BELLA POV I pulled out a chair under the table at pinaupo ko si Zack. "Wow, thank you sa pagpapaupo mo sa akin! Pero buntis ka Bella, okay lang ba sayo na gawin ang bagay na ito?" tanong ni Zack. "Okay lang naman sa akin, maliit na bagay lang ito. Mas mababagot lang ako kapag naging buhay prinsesa ako!" sambit ko sa kanya. Pinaghain ko ng pagkain si Zack at pagkatapos ay nagbalat ako ng mangga. Umupo ako sa tabi niya at kumain kaming dalawa. "Gaano na pala kayo katagal na mag-asawa?" tanong sa akin ni Zack. "Wala pa kaming isang buwan bilang mag-asawa!" sagot ko sa kanya sabay sawsaw ng mangga sa bagoong. Grabe, sobra akong nagke-crave sa mangga at yung bagoong, sobrang sarap ng pagkagawa. "Wow! Mukhang napapasarap ka sa pagkain mo ha?" "Sorry Zack, siguro kung hindi lang

