Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napahawak sa pintuan ng sasakyan habang humaharurot si Karius. Ang katahimikan sa loob ay nakakasakal. Purong galit lang ang nararamdaman ko mula sa kanya. Ang kamay niya ay nakakuyom nang husto, at ang mga mata niya ay nakapako sa kalsada na parang papatay siya ng sinumang humarang sa amin. Nang bigla niyang itigil ang sasakyan sa isang madilim na eskinita, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hinarap niya ako. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling. Ilang oras lang ang nakalipas, halos ipagtabuyan niya ako sa penthouse. “Ano bang problema mo, Karius?!” bulyaw ko sa kanya. “Dinner lang 'yun! Bakit kailangang mag-iskandalo ka sa harap ni Marco?” Humarap siya sa akin. “Dinner?” ang

