Nakatayo ako sa harap ng dambuhalang pintuan ng penthouse, ang palad ko ay malamig habang nakahawak sa aking bag. Ang buong palapag ay nasa ilalim ng lockdown mode—isang security protocol na tanging si Karius lang ang may kontrol. Alam kong hindi niya ako kakausapin nang harapan matapos ang pagsabog niya kanina. “Karius,” mahinahon kong tawag sa intercom. “Pupunta lang ako sa ospital. Bukas na ang operasyon ni Benji. Kailangan kong makasiguro na handa siya.” Katahimikan ang sumagot sa akin. Ngunit makalipas ang ilang sandali, narinig ko ang mahinang click. Bumukas ang electronic lock. Isang tahimik na pagpayag. Isang paraan para ilayo ako sa kanya habang nilalabanan niya ang sarili niyang mga demonyo. Nakaalis ako ng penthouse nang hindi man lang tinatanaw ang anino ni Karius. Ang bigat

