Kali, "Can I?" at ibinalik ang tingin sa'kin. Tumango ako. Kinarga ko si Kali at lumukot ang noo nito habang nakatingin sa'kin ang bilogang mga mata. Pinigilan kong kagatin ang matambok na pisngi nito dahil baka habulin ako ng tsinelas ng ina niya kapag nakitang may marka ng ngipin ang pisngi ng anak. Inabot ko siya kay Raizel. Maayos naman ang pagkarga niya kay Kali. Tinitigan siya ng bata at maya-maya lang ay pinaglalaruan na nito ang mukha niya. Pinipisil ang ilong tulad ng ginagawa sa'kin. Napansin ko na natulala siya kay Kali. "Okay ka lang?" natatawang tanong ko. "Yeah, He's too cute," nakangiti siya. Kung kani-kanina lang ay gusto ko siyang sakalin sa mga pinagsasabi niya sa'kin. Ngayon naman ay tila naglaho na ang sama ng loob ko. He said sorry already and that's already enough. 'Di naman ako mababaw na klase ng tao para palakihin ang bagay na pwede namang ayusin. "Magluluto lang ako ng tanghalian. Pakibantayan mo muna siya. Tawagin mo'ko kapag umiyak," sabi ko. He only nodded. Mukhang natuon na ang lahat ng atensyon kay Kali. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng puwedeng lutuin. Manok lang at iilang gulay ang meron dito. Napagdesisyonan ko na magluto na lang ng tinola. Habang ginagawa ko ito ay sumisilip ako paminsan-minsan sa kanila ni Raizel dahil baka magsawa na siya sa pagbabantay kay Kali. Napanatag ako ng makita na pinapatulog niya ito. Nang maluto na ang ulam at kanin ay pumunta na ako sa sala para tawagin sila. "Kumain muna tayo bago mag-usap at pag-usapan narin natin ang ipinunta mo rito," sabi ko. Napatango siya. Pareho naming tinitigan si Kali na natutulog na sa stroller niya. "Nakatulog," ngiti niya. "Gigising din 'yan kapag nagutom." "Mauna ka na sa kusina. Tatawagin ko lang si Keith," patuloy ko. Umakyat ako sa taas at nakita si Keith sa sariling kwarto na may isinusulat. "Kakain na!" tawag ko. "Magagawa ako assignment. Later lang," sagot niya. "Ayusin mo nga tagalog mo! Kasalanan 'to ni Tita Tamara, english ng english kaya ang anak mali-mali ang tagalog." "You're noisy, Astin!" Bumaba ito ng kama at napilitang sumunod sa'kin sa baba. Naabutan namin si Raizel na nakaupo na roon habang nasa tabi niya ang stroller. "You know how to cook," saad niya ng tikman ang tinola. Tumango ako, "Someone taught me." Napatingin siya kay Keith na tahimik lang na kumakain. "Kanino silang anak?" tanong niya. "Sa kapatid ni Papa. Mga pinsan namin sila ni Riley." "I hate Riley!" biglang sabat ni Keith. Binatukan ko siya, "Sabing 'wag makisabat sa usapan na wala kang kinalaman eh!" Mukhang maiiyak ito. "But I saw her hurt you!" naiyak na ito ng tuluyan. Napalunok ako. Naalala kung saan nakita niya na pinagsisipa ako ni Riley at hinampas ng vase sa leeg at bago ako mawalan ng malay ay rinig na rinig ko ang iyak ng bata habang ginigising ako. He's only 3 years old that time and it happened 3 years ago. I think it made him traumatized. Pinahid ko ang luha niya, "I'm sorry, bilog," ginulo ko rin ang buhok niya, "And also thank you for always wanted to protect me. I appreciate that, okay? Stop crying." Mapapa-english ka talaga sa batang 'to. "Anong ginawa ni Riley sa'yo?" nagtatakang tanong ni Raizel. Kita ko ang kagustuhan niyang malaman ang totoo. Bumuntong hininga ako bago sabihin sa kaniya ang kanina ko pa dapat sinabi. "Problema ito ng pamilya namin. Kaya hihilingin ko sa'yo na sana ay—" napalunok ako, "'Wag ka nang manghimasok."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD