Ang Hari ng Dilim

1220 Words
SEBRINA Ang sikat ng araw ay para sa mga taong may laya. Pero para sa akin, ang bawat pagsikat nito ay hudyat lang ng panibagong kayod para sa mga bayaring hindi natatapos. At kapag lumubog na ang araw? Doon pa lang nagsisimula ang totoong trabaho ko. Malapit nang mag alas-diyes ng gabi. Nakatayo ako sa tapat ng Montero Prime Tower. Sa dilim, ang dambuhalang gusaling ito ay tila isang anino na humihigop sa lahat ng liwanag ng Makati. Walang bintanang bukas. Walang ingay. Para itong isang mamahaling kabaong na nakatayo sa gitna ng sibilisasyon. Huminga ako nang malalim at inayos ang ID ko. Sebrina Espinosa. Personal Executive Assistant (Night Shift). Mataas ang sahod, oo. Pero ang kapalit? Ang katinuan ko. Pagpasok ko sa lobby, sinalubong agad ako ng kakaibang ginaw. Hindi ito yung normal na lamig ng aircon; para itong hangin na nanggaling sa loob ng isang kweba. Walang tao, walang guard. Tanging ang biometric scanner lang ang naghihintay. Click. Bumukas ang elevator patungong 60th floor—ang penthouse. Habang umaakyat, naramdaman ko ang pamilyar na kaba sa dibdib ko. Hindi ako takot sa dilim. Takot ako sa kanya. Bumukas ang pinto sa isang silid na tila nababalot ng misteryo. Ang tanging liwanag ay ang malamlam na asul na galing sa dambuhalang monitor sa dulo. At doon, sa likod ng mesang gawa sa itim na bakal, nakaupo ang hari ng gabi. Si Karius Drix Montero. Hindi siya tumingin sa akin. Ang mahahaba at mapuputing daliri niya ay abala sa paglalaro ng isang ballpen. Ang itim niyang silk shirt ay bahagyang nakabukas, sapat para makita ko ang balat niyang parang estatwa na marmol—sobrang puti, halos walang buhay sa ilalim ng asul na ilaw. Amoy gabi siya—pinaghalong amoy ng mamahaling sandalwood at isang amoy na hindi ko maipaliwanag. “You're late by thirty seconds, Espinosa.” Malamig ang boses niya. Malalim. Tila nanggagaling sa kailaliman ng lupa. “Pasensya na, Sir. Trapik po sa—” “I don't pay you for excuses,” putol niya sa akin. “If you can't be here at exactly ten, don't bother coming. Ang oras ko ay ginto.” Napairap ako sa isip ko. Habaan mo ang pasensya, Sebrina. Para sa kapatid mo. “Opo, Sir. Hindi na mauulit.” “Make me my drink. At huwag mong kalimutan, yung custom-blend ko.” Habang naghahanda ako ng inumin niya—pomegranate juice na paborito niya—napansin ko ang isang tseke sa sahig. Isang milyong piso. Sikat na womanizer si Karius, at gabi-gabi ay may nakikita akong mga babaeng paalis ng opisina niya. Pero bakit ganoon? Lahat sila, mukhang tuliro. Parang nawala ang sarili. Anong ginagawa niya sa kanila sa dilim? Inilapag ko ang inumin sa mesa niya. Doon lang niya ako tiningnan. Ang mga mata niya ay kulay abo—malamig, parang hindi marunong kumurap. “You smell like the sun, Espinosa.” Kumunot ang noo ko. “Po?” “Ang amoy mo. Amoy araw. It's... distracting.” Sabi niya habang sumisipsip sa inumin. “Pasensya na po kung 'distracting' ang amoy ng taong nagpapagod,” sagot ko, hindi ko na napigilan ang inis ko. “Hindi ko alam na bawal na palang amuyin ang sikat ng araw na nagbibigay ng buhay sa opisinang 'to.” Tumawa siya—isang tunog na walang buhay. “The sun gives life to the weak. But the night? The night gives power. Kaya lang naman kita kinuha dahil ikaw lang ang hindi nanginginig sa tuwing tinitingnan ko. But remember: I own your nights, Espinosa. You are my property. And in my world, you do exactly what I say.” “You do not own me, Sir. Binabayaran niyo lang ang oras ko.” Humarap siya sa akin, ang titig niya ay tila tumatagos sa kaluluwa ko. “Is it? Bakit mo tinanggap 'to? Dahil sa pera. Dahil sa kapatid mo. So, if I tell you to jump, will you ask how high, or will you check your bank account first?” Natahimik ako. Masakit dahil totoo. “Gagawin ko po ang trabaho ko. Ayun lang ang mahalaga.” Nasilayan ko sa mukha niya ang isang ngiti—ngiting tagumpay. “Get the files for the Neo-Seoul project. Oh and Espinosa?” “Po?” “Spray some perfume. Ayoko ng amoy araw at huwag kang lalapit sa akin kapag amoy bawang ka, maliwanag?” Napahinto ako. Bawang? Bakit bawang? Isang kakaibang kilabot ang gumapang sa likod ko. Totoo ba talaga 'yong mga tsismis na... bampira si Boss? — Alas-tres na ng madaling araw. Habang ako ay nagtitipa ng minutes of the meeting, nakatayo naman si Karius sa harap ng floor-to-ceiling na bintana. Ang suot niyang jacket ay hindi niya hinuhubad kahit nasa loob kami. Bakit kailangan niya laging nakataklob? tanong ko sa sarili ko. Sobrang puti niya, parang hindi nakakakita ng liwanag sa buong buhay niya. At yung balat niya... tila gawa sa porselana. “What are you staring at, Espinosa?” “Wala po, Sir.” Lumakad siya patungo sa akin. Ang mga hakbang niya ay tahimik, halos walang tunog sa sahig. Huminto siya sa harap ko. Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Sobrang lapit niya sa akin. At ang amoy niya… nakakalunod. “Narinig ko ang tungkol sa kapatid mo,” sabi niya ng seryoso. “Kailangan niyo ng isang milyong piso para sa operasyon, 'di ba?” “Paano niyo po nalaman?” “I make it my business to know everything about my properties. At kasama ka na roon.” Kinuha niya ang tsekera niya at mabilis na nagsulat. Inilapag niya ang tseke sa mesa ko. Isang milyong piso. “Ano 'to, Sir?” Ngumiti siya—isang ngiting alam ang bawat kahinaan ko. Napansin ko lalo ang pambihirang kinis ng mukha niya. Walang peklat, walang kahit anong marka. Parang hindi siya… tao. “Consider it a bonus... with a catch.” “A-anong catch?” Nabubulol ako sa pagsagot. Kasi naman ang mga mata niya ay tila nagliliyab sa dilim. “I need you to be more than just my night-shift assistant. This is a deal for your soul.” Hindi ako nakasagot agad. Namayani ang katahimikan sa loob ng opisan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na t***k ng aking dibdib. Dug-dug. Dug-dug. “Ano pong ibig niyong sabihin?” “I am the Night-Only Boss,” pabulong niyang sabi, at ramdam ko ang init ng hininga niya sa malapit sa tenga ko na nagpapikit sa akin ng bahagya, dahil nagdala ito ng kakaibang sensasyon sa katawan ko. “And you, Sebrina Espinosa... will be my Night-Only Companion. Walang tanong. Walang excuses. Just absolute submission. You don't just work for me anymore... you belong to me, hanggang sa sumikat ang araw.” Tiningnan ko ang tseke. Isang milyong piso. Ang buhay ng kapatid ko kapalit ng kaluluwa ko. “Alas-kuwatro na,” sabi niya, at naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Sobrang lamig. Parang haplos ng isang… bangkay. “Anong desisyon mo? Babalik ka ba sa sikat ng araw... o mananatili ka rito sa dilim, kasama ko?” Ang lamig ng hawak niya ay hindi bumibitaw. Para itong kadenang bumabalot sa akin. Pasikat na ang araw sa labas pero dito sa Montero Prime Tower, tila ang dilim ay nagsisimula pa lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD