NF 18 BLYTHE Nakahiga na si Chen nang makabalik kami sa hotel. Naka-headset siya. Tsk! Siya pa talaga ang nagsabing huwag mag-headset kapag matutulog tapos ganito siya. Naku! Anong trip nito? Magkatabi kami dapat pero nilagyan niya ng maraming gamit yung space na ookupahan ko. Laptop, yung mga damit niya. Yung wala na talagang space para sa akin! "Paano yan? San ka matutulog? Pang-single lang ang kama ko," said Resty. "Magrerequest na lang ako ng beddings." Naupo ako sa kama tabi ni Chen. Hay! Anglakas ng toyo mo naman Chen. "Kahit sinong girlfriend mabubuwesit Blythe. Puro ka ba naman Allyn kanina. Sobra kayang nag-alala yan nung hindi ka makontak at wala ka dito pagdating namin." E kaso nga hindi ko naman girlfriend si Chen! Close friend pwede pa. Uhhh pwedeng magselos ang close f

