Steven dave pov
Damn! I don't like her calling me brother. it sounds ridiculous.
Ayaw kong magalit sya kaya hinayaan ko nalang basta walang umaaligid sa kanya hahayaan ko sya. Sinadya ko talagang puntahan sya sa room nya since wala sila mommy kaya malakas ang loob ko, wala din si step, hindi ako umuuwi sa bahay. I have my own condo at dun ako nag lalagi
Kaya madali nalang sa akin ang puntahan sya buti nalang napigilan ko ang aking sarili, nakita ko ba naman syang walang br* damn that girl she's driving me crazy
Habang kumakain sya nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko maipaliwanag pero gustong gusto ko syang yakapin, gusto ko syang ikulong sa mga bisig ko
Hinatid ko na din sya since alam kong late na sya! Nakakaadik yong mga ngiti nya ang sarap titigan yung mga mata nyang mapupungay labi nyang kay sarap halikan 'fvck dave what are you thinking?' Sermon ko sa aking sarili
May nabuong plano sa isip ko. Napangiti ako dahil don alam kong papayag si mom sa gusto ko hindi ko naman napapabayaan ang mga company na ako mismo ang nag palago
***
Bria Samantha pov
Lunch time na, hindi ko nakita sila vera ngayon ko pa naman balak makipag ayos sa kanya.
"Sabi ko sayo wag kang basta basta mag titiwala sa vera na yon!" Pagalit ni ann nalaman kasi nya na si vera ang may kagagawan kong bakit ako na dulas kanina hindi ako nag salita kaya nag salita syang muli
"Pakitang tao lang yon!" Dagdag nya pa habang kumakain
"Hayaan mo nalang makikipag ayos ako mamaya pag nakita ko sya!" Malumanay na sabi ko hindi ko kasi sila makita, dati rati naman dito din sila nag la-lunch pero ngayon wala sila
"Nak ng pep* ikaw na nga tong ginawan ng masama ikaw pa tong mag papakumbaba tsk" galit na sabi ni ann hay ang isang to talaga masyadong galit sa dalawa hindi ko naman sya masisisi bakit kasi bumalik yong ganong ugali ni vera sa akin wala naman akong nagawa sa kanya
Tapos na kaming kumain, si step hindi na nakasabay sa amin madami daw pinapagawa yong prof. Nila haha
"Tara na nga" yaya ko sa kanya
Habang nag lalakad kami palinga linga ako sa paligid baka sakaling makita ko si vera, pero iba yung nakita ng mga mata ko. Nakita ko si dave na nakapasok sa university habang malawak ang pag kakangiti sa akin damn dave anong ginagawa mo dito? Hindi ko alam kong anong ginagawa ni dave dito. Hindi sya dapat nandito ng makapasok ako sa room umupo ako sa dulo, mas gusto ko dito naiwan si ann, may pupuntahan pa daw ang isang yon
Habang busy ako sa pag hahalungkat sa aking gamit naririnig kong nag uusap ang mga classmates ko
"Wahh may transfer daw at balita ko pogi wahh" kinikilig na sabi ni joy
"Kyaah ouh nga nakita ko kanina kaso sa kabilang department sya hindi natin classmate" dismayadong sabi ni raya habang may halong kilig
"Talaga ba? Sana magustuhan ang isa sa atin hihi" sabi naman ni haya
Jusko ano ba naman tong mga to porket may pogi kilig na agad haha napalingon ako sa kanila kaya nabaling ang attention nilang tatlo sa akin
"Narinig mo my transfer daw? Hindi ka magugustuhan? Kaya kong ako sayo ilugar mo ang sarili mo tsk" ani raya
Natawa ako ng lihim, alam ko naman na bawal pa alam ko din na magagalit si mom and dad tss kaya napatango nalang ako para mawala na yung attention nila sa akin
"Good" ani haya sabay batok sa akin sakto namang pag pasok ni ann kaya nakita nya ang eksenang yon
"Fvck" ani ann habang patakbong lumapit sa gawi ko bago sinampal si haya
"Ouch ang sakit non ha" galit na sabi ni haya kay ann
"Pati ba naman kayo dadagdag sa nanbubully kay bria ha? Ano bang ginawa nyang hindi maganda sa inyo at ginaganyan nyo sya?" Galit na sabi ni ann kaya hinila ko sya palayo pero ang gaga ayaw paawat
"It's none of your fvcking business!" Galit na ani haya
"Ahh gonon!" Ani ann
Namalayan ko nalang na nag sabunutan na ang dalawa kaya kami todo awat sa kanila parehas silang gulo gulo ang buhok ng maawat ng ibang classmates namin, napatingin si ann sa akin ng masama kaya kinabahan ako
"At ikaw kailan kaba matututong lumaban ha? Palagi kang inaapi pero wala lang sayo!" Sabi nya habang namumula ang gilid ng kanyang mata hudyat na malapit ng umiyak
Bakit ba kasi nakita nya pa yon edi sana walang gulo ngayon
"Paano nalang pag wala na ako sa tabi mo?" Garalgal na ani ann kaya niyakap ko sya
"It's okay!" Wala sa sariling sabi ko
Tumingin sya sa akin ng makahulugang tingin, hindi ko alam parang may kakaiba sa kanya! Hindi ko alam kong bakit sobra ang concern nya sa akin parang kapatid na ang turing nya sa akin. Palagi syang nandyan sa tabi ko sa oras na kailangan ko sya. Si step madalang ng mag punta dito dahil busy din sya
***
Ng matapos ang ngyare kanina nakita kong papasok si vera at nica kaya sinalubong ko sila! Wala kasi ang professor namin kaya ang iba naming classmates nasa labas. Kaya nag karoon ako ng oras para makipag ayos sa kanya
"Vera maaari ba tayong mag usap" aniko sa mahinahon na boses
Pero tinignan nya lang ako ng taas baba bago ngumiti ng nakakaloka
"No need!" Galit na sabi nya
"Gusto ko lang makipag ayos dati naman hindi ka ganyan sa akin! Sabihin mo kong ano ang nagawa ko" aniko
Bakatitig sya ng matagal sa akin bago nag salita
"Gusto mong maging maayos tayo?" Tanong nya kaya nag liwanag ang mukha ko paulit ulit akong napatango
"Layuan mo lahat ng lalakeng lalapit sayo" seryosong sabi nya
Kaya napakunot ang noo ko, naku baka may gusto sya kay melvin. Si melvin lang naman ang palaging lumalapit sa akin
"Okay," malawak ang pag kakangiting aniko
Bigla parang natuwa sya sa sagot ko yung kaninang madilim nyang mukha biglang nag liwanag at nabigyan ng buhay
"Really" masayang aniya kaya napatango akong muli sa tuwa nya napayakap sya sa akin, ganoong eksena kami nadatnan ni ann
"What's the meaning of this? " Kunot noong tanong ni ann kaya masaya akong nag salita
"We're okay now!" Masayang sabi ko nakita ko syang napailing bago ako nilagpasan