BELLA POV Lumapit ako sa kanya at pinilit niyang tumayo. "Oh ayan, alak pa more! Puro ka kasi inom, tingnan mo ang napala mo!" Dumeretso ng lakad si Xander kahit na pagewang gewang siya. Pagkarating niya sa kwarto naming dalawa, binagsak niya ang kanyang katawan sa higaan namin. "Hindi ka ba muna kakain bago ka matulog?" tanong ko bigla, nagulat din ako na naging concern ako kay Xander, pero ayaw ko kasi na ako lang ang kakain ng niluto ni James. "Mamaya na ako kakain! Matutulog lang ako!" Sabagay, six pa lang naman ng gabi. Hindi naman siguro mapapanis ang niluto ni James para sa amin kung mamaya na kami kakain ni Xander. Nilock ko ang pintuan namin sa labas at niligpit ang kalat sa mesa. Nilagay ko rin sa ref ang ulam naming dalawa at pagpasok ko sa loob ng kwarto, walang ibang

