Chapter 9

2977 Words
NF 9 BLYTHE Chen is having a video call with her family. Nice naman ng closeness nila. Daddy's girl yata siya. Sinusumbong ang mga panghaharot ko sa kanya e. Sinamahan na nga dito sa labas, siya pa ang may ganang magsumbong sa magulang niya. Dapat inisip niya din na may mga mabubuting nagawa din ako para sa kanya. Haha! Just kidding. Cute. Iniirap-irapan pa ako kapag mini-mimic ko siya. Boring siguro ang social life niya kaya hindi niya nagegets ang joketime. Hay Chen! You need to get out of your box. "What? May problema ka?" "Uhm? Wala." Binalik ko ang pansin ko sa panonood ko. Mahirap `tong manood ng KDrama pero enjoy magbasa. Haha! Langyang Resty `yun e. Magaling magsales talk. "Oh kausapin ka daw ni Daddy.” Binigay niya sa akin ang phone saka pumasok sa bahay. Nilapag ko ang phone ko sa tabi ko. “Good morning sir! Musta po?” “Happy birthday Hija. We're good. Ikaw? Kumusta ang pakikitungo ng anak ko sayo? Pinapahirapan ka ba?” “Konti.” Minuestra ko sa kamay ko. “Pero okay lang. Boss e. Bossy. Haha! Joke lang po sir.” (Masungit talaga yan. Kaya siguro hindi pa nagkakaboyfriend. Ligawan mo nga baka baluktok din kasi yan...) Hahaha! Langya. Kung ganito lang si daddy siguro close na close din kami. Hay. “Naku sir! baka seryosohin ko yang sinabi niyo ha. Kayo din.” “Saan ang next destination ninyo, Hija?” “La Union na po sir. May nakita na akong promo.” “Mag-iingat kayo. Saka pakihabaan ang pasensya sa anak ko” Nag-okay sign ako. “Walang problema sir. Kayang kaya.” Tamang-tamang dumating si Chen. May dala siyang dalawang tasang kape. May balak pa yata siyang magtagal dito sa labas. Buti hindi malamok. "Oh. Magkape ka. May video conference pa aka. Samahan mo ako dito." "On leave ka `di ba? Bakit may conference pa?" "Kailangan ko rin naman malaman ang mga nangyayari sa SAECOM." "Siguro kung nakilala ka ng Papa ko ganito siya." tumikhim ako. "Bakit hindi mo gayahin si Nicolette Chen. Bata pa pero may direksyon na ang buhay. Alam ang gustong tahakin. Tagapagmana. Blah blah..." "Hindi rin madali. Angtaas ng expectation sa akin ng lolo ko. Hindi ko nga mabilang yung mga gabing iniyakan ko ang pag-aaral ko." "But still, look successful ka. Ideal career woman. Ilang beses nang na-feature sa business magazines. Famous. Ano pa ba? pero loveless." Biro ko dito. "Bonus na lang yan." Sinensyasan niya akong tumahimik. Magsisimula na ang video conference. -- Natapos ang video conference nila. Pareho kaming tinakasan ng antok. Magkatabi na kaming nakatunghay sa langit. Anggaling nitong upuan nina lola e pwedeng mag-slide. So cool! Papagawa nga ako ng ganito pag may bahay na rin ako. "Ilang araw na ba tayong magkasama?" Tanong ko sa kanya. "Mag-two weeks na rin yata. How will it take for us to finish this travel kaya?" "Two months tapos na `to. Kasama na rin dun ang mga rest days natin siyempre. Huwag lang sumama ang panahon. Hindi magandang mamasyal nun." Nagbilang siya sa daliri niya. "Ilang linggo pa. Miss ko na ang Manila." "May naiwan ka ba dun na nami-miss mo?" "Wala. If you're use to the noise of Manila. You'll get what I mean." Nabalot na kami ng katahimikan. Wala akong nami-miss sa Manila. Hindi naman nakakatuwa ang traffic. Wala din akong trabahong babalikan kaya wala talaga akong kaamor-amor na bumalik sa Metro. "Napahiya ako kanina kay Lucas. Wala kasi akong alam tungkol sa`yo. Magkwento ka nga ng basic infos mo." "Kailangan ba `yon?" "Oo. Dali na. Tapos magsasabi din ako ng tungkol sa akin." "Fine. Alam mo na ang name ko. At birthday ko. Business Management graduate. MCL..." "Manga c*m Laude?" Nangiti ako. "Muntik nang c*m Laude." Haha. Mahirap biruin to namamalo nang malakas. Haplos-haplos ko an naman ang braso ko. "I'm into swimming and volleyball. I would love to learn how to cook. Gusto ko rin matutong mag-drift. Tinuruan ako ni Prey minsan pero pricey yung hobby na `yon kaya tinigilan ko agad. Ikaw? Naman anong basic info mo?" "27 na ako nung april 9. First choice ko ang engineering dahil sa impluwensya rin nina Ethan. I love doing guys stuffs. Kaya kong magmekaniko. Mag-ayos ng mga tubo. I can be electrician din. Inaral ko yon huh. Nakakachallenge kasi. Nagri-race din ako." "Angdaming alam. Sports?" "Same as you. Nagswimming ako kasi chubby ako noon. Na-body shame kaya kailangang pumayat. Nagvolleyball naman ako dahil sa mga kaklase ko." "Nice. Bi na Bi." "Stereotyping ka naman e. Siguro wala nang straight sa paningin mo `no? Lahat baliko." "Hindi naman. Minsan joke lang. Pero pwede mong seryosohin." Bumuntong-hininga siya. "May tendency pero nakakatakot. Hindi ako singtapang ninyo." "Kung sa bagay, if you're use to your status and such scandal would happened made-depress ka talaga. Pwedeng mawala sayo ang lahat ng pinaghirapan mo. I understand you." Tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Kaya huwag kang pa-fall." Hindi siya umimik. "Ikaw ba wala ng balak bumalik talaga sa lalaki?" "Ewan. Anything is possible. Malay mo `di ba? Kapag lalaki manligaw sa akin dapat angyaman niya para prinsesa ako `no. O basta kahit sinong manligaw na lang sa akin dapat mayaman na mayaman para hindi kami maghirap." "Mayaman na mayaman talaga kahit pangit?" "Oo. Ako na lang mag-aadjust. Pipikit ako palagi." Hahaha! Grabe yung hampas na naman e. Grabe to si Chen! “Tapos pag nagpagawa kami ng bahay malaki at maraming pinto para araw-araw niya akong hahanapin. Tapos kapag naging horny naman siya iinom ako nang marami para lasing akong makikipag-s*x. Hahaha. Just kidding!” "Hay! Nabaliw na. Pasok na tayo. Maaga pa tayong gigising." -- WASHINGton day! Kailangan makapaglaba para ready na ulit sa mga next destination. "Lola thank you po sa pagpapagamit ng washing machine." "Walang anuman. May konting handaan sa bahay mamaya. Pumunta kayo ha? Anniversary namin ng asawa ko." "Wow! La ilang taon na po Lola?" "52 years na." Awww! Iilang couple lang ang nakakareach ng 50 ha. tapos sila 52. Anggaling! "E lola ano bang sekreto nang matagal ng relasyon?" "Pagtitiyaga sa ugali niya." natatawang sagot ni lola. "Respeto rin sa bawat isa." "Totoo ba Lola na nawawala yung pagmamahal kapag matagal na ang relasyon?" Umiling siya. "Naku hindi. Akala mo lang nawala pero nandiyan pa rin. Maaring wala na ang lambing pero hindi nawawala ang pagmamahal." "Naks lola. May natutunan ako sa inyo. Salamat." Narinig ko na ang ingay ng tatlo. Nauna silang naglaba kaya chill-chill na lang sila. Si Chen logtu pa. Masakit daw ang ngipin. Kawawa naman. Nag-excuse na ako kay lola para kumustahin ang mahal na prinsesa. Nakatalukbong siya ng kumot. Niyugyog ko siya. "Chen hindi ka pa nag-aagahan. Dalhan na kita dito?" "Ayokong kumain. Masakit ang ngipin ko." "Paano yan? Baka need na pabunot yan." "Okay na siguro to mamaya." "Kunin ko na tong mga labahin mo ha. Isabay ko na sa mga damit ko." "Ako na lang mamaya." Hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko na lahat ng labahin niya. Hooh! Ayoko ng feeling na masakit ang ngipin. Damay kaya ang buong katawan nun. Grabe. Kinikilabutan ako! -- Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabanlaw nang lumabas si Resty. "Blythe dalhin mo na sa dentista si Chen. Umiiyak na e." "Ha? Teka lang." Agad akong pumasok sa kwarto. Nakaupo na siya. Maluha-luha pa. "Bakit ka bumangon?" Dinama ko ang noo niya at leeg. "May lagnat ka hoy. Mahiga ka lang. Magpahinga ka." "Ililigo ko lang to." "Tsk! Hindi! Pasaway ka naman e! Baka lalong lagnatin ka. Lika na at punta tayong dentista." "Okay na to mamaya." "Sure ka ha? Sabihin mo lang kung hindi mo na kaya ang sakit." Hindi siya umimik pumasok na siya sa CR. Kinikilabutan pa rin ako sa sakit ng ngipin talaga. Grrr! Hmm. Sakitin naman pala siya. Naku Blythe! Gawin mo ang tama! -- Nang matapos ko ang paglalaba ay naligo na ako. Pupunta kami sa dentista sa ayaw at sa gusto niya. Siyempre aayaw siya pero may naisip na akong panakot! Hihi. "Chen, punta tayong dentista." "Huwag na. Mawawala din to." "Kasi sinabi ko na sa daddy mo e." "What? Bakit mo sinabi? Sakit lang ng ngipin e." "E kaso sabi ni sir dalhin ka na daw sa dentista kasi iyakin ka. Tapos baka mabulok yan. Babaho ang hininga mo. Kadiri yun Chen. Kadiri." Haha! Bistado na niyang jinojoketime ko lang siya. "Joke lang. pero kailangan mo nga pacheck up. Kasi nakakahiya sa mga kasama natin kung ma-delay ang byahe natin dahil sa ngipin mo diba?" "Fine! Nanalo ka na. Happy?" "Naman! Tara na. May tricycle nang naghihintay. Huwag humanap ng taxi hindi uso dito." -- Napakaselan naman ni Nicolette Chen! Nilalagnat dahil sa sakit ng ngipin. Nagbabasa ako ng magazine habang hinihintay siya. Nakakaawa yung mga bata na binubunutan anglalakas ng iyak. Baka si Chen e bunutan na rin? Halla baka umiyak din siya. Ilang sandali pa ay lumabas na siya. Nakasimangot siyang tumabi sa akin. "What? Ano sabi?" "Dental filling daw. Nagugutom ako." Hindi kasi kumain tapos ngayon nagugutom. Hay! "Kaya mong tiisin? After mo magpapasta kakain tayo." She nodded. "Pasensya ka na. Naabala pa kita." "Sus. Parang da anoders naman to. Bawi ka na lang next time." After her dental filling umuwi na kami. Haha! Tumawag ang mga bugoy may tinolang manok daw at itong kasama ko natakam. Baka may gana na siyang kumain kaya imbes na sa fast food chain kami kumain at nay-aya na siyang umuwi. "Bigay ni Lola yan. Luto sa pangkahoy." Said Lucas. "Naku Boss magkakaamnesia ka sa sarap niyan. Kami e pupunta na kay lola. Nag-volunteer kaming waiters mamaya e. Si ate Resty naman ang aming manager." "Sunod kayo ha? hanap kayo ni lola. Kulang daw ang packers pag wala ko." natatawang sabi ni Resty. "Naturuan nung tatlo ng packers pose e. Aliw si Lola." Umalis na sila. Naghain na ako nang makakain na kami. Nakapangalumbaba akong pinagmamasdan siya. Mukhang hindi na nga masakit ang ngipin niya. Nakadami na siya ng kanin e. Nahiya na akong kumain kasi sabaw na lang natira sa akin. Hahaha! "Why?" saka niya napansin ang mangkok. "s**t. Sorry. Hati na lang tayo dito oh." "Sige lang. Natutuwa akong panoodin ka. Balik sigla ka nang kumain e. Masarap no? Ano kaya ang magandag iregalo sa kanila." "Ano bang meron? Birthday?" "52nd anniversary. Kabilib diba? Bili tayo mamaya ng cake." "Sana kanina pa tayo bumili. Mainit na. Ano ka ba naman." "Gutom ka na. Yaan mo na. malapit lang naman. Ako na lang babalik." "Sama ako. Ayoko mag-isa dito." "Sus. Gusto mo lang ako kasama bibigurl e." hahaha! Angsarap asarin ni Chen. Nanliliit lalo ang mga mata niya. Tinutukan pa ako ng tinidor. "Walang audience. Shut up ka." Hahaha! Pikon! Kumain na lang ako. "Sarap ng sabaw. Hahaha!". Namula na naman siya. haha! Hay Chen! Nakakaaliw ka. Strong Girl, Iyakin Girl. -- Nakakatuwa ang handaan dito. Yung mga bata may mga food packs tas nagsiuwi na pagkabigay sa kanila. Nilalagyan ng uling sa braso pag nabigyan na. Tanda daw para hindi na uulit. Haha! Nakakaaliw! Yung mga bugoy ginagalingan ang pagwi-waiter. Nagwi-wait kami ng pagkain, waiter na rin ba kami nun? Haha. "Kayo ba iyong nagrerenta diyan sa harap na bahay?" Sabi ng isa sa mga anak ni lola. "Opo." "Ah. Kayo pala yung kinukwento ng mga anak ko na bisita nina nanay. Iyang bahay na yan e ayaw nilang tirahan e sa kanila naman iyan." "Po? Akala po namin caretaker lang sila." Napakamot sa ulo si Manong. "Si nanay talaga. Mas gusto niyang tumira dito dahil nakasanayan na daw niya. Pinagawa ng bunso namin yan para sa kanila." "Ah yung bunso niyo yung nag-abroad?" Umiling si Manong. "Kakamatay lang nung nakaraang taon. Naaksidente sa trabaho. Nalungkot ang nanay kaya gusto niya ngang ibenta yang bahay at lupa na yan e. Kaso ayaw namin kasi yan lang ang alaala ng kapatid namin." "Wala ba siyang pamilya?" Umiling si Manong. "Enjoy lang kayo ha? Mamaya e may kantahan pa. Puntahan ko lang si tatay." Napansin ko ang lungkot sa mukha ni Chen. "Oh anong mukha yan?" "Huh? Wala. Nalulungkot lang ako. Remembrance ng anak nila pero gustong ibenta. Hindi ba't nakakalungkot yon?" "Alam mo iba-iba tayo ng paraan ng pagcope-up sa kalungkutan. E nagkataon na ganun ang paraan nina lola. Magkano kaya to binebenta. Maganda to para sa negosyo." Masama ang tingin niya sa akin. "May sentimental value nga tapos negosyo ang naisip mo. Insensitive mo naman." "Sorry naman. Maganda kasi yung lugar e. Malapit sa mga tourist spots dito sa Bolinao." Inirapan na naman niya ako. Hindi na nga masakit ang ngipin niya balik normal attitude na e. Pagkasungit! Tinawag kaming anim para daw sa picture taking. Sus! Parang pamili ang peg hihi. Walangya sina Lucas. YOLO pose daw tapos packers pose pa. haha. Yung ganun sa usong kanta na "BOOM PANES". Hahaha! Nakakaaliw sina lola talaga. Hindi namin mapagawa ay Chen yang packers pose. Kaya hanggang Yolo lang siya. May pa-videoke sila. Hindi pinalampas ng tatlo ang pagkakataon. Ito daw bayad sa pagiging waiter nila. Angbait ng pamilya nina lola. Parang mga kamag-anak na rin kami e. "Si lolo naman ang kakanta!" Sabi ni Lucas. "Anong kakantahin ninyo Lo? Yung bago lo. Yung nakakainlab..." "Pindot mo nga yong Be My Lady Hijo..." Palakpakan kami siyempre! Ako bilang number one fan na nila ay kinikilig nang sobra-sobra talaga. Haha. Angsweet naman. Hawak-hawak pa ni lolo ang kamay ni lola e. Sa kalagitnaan ng pagkanta niya ay pumunta naman sa gitna ang mga anak nila kasama ang kanilang mga asawa para sumayaw din. Yiiiee!!! Nakakaaliw! Haha. "Kaysweet hindi ba bibi?" Baling ko kay Chen. Luh! Nagpipicture siya. "Hoy fan ka na rin?" "Baliw. I'll send it to daddy. Matutuwa yon." Nagsigaya na rin ang mga apo at mga partners. May napansin ako. Siyempre malakas ang gaydar ko. hihi. May dalawang pares na babae at babae! Hihi. Inggit ako! May lumapit na batang babae dun sa isang pares. Kinarga siya nung may mahabang buhok pero tuloy pa rin ang pagsayaw nila. Angsweet naman. Happy family. "Someone's envious..." pang-aasawa ni Chen. "Tsk. Shut up ka din no. Cute lang sila pero hindi ako inggit." "Labas sa ilong!" pinitik niya ang ilong ko. "Haha! Know what? Transparent ka pagdating sa gay stuffs. Kaya hindi mo maitatago sa akin yan. Inggit ka." "Oo na." inis kong sagot. "Sinong hindi maiinggit? Look naman. Parang tanggap na tanggap sa kanila. Aba. Sana lahat genyern no." Hay! Napahilamos ako. Huwag mainggit Blythe. Iba-iba ang love story ng bawat couple. Nagkataon lang na dimunyu ang tatay mo kaya hindi ka tanggap. "Oh kain ka muna ng biko. Nang mabawasan ang pait mo." nilagyan niya ng isang slice ng biko ang plato ko. "Makakaroon ka rin ng happy family. Pagpray mo lang." "Samahan mo akong magpray." Sabi ko saka sinubo ang buong biko. Nakakabitter kasi ang eksena! Sobrang bitter gusto kong magwalk out. Haha! Joke lang. hay! God bless this family. -- Inuman na! Yiiie!!! Ito ang best part ng isang celebration. Ang walwalan! Tikman daw naming ang lambanog na gawa ni Lolo Apiyong. Kasama nga pala sa inuman iyong isa sa mga kinainggitan ko kanina. Tsk tsk. Sina Mana Feliz at Mana Roxan. Ganun ang narinig kong tawag sa kanila ng mga youngster kaya nakigaya na rin ako. Si Mana Roxan yung may anak. "Buti at pinarentahan ni lola yang bahay. Isang taon din na natingga yan."Sabi ni mana Feliz. "Taga Maynila ba kayong anim?" "Opo Mana."sagot ni Lucas. "Plano naming libutin ang mga magagandang tanawin dito sa Norte." "Ah ganun ba. maganda yan. Marami kayong mapapasyalan lalo dito sa Pangasinan. Maraming magagandang beach dito." "Tanggap ba kayo ng pamilya niyo?" napatingin sila sa akin. Awkward moment. Hehehe. "Sorry. Curious lang. Angsweet niyo kasi. Nasense ko lang. Sorry." "Bibig mo talaga walang preno." Inis na komento ni Chen. Natawa si Mana Feliz. "Okay lang. Tanggap naman pero hindi naging madali. Sa part ko out naman ako. Sa family niya medyo dumaan ako sa butas ng karayom." Nangiti si mana Roxan. "Niligawan niya ang lolo at lola, tatay at nanay ko pati mga kapatid ko." "Wow! As in? yung nagsibak ka ng kahoy ganun?" dagdag na tanong ni Resty. "Nangharana ka din?" Natatawang umiling si mana Feliz. "Naghanap ako ng trabaho. Pinakita ko na kaya ko silang buhayin mag-ina. Yon lang naman ang kondisyon ng mga magulang niya bukod siyempre sa mahalin ko silang dalawa." Yung tatlo tamang kinig talaga. Akala mo nasa lecture tungkol sa relationship e. Importante talaga kapag financially equip sa kahit anong relasyon. Kailangan kong palaguin ang aking pera. "Maswerte kayo." Komento ko naman. Sana lahat tanggap. "Shot mo na lang oh." Abot ni Chen sa akin ng baso. "Huwag kang uminom ng bitin. Basta huwag ka lang magdrama." Bottoms up ko ang shot ko! Sarap talaga ng lambanog! Hamaba ang mesa ng inuman! Wow! Buong angkan na yata nila ang kasama namin. Iba lang yung iniinom ng karugtong na mesa pero nakakaaliw yung bonding na ganito. "Oh yang mata mo na naman." Said Chen. "Kulang pa ba ang alak?" "Baliw. Jino-joketime mo ako. Narerealize ko lang kung gaano kamiserable ang buhay ko." ininom ko ang shot na dapat ay para sa kanya. "You just can't have everything. That's the reality." Binuhusan niya ng lambanog ang baso saka ito binotoms up. "Just be happy Blythe. Narasanan mong ipaglaban ang nagpasaya sayo." Nagring ang phone niya. Nahagip ng mata ko ang tumawag. Pogi naman ng image caller! Nag-excuse siya para makalayo nang konti sa ingay ng videoke. Pagbalik niya nakabusangot na. Nawala agad ang maamong Chen? Wow. Anong kaganapan? "Oh shot mo na ulit." Abot ko sa kanya ng baso. "Anong nangyari? Biyernes santo mukha mo." Pinakita niya sa akin ang isang message. Ang pangalan ay Kuya Leio. "I'll see you in La Union. Kasama ko si Arthur. Stop hiding from him please." "Who's Arthur?" "Kababata ko. Pinsan ni Ethan. You know. The curse of fixed marriage." "Ah... Shot na lang tayo." Haha! Oh well! Hindi talaga perfect ang buhay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD