Bria Samantha pov
Hinatid nya lang ako sa bahay pero umalis din sya agad 'Ang weird talaga ng tao na iyon' ani ng isip ko. Pano ba naman kasi biglang susulpot bigla din mawawala tss pag pasok ko nakasalubong ko si mom
"Ang aga mo" sabi ni mom
"Hinatid po ako ni dave mom" magalang na sabi ko bago nag bless sa kanya. Nag salubong naman kilay mom na parang nag tataka
"He is here?" Kunot noong tanong nya kaya napatango nalang ako
"Where?" Tanong nyang muli kaya napakamot ako sa ulo bago sumagot
"Umalis din po agad!" Sagot ko
Nakita kong napailing si mom ng ilang ulit bago nawala sa aking paningin. I'm here now in my room! while lying down I heard my cell phone ring kaya agad ko itong sinagot
Si ann lang naman ang madalas tumatawag sa akin ee haha
"Busy?" Tipid nyang tanong kaya napailing nalang ako
"Ahh okay! Ayos naba kayo ni vera?" Tanong nya
"Hindi pa nga rin ako kinakausap eh! Hindi ko naman alam kong ano ang dahilan!" Malungkot na sabi ko
Mula ng makipag ayos sila sa akin nakita kong walang halong ka plastikan yon alam kong totoo ang pinakita nila sa akin. Ramdam ko yun twing mag kakasama kami,
"Kausapun mo nalang bukas kong ano ang problema" aniya kaya yun nalang talaga ang gagawin ko, ayaw kong masira ang pag kakaibigan na meron kami, masaya silang kasama si vera lang naman ang hindi kumakausap sa akin, si nica ayos naman kami
"Susubukan ko bukas! Sana kausapin nya ako" sabi ko pinatay ko na ang video call at binaba ang cellphone nahiga na ako sa kama at agad akong tinangay ng antok
***
VERA POV's
Galit ako kay bria, bakit? kasi sya ang gusto ng taong natipuhan ko kaya gagawa ako ng paraan para pahirapan syang muli
Nakita kong sinundo sya kanina ni steven, dapat ako yon eh hindi sya! Arghh pinag babato ko ang lahat ng mahawakan ko dito sa loob ng aking kwarto.
***
Bria Samantha pov
Napamulat ako sa pag lundo ng kamang aking hinihigaan. Agad akong napabalikwas ng makita kong sino ito
'Damn dave what are you doing here in my room' sabi ng isip ko
"Why are you here?" Kunot noong tanong ko
Nakangiti lang sya habang nakatingin sa akin na animoy nanonood ng magandang palabas kaya naman napatingin ako sa aking kabuuan napamura ako ng ilang ulit sa aking isip ng makita kong wala akong bra
Ugali ko kasing hindi nag babra sa twing matutulog. Mag isa ko lang naman sa kwarto ko kaya ayos lang. Hindi ko naman alam kong bakit nandito ang lalaking to agad kong kinuha ang kumot malapit sa aking tabi at mabilis na binalot sa katawan ko bago galit na nag salita
"Bastos! Bastos!" Inis na sabi ko agad kong dinampot ang unan then hinagis ko sa kanya
Imbis na magalit sya sa ginawa ko lalo pang natawa kaya napahinto ako sa pag hagis sa kanya, dun ko napag tantong nahulog ang kumot sa aking katawan
Napa tapik ako sa aking ulo sa sobrang inis, damn ang engot mo naman bria
"Stop doing that" seryoso nyang sabi kaya napahinto ako tss
"Ano bang ginagawa mo dito ha?" Galit kong tanong
Pero sya ngumiti lang ulit sh*t ang pogi nya, iniwas ko ang aking paningin baka mahalata nya
Lumapit ako sa kanya at tinulak sya palabas
"Lumabas kana nga! Isusumbong kita kay mommy" panakot ko sa kanya pero hindi yata tumalab
"Go!" Sabi nya
"Arggghh nakakainis kana" aniko ma le-late pa ako nito
Pinilit ko syang itulak para makapag gayak na ako, nag patianod nalang sya kaya naman nakahinga ako ng maluwag ano ba yan bria! Agad akong nag tungo sa bathroom para maligo ng matapos akong maligo syempre nag bihis na ako alangan namang nakahub*d akong pumasok haha
Ginawa ko lang ang morning routine ko, ng makita kong maayos na ang itsura ko nag lakad na ako pababa
***
Pababa na ako ng mabungaran ko si dave na nag aabang sa labas hindi na ako kakain sa cafeteria nalang, akmang lalagpasan kona sya ng mag salita sya
"Eat!" Seryosong sabi nya
Nasaan kaya sila mom and dad hays, umiling lang ako baka malate ako ng sobra huhu masungit pa naman yong pangit naming prof. Haha
"I don't repeat my fvcking words!" Seryoso pa rin ang mukha nya bahang binibigkas ang salitang iyon kaya naman nakaramdam ako ng kaba fvcking sh*t
"Sa cafeteria nalang baka ma late ako!" Mahinahon kong sabi kahit nakakaramdam ng konting kaba
Nakita kong tumayo sya at lumapit sa gawi ko, nagulat naman ako sa sinabi nya habang nanlalaki ang mga mata
"I cooked for you" malambing nyang sabi
'Wahh ano ba bria wag kang kiligin, kuya mo yan' sermon ko sa aking sarili
I looked at the dining table, may naka handang pag kain parang natakam naman ako.
"Let's eat kuya!" Masayang sabi ko bahala na dyan kahit ma late ako haha nangunot naman ang noo nya sa akin
"Why!" Aniko at upumo
"Don't call me kuya! pangit pakinggan!" Masungit nyang saad
Inirapan ko nalang sya ng palihim basta kakain ako bahala ka dyan. Tignan mo tong taong to kanina lang ayos kami ngayon parang galit na
Ng matapos na ako nag paalam ako bago umalis at nag pasalamat
"Mauuna na ako, salamat sa masarap na almusal kuya" aniko
Hindi ko namalayan nakasunod pala sya sa akin
"Get in the car! I know your late!" Aniya
Hindi na ako nag inarte dahil baka ma late pa akong lalo haha. Habang umaandar ang kotse katahimikan ang namutawi sa aming dalawa,
Mapapanis yata ang laway ko sa taong to naku naku haha hindi na ako nakatiis kaya ako na ang bumasag sa katahimikan
"Kuya pwede mag tanong?" Aniko narinig ko lang syang napa tsk haha
"Bakit bigla kang nawala mag mula ng sa bahay nyo na ako tumira?" Aniko
Na ku-curious kasi ako kong bakit sya nawala siguro ayaw nya akong kasama kaya ganon
"You will also know at the right time" seryosong sabi nya habang ang mga mata ay deretsong nakatingin sa daan
"Sungit mo naman kuya" aniko hindi ko namalayan nasa tapat na pala kami ng university kaya nakahinto na ang kotse nya
Akmang lalabas na ako ng matigilan ako, humarap ako sa kanya bago nag pasalamat
"Thank you kuya" sabi ko ng nakangiti nakatingin lang sya sa akin ng nakakunot ang noo habang nag lalakad ako sa hallway nakita ko si vera lakad takbo ang ginawa ko para lang maabutan sya pero agad syang nawala sa paningin ko.
'Ang bilis naman nyang nawala' aniko sa aking isip
Papasok na ako sa room namin ng bigla akong madulas damn ang sakit. Sino bang nag kalat ng polbo sa sahig tss kaya lahat sila napatingin sa akin at natawa.
"Clumsy"
"Ang t*nga nung sahig haha"
"Hindi kasi nag iingat buti nga"
Samut saring sabi nila sa akin, kasalanan ko pa? Tss yung nag lagay ng polbo ang may kasalanan mukang sinandya hay naku naman
Unti unti akong tumayo dahil masakit ang pag kakabagsak ng butt ko! 'Naman kasi.' maktol ko sa mahinang boses. Napatingin ako kay vera, malawak ang kanyang pag kakangiti sya kaya ang nag may gawa nito? Anong dahilan nya para gawin ulit ito?Siguro hindi naman nya magagawa to. Baka nag tatampo lang sya kasi hindi ko sila naasikaso nung birthday ko mamaya kakausapin ko sya at makikipag ayos