Vera POV's
Galit ako kay bria. Sabi nya lalayuan nya lahat ng lalakeng lalapit sa kanya sinungaling sya. Matitikman mo ang sakit na nararamdaman ko sa twing makikita ko kayong mag kasama ni steven
Dapat ako yung kasama nyang kumain kanina! Dapat ako yung tinatrato nya ng ganon hindi ikaw bria. Arggghh, nakakainis ka bria!
"Bakit pala hindi natin hinintay si bria kanina?" Takang tanong ni nica
"Hindi mo ba nakita busy sya sa pakikipag landian!" Inis na aniko
"Landian? Diba kuya nya yon?" Kunot noong tanong nya
Ouh nga pala kaya hindi pwedeng maging sila. Napangiti ako dahil don ipag kakalat ko sa buong campus na nilalandi nya ang sarili nyang kuya haha
***
May naisip akong idea para layuan mismo ni steven si bria
Since friday bukas tiyak na papayag si bria haha
Palabas na kami ng university ng makita ko si bria, agad ko syang nilapitan at kinausap
Nakangiti ako sa kanya ng malawak bago nag salita
"Birthday ko bukas bria and gusto ko invited lahat ng kaibigan ko!" Aniko nakita ko naman syang natuwa akmang mag sasalita si nica ng unahan ko sya
"Party party lang yon sa isang club ni dad!" Aniko napakunot naman sya sa aking tinuran
"Don't worry akong bahala sayo" anikong muli
"Akala ko kasi galit ka nanaman sa akin eh" aniya habang napapakamot sa ulo
"Ay ano kaba talagang ganon lang ako hindi kapa nasanay haha" aniko sa natatawang boses
"Ichachat ko nalang sayo kong saan banda ha" aniko napatango nalang sya
Pag alis nya siniko ako ni nica
"Ang tagal pa ng Birthday mo bakit mo sinabing bukas na?" Kunot noong tanong ni nica kaya naman tinakpan ko ang kanyang bibig baka marinig pa ng iba
Sisiguraduhin kong pandidirihan ka ni steven dahil akin lang sya
***
Narrator's pov
Lingid sa kaalaman ni vera at nica narinig ni ann ang masamang binabalak ni vera kaya naman hindi nya hahayaang mangyare ang kong ano man masamang motibo nito sa kanyang kaibigan
'Sinasabi ko na nga lang ba pakitang tao lang ang lahat' ani ann sa kanyang isip
***
BRiANNA pov (mommy ni steven)
Hindi ko alam kong anong gagawin sa anak kong si dave, masyado syang nahuhumaling kay bria. Maging ang ilan sa company na sya mismo ang nag mamanage ay palugi na. Alam kong hindi alam ni steve ang tungkol sa pinag gagawa ng kanyang anak
Tiyak na oras namalaman nya ito magagalit sya at ilalayong muli si bria
***
Steven dave pov
Na iinis ako sa secretary ko, makailang ulit na syang tumawag sa akin na palugi na daw ang mga negosyong naiwan ko damn Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip! Para mawala ang sakit ng ulo ko naisipan ko munang pumunta ng club or bar para mag unwind
***
Bria Samantha pov
Nag handa na ako para sa party ni vera nag paalam ako kay mom at pinayagan nya naman ako, nasa tamang edad naman na daw ako basta daw wag kong papabayaan yung sarili ko, naka receive ako ng chat na galing kay vera, binasa ko para alam ko kong saan ako pupunta since bar ang pupuntahan namin nag suot lang ako ng floral dress na litaw ang aking balat pero hindi naman masyadong expose ang aking katawan sakto lang yung haba nito hanggang tuhod kaya lumitaw ang aking maputing balat ng matiyak kong ayos na ang lahat lumabas na ako at baka mainip pa sila vera haha moody pa naman yon tsk
Pag labas ko nadatnan ko si dad sa baba habang nakasandal sa couch biglang nabaling sa akin ang kanyang attention kaya naman kinabahan ako. Hindi pa ako nakakapag paalam sa kanya
"Where are you going?" Salubong ang kilay nyang tanong kaya naman nag dalawang isip ako kong sasabihin ko kong san ako tutungo
"Ahh, ehh, sa ano po" aniko hindi ko masabi baka sigawan nya ako
"Tell me princess?" Malumanay na aniya kaya naman nag salita na ako
"Birthday po kasi ng friend ko ininvite po ako sa bar, since dun daw po yung venue " nakangiwing aniko habang nakapikit
"Okay! just be careful!" Aniya kaya naman nanlaki ang mata ko wahh pinayagan ako ni dad bumeso lang ako kay dad then umalis na nag alok pa syang ihahatid ako pero tumanggi nalang ako. May kotse naman ako haha
Habang nag mamaneho hindi ko maiwasang isipin kong bakit sa isang club gaganapin ang birthday ni vera tss! Mga mayayaman talaga daming sinasayang na pera haha
Ng makarating ako sa club, napatingin ako sa paligid mukang mamahalin dito napakalaki sobra. Saktong papasok na ako ng may humarang sa akin
"Ahh miss bawal ang bata dito!" Ani ng guard kaya naman napakunot ako ng noo
"Manong guard hindi na po ako bata im 18 now!" Inis na aniko kaya naman natawa ang guard
"Naku miss maraming bata na ang gumamit ng palusot na yan wala na bang iba!" Aniya habang tatawa tawa kaya naman nainis akong lalo