XANDER POV Gusto ko sanang pumasok sa loob kaya nga lang, baka naman isipin ni Bella na hinahabol habol ko siya. Mas maigi siguro na wala nang pilitan. Damn! Aminado ako na wala naman talaga akong feelings para kay Bella at napilitan lang ako na halikan siya kanina para- Kumabog bigla ang dibdib ko sa lakas ng heart rate ko. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko matanggap na hinalikan ko ang mapupulang labi ni Bella dulot ng matindi kong pagseselos. Naiirita ako sa kanya and I don't want to be around her. Kahit nga anino niya, ayaw ko talagang makita eh. But all of a sudden, everything has changed simula ng makita ko yung kapitbahay namin kanina. Kaysa sa makita kong humihiram si Bella ng gamit doon sa kupal na lalaki, nagpasya ako na ako na lang mag-isa ang gumawa ng gawaing bahay.

