NiCA POV's
Dinala ko si bria sa bahay alam kong ngayon nya kailangan ng isang kaibigan, nakikita kong mabuti syang tao! Nalaman ko din na hindi sya tunay na miller, she adopted child kaya pala iba ang last name nya sa mga ito,
Habang nakasakay kami nakatingin lang ako sa kanya, malayo ang kanyang tingin habang malungkot ang mukha ng makarating kami sa bahay nag salita si bria
"Hindi mo sinabi mayaman pala kayo" nahihiya nyang sabi sabay kamot sa ulo napangiti nalang ako bago nag salita
"Ano kaba! Ayos lang yon nandito na nga tayo oh" turo ko sa tapat ng bahay namin
"Hindi ba nakakahiya sa parents mo nic?" Aniya napakunot ako sa pangalang binanggit nya
Dahil don nakita kong napangiwi sya
"Sabi na eh, sige na sa hotel nalang ako tutuloy!" Saad nya akmang tatalikod na sya ng pigilan ko
"Wala ang parents ko! Out of town" aniko kaya napatango nalang sya then pumasok na kami sa loob dumiretso kami sa taas, nandon kasi yung kwarto ko maging ang guest room
"Dito muna pansamantala ang room mo" aniko nakita kong napapatingin sya sa paligid ng kwarto
"Kong kailangan mo ako nasa kabilang kwarto lang ako" aniko
Naupo sya sa kama, alam kong malungkot sya, maging ako nalulungkot sa nangyayare sa kanya, ewan ko ba kong bakit parang matagal na kaming may connection sa isat isa ang gaan ng loob ko sa kanya mula ng makipag ayos kami ni vera
"Mag hahanda lang ako ng makakain" aniko at akmang lalabas na ng hinawakan nya ang aking kamay
"Thank you for everything you did to me" malungkot nyang saad
Halatang pagod na sya, nakangiti man sya pero nakikita kong malungkot ang kanyang awra
"Wala yon ikaw pa ba" aniko sabay kindat natawa naman sya ng mahina sa aking inasal
Tuluyan kong nilisan ang kwartong iyon, pero bago ako lumabas nakita kong muling tumulo ang kanyang luha hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang tinawag nya sa aking pangalan. I'm going downstairs to cook something to eat! Iisa lang ang tumatawag sa akin ng ganon at si sam sam yon.
Wala akong naging balita sa kanya mula ng mabalitaan kong nasunog ang bahay nila napatakit ako sa aking bibig ng maalala ang kwento ni bria na nasunod ang bahay nila kaya napunta sya sa puder ng mga miller
Hindi kaya si sam sam at bria ay iisa, nanlaki ang mata ko sa isipang yon. Lutang ako habang nag luluto ng kong ano, hindi mawala sa isip ko ang pag tawag nya sa akin ng nic nagulat nalang ako ng biglang sumulpot sa harap ko si bria. Damnit! Nasusunog na pala yung niluluto ko, naman eh!
"Naku naman nic hindi ka naman yata marunong dyan eeh, ako na nga" reklamo nya sabay agaw sa akin ng sandok at pinatay ang gasol wala sa sariling lumabas sa aking bibig ang salitang
"Sam sam" kaya napalingon sya sa akin ng nakakunot ang noo
After that, she suddenly covered his mouth while his eyes widened
"Ate nic, ikaw ba yan?" Aniya nag simula ng mangilid ang kanyang luha maging ako napaiyak na
"Sam sam ikaw nga" aniko sabay yakap ng mahigpit maging sya ay ganon din
Sobra ang tuwa ko na makita syang muli, hindi ko alam kong saan sya hahanapin nong mga panahong iyon
"Alam mo bang hinanap kita ikaw talagang bata ka huhu" saad ko habang sumisinghot
Ng malaman ko na wala na ang parents nya nakiusap ako sa parents ko na dito na sya titira well pumayag naman sila yun nga lang hindi na namin sya makita
"Talaga ate nic?" Aniya sabay pahid ng luha tumango lang ako bilang sagod mas lalo syang napahagulgol ng tumango ako
"Akala ko wala ng may pakialam sa akin nung mga panahong nawala sila mama at papa" umiiyak nyang saad kaya napayakap ako sa kanya at hinagod ko ang kanyang likod
"Shh hush now sam sam" saad ko napatingin sya sa akin sabay pahid ng kanyang luha then ngumiti
"Sinaktan man nila ako okay lang basta nandito ka" aniya sa malungkot na boses
"Ate siguradong hinahanap na ako nila mom and dad" malungkot nyang ani
Kilala ko ang pamilyang kinabibilangan nya ngayon, isa silang makapangyarihan hindi na ako magugulat kong susulpot nalang sila basta dito ngayon
Nag katinginan kami ng marinig ng doorbell sa labas, ayan na kakasabi ko lang