Ang Karera Laban sa Liwanag

1099 Words

Ang loob ng sasakyan ay balot pa rin ng amoy ng aming pagsasama—isang halong bango ng sandalwood at ng init na namagitan sa amin kanina lamang. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib ni Karius, ang kanyang braso ay nakapulupot sa akin habang kapwa kami dinalaw ng antok matapos ang matinding unos ng pagnanasa. Sa sandaling iyon, ang pakiramdam ko ay ligtas ako. Na ang mundo ay huminto para lang sa aming dalawa. Ngunit ang katahimikan ay mabilis na nilamon ng isang malamig na pangamba. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang isang maputlang liwanag na tumatama sa dashboard. Ang kaninang madilim na kalangitan ay unt-unti nang nagiging kulay ube at kahel. Pasikat na ang araw. “Karius…” bulong ko, balak ko sana siyang gisingin nang malambing. “Karius, umaga na.” Sa isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD