Bria Samantha pov
Hindi ko alam kong papaano ko tatanggalin ang kamay nyang mahigpit ang kapit sa akin nahihiya ako kay mom and dad sa pinag gagawa nitong si dave
"Dave!" Agaw ko sa attention nya malawak naman ang ngiting bumaling sya sa akin
"I love the way you call my name" bulong nito sa tabi ng tainga ko
Hindi ko alam kong maiinis ohh kikiligin ako sa paraan ng pag bulong nya, parang apektado ang buong pag katao ko sa paraan ng pag bulong nyang iyon
"Can you let go of my hand! Nakakahiya sa ibang tao" lakas loob kong sabi
Nakita ko naman nag salubong ang kilay nya kaya alam kong hindi nya nagustuhan ang sinabi ko napangiwi ako dahil don
Hindi ko din maintindihan kong bakit ayos lang kay dad ang ganito! Eh sya nga ang nag sabing bawal kaming mag boyfriend hanggat hindi nakakapag tapos ng pag aaral
Ng bitawan nya ang aking kamay nag karoon ako ng oras para hanapin ang mga kaibigan ko nakita ko si ann na masayang nakikipag usap sa mga classmates namin
"Nasaan sila vera at nica?" Tanong ko
Napailing sya bago nag salita
"Hindi ko na nga din naabutan! Sabi naman nila bigla daw umalis pag katapos ng 18roses" natatawang sabi nito
"Sino pala yong pogi na yon ? Bakit sya yong naging 18roses mo?" Curious nitong tanong tss maging ako nga hindi ko din alam haha
"Ewan!" Wala sa sariling sagot ko
Nakita ko naman syang ngumiti ng nakakaloko ano kayang nangyare sa dalawang yon bakit kaya sila umalis ng hindi man lang nag papaalam ayaw kong bumalik doon baka makita ko nanaman si dave,
'wah ano ba self umayos ka' sermon ko sa aking sarili habang naiiling
Nakita siguro iyon ni ann napapailing habang natatawa sya muntanga lang haha
"Crazy!" Anito kaya napairap nalang ako
***
Steven pov
my world seemed to stop when I saw her, she is beautiful in her gown! Damn hindi ko akalain na magiging ganon sya kaganda. He called me by my second name and it's nice to hear
Gusto ko na syang yayaing mag pakasal pero alam kong hindi sya papayag. Napapansin ko din na parang hindi pa sya komportable sa prisensya ko kaya binitawan ko ang kanyang kamay
I will give you enough time honey! Sa ngayon hahayaan muna kita sa kong anong gusto mo
"Son how was your flight?" Tanong ni dad ng makalayo na si bria hindi ko pinansin ang tanong ni dad,
Nakita kong may hinahanap si bria! She's beautiful mas lalo akong nahuhulog sayo honey
'I can't wait to have you' i said silently
Tinapik ako di dad sa balikat nabaling ang attention ko sa kanya
"Hayaan mo na muna sya. She still wants to do a lot!" Ani dad kaya napatango ako
Hahayaan kita basta alam kong walang umaaligid sayong ibang lalake! Kong meron man hindi ako mag dadalawang isip na kunin ka ng pwersahan honey habang kausap ko ang parents ko nakamasid ako sa bawat galaw ni bria. Parang may umaaligid sa kanyang lalake tss mukang hindi yata tama ang desisyon ko na hayaan sya
"Kuya where's my pasalubong?" Nakabusangot na sabi ng kapatid ko kaya natawa ako ng mahina, alam kong mag tatampo sya pag sinabi kong wala
"In my car" tipid kong sabi bigla itong nawala sa paningin ko hay ang babae talagang yon
Naalala ko may regalo pala ako kay bria, muntik ko ng makalimutan buti na lamang nag tanong ang makulit kong kapatid hinanap ko sya kong nasaan sya, nag palinga linga ako sa paligid nakita kong may kausap syang babae unti unti akong lumapit sa kinaroroonan nila
I faked a cough to get their attention, hindi naman ako nabigo agad silang napalingin sa gawi ko nakita ko pang parang kinikilig ang kasama nito tss, kong si bria siguro yan baka sobra pa akong natuwa
Salubong ang kilay na napatingin sa akin si bria kaya naman natawa ako ng mahina, kahit nakakunot na maganda parin damn it!
"I have a gift for you!" Ani ko ng nakangiti
Nag salubong naman ang kilay nya ng marinig ang sinabi ko
"Huhh sana all" rinig kong sabi ng kasama nya habang kinikilig
Isang bwan bago ang kanyang kaarawan pinag isipan kong maige ang ireregalo ko sa kanya, gusto ko yong wala akong kaparehas! Kaya ito ang naisip ko
"What is that?" Aniya na parang walang pakialam tsk
Binigay ko sa kanya ang maliit na kahon nag tataka naman nya itong tinanggap
"Open it!" Aniko ng nakangiti
Dahan dahan nya itong binuksan, pag bukas nya napatakip pa sya ng bibig habang nanlalaki ang mapupungay nyang mga mata
Kinuha ko ang regalo ko sa kanya ganon din ang kanyang kamay, ako na mismo ang nag suot ng singsing na regalo ko bumagay sa kanyang kamay! buti nalang nag kasya at hindi maluwang ang singsing na napili ko, napangiti ako
"Wow" ani ng kasama nya habang nanlalaki ang mata, hindi parin pala umaalis ang isang to tss
"Don't take it out of your hand!" Sabi ko ng nakangiti
Hindi ko alam kong natutuwa ba sya oh hindi, mukang hindi parin sya makapaniwala sa regalo ko
"Ano to engagement ring?" Pabiro nyang sabi habang hindi makapaniwala
"Yes!" Aniko kaya nawala ang pag kakangiti nya
"Really!" Aniya na parang naniniwala na
Naalala ko ang sinabi ni dad na hayaan muna sya sa mga bagay na gusto nya
"Prank!" Tipid ko nalang na sabi para naman hindi sya mabigla
Nakita ko naman na parang nadismaya sya sa sinabi ko bago ako tuluyang umalis nag salita akong muli
"Just what i said, don't take it out of your hand! I always like to see you wearing it!" I said bago tuluyang tumalikod
***
Bria Samantha pov
Hindi ko alam kong dapat ba akong kiligin ng regaluhan nya ako ng singsing, mukang totoo ang sinasabi nya na papakasalan nya ako wahh my god ang pogi nya mas lalo na pag nakangiti makalaglag panty haha buti nalang mahigpit ang panty ko wahaha
Hindi ko alam kong para saan ba ang singsing na ito, kinuha nya yon mula sa kamay ko at sinuot sa palasingsingan ko
nag tataka man tinanong ko kong para saan to, napangiti ako ng lihim sa sagot nya huhu
Pero bigla syang napakunot at bigla nyang sinabing 'prank' kaya parang napahiya ako
Bago sya umalis sinabi nyang wag ko daw tatanggalin ang singsing na ito.
Bakit? Yon ang hindi ko alam!
***
Isang bwan na simula ng maganap ang debut ko. Isang bwan na ding hindi ko nakikita si dave
Nahihiya naman akong mag tanong kay step baka isipin pa nyang interesado ako sa kuya nya kahit medyoo totoo naman haha mula ng matapos ang debut ko hindi na ako kinakausap ni vera pero si nica kinakausap pa naman ako kahit papaano. Ewan ko ba sa babaeng yon bigla nalang akong hindi kinikibo. Pakiramdam ko galit nanaman sya sa akin
Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si ann, habang nag hihintay ng order namin nakita kong papalapit sa gawi namin si melvin nakangiti syang umupo sa malapit sa tabi ko
Hindi ko alam kong nanliligaw ba sya oh ano. Palagi kasi syang may dala
"Did you eat already?" Tanong nya kaya napailing ako
May kinuha sya sa bulsa nya at binigay sa akin
Pag tingin ko isa itong kwintas na may pendant na heart pero kalahati lang. Napakunot ako dahil don
'Nasan ang kalahati? Ahh baka nag tipid' sabi ng isip ko
Mukang nabasa nya nag iniisip ko kaya itinaas nya ang kamay nya. Nakita kong nandon ang kalahati ng heart na binigay nya sa akin
"This one" turo nya sa kwintas na bigay nya sa akin
"It's yours" he said
"And this one is mine" sabi nya sabay taas muli ng heart pendant. May kwintas pala yon hindi ko napansin
"Okay" nasabi ko nalang. Hindi ko kasi alam kong ano ba ang ibig sabihin nito tsk mahirap na mag expect haha baka mamaya mapahiya ako gaya kay dave nakita ko naman si ann na dala ang mga inorder namin! Akmang tatayo na ako ng pigilan nya ako tumayo sya at tinulungan si ann
Habang kumakain kami parang may mga matang matalim na nakatingin sa akin, kaya nag palinga linga ako ng palihim pero wala akong makita siguro guni guni ko lang yon. Pag katapos naming kumain agad nag paalam si melvin na mauuna na at may pasok pa daw sya masungit daw kasi ang prof. Nila haha
"Mukang napapadalas ang dalaw sayo ni melvin ahh! Nanliligaw ba sayo iyon?" Tanong nya na kinakunot ng noo ko
"Hah ah hindi! Ewan!" Sabi ko hindi ko naman kasi talaga alam nag salubong ang kilay nya sa sagot ko
"Arghh hindi nga talaga" sabi kong muli
Napatango nalang sya kahit mukang hindi naniniwala
***
Pauwi na ako! hindi kami sabay ni step may pupuntahan daw sya habang nag lalakad ako palabas ng university nakita ko si dave na nakasandal sa kotse nya. Siguro may hinihintay nakayuko ito at naka shade pa nag taka naman ako kong sino ang hinihintay nya eh, wala naman si step kanina pa umalis
Nag salubong ang mga mata namin kaya kinabahan ako, tinanggal nya ang kanyang suot na shade at matalim akong tinitigan na animoy nakagawa ako ng malaking kasalanan. Lumapit sya sa akin ng madilim ang awra, pag lapit nya hinila nya ang braso ko kaya napadaing ako, pero balewala sa kanya
"Who told you that you can talk to other men?" Galit na sabi nito bago inamoy ang buhok ko hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Naririnig ko sa paligid na
"Sino kaya yon ang gwapo?"
"Kyaah may transfer ba?"
"Wahh pogi akin ka nalang"
Marami pa akong naririnig,
"Tsk stupid!" Rinig kong sabi ni dave
"Ay masungit pala!"
"Okay lang pogi naman" kinikilig na sabi ng iba
Akmang hahakbang ako palayo sa kanya ng mag salita sya
"Don't move!" Bulong nya kaya nag sitayuan ang balahibo ko sa leeg damn ano bang nakain ng taong to bakit ganito kagaspang ang ugali tss napalingon ako sa ibang direksyon nakita ko si vera na masama ang tingin sa akin bago tuluyang nawala sa paningin ko
"Let's go!" Sabi ni dave kaya naman napatingin ako sa kanya bakit ba ang pogi ng isang to kahit napaka sungit