Ang paligid ay balot ng katahimikan ng madaling araw, tanging ang mahinang ugong ng aircon sa loob ng sasakyan at ang mabilis na t***k ng aking puso ang naririnig ko. Ang mga ilaw sa labas ng kalsada ay malalabo, tila mga bituin na sumasaksi sa isang tagpong hindi para sa mata ng mundo. Naka-recline ang aking upuan, at sa ibabaw ko, si Karius ay tila isang nagngangalit na bagyo na pilit nagpapaamo. Ang kanyang mga halik sa aking leeg ay mapusok ngunit may kasamang pag-iingat, tila bawat dampi ng kanyang labi ay isang marka ng pag-aari. “Diyos ko, Karius...” ang tanging naisigaw ng isip ko. Ang bawat haplos niya ay tila apoy na tumutunaw sa aking pagkatao. Bakit pakiramdam ko, sa bawat sandaling ito, ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya sa kabila ng lahat ng panganib? Dahan-dahan niyang

