Chapter 7

2740 Words
NF 7 CHEN Nakahanap na kami ng matutuluyan. Pansamantala kaming nandito sa labas ng bahay dahil nililinis pa ng caretaker ang mga kwarto. "DA best dito P`re. Malakas ang signal ng data." Nakatutok siya sa phone niya. "Buti na lang mabait si Lola ano? Angmura ba naman. 10,000 sa isang linggo. Sa ibang rental yan 2500 overnight lang." It's a bungalow type of house. Good for a family of five. Yung mini-garden halatang name-maintain. Instagramable. Hindi na nga nagpaawat ang mga bugoy. Too bad they can't post it yet. "Tangina P`re. Baka may kababalaghan dito." Kumapit si Derek sa braso ni Lucas. "Virgin pa ko tangina mo. Tapos mamatay ako dito." "What do you think?" I asked Blythe. "Natatakot ka rin ba?" Umiling siya. "It's just a normal house na walang nakatira dahil nasa ibang bansa na ang mga may-ari." Pinakita niya sa akin ang phone niya. "Marami nang naging guests dito. Kaya don't worry." She haven't shot vlog since this morning. Baka may trauma pa siya. She’s quite a less talk person din. Kung hindi mo kakausapin hindi magsasalita. It bothers me somehow. "Asan na `yong camera? I'll take some videos." "May talent ka naman sa ganun?" Pinaningkitan ko siya. "Ikaw na nga ang tutulungan parang ayaw mo pa." Natatawa siya habang kinukuha ang camera. "Trabaho ko `to. Kaya chill ka lang. Kayang-kaya ko `to. Saka parang wala ka naman ka-energy-energy. Sabihin mo nga HELLO GUYS! With feelings para maniwala ako." Inirapan ko nga siya. Inuuto na naman ako e! Pinuntahan niya ang mga bugoy. "Hello mga Packers!!!" sabay-sabay na bati ng mga bugoy sa camera. Nag-umpisang mag-video si Blythe. Hay! I guess she found her minions. "Buti okay na siya," said Resty. "Sobrang guilty ako kagabi kasi parang pinapabayaan ko siya." "You're not at fault. Buti may mga kalaro siya." natatawa kong tukoy sa tatlo. "Baka kung kami lang tuluyang nang mabored yan." "Parang hindi naman. Puro kaya siya Chen kagabi. Kung nandito sana si Chen mas masaya, kung si Chen yan, ganyan din si Chen." She barely know me naman to talk like that. Baka she's trying to put on a show pa rin like we are really lovers. Ready na ang mga rooms. Simple lang ang loob ng bahay mga basic appliances lang ang nandito. We can use the kitchen rin daw pati mga kagamitan. "Pwede kayong mag-order ng ARGAS o kung gusto niyo e yung mga panggatong sa likod bahay ang gamitin ninyo sa pagluluto." "Talaga lola? May panggatong kayo?" Lucas asked like an amused child. "What's panggatong?" They looked at me like anglaki ng kasalanan ko with asking that question. "Mga kahoy na gagamitin sa pagluluto. Naku Boss! Mamaya tuturuan ka namin. Masarap ang luto sa kahoy!" Pagyayabang ni Lucas. "Ah lola malapit lang ang palengke?" "Oo. May mga tricycle din diyan. Huwag masyadong galante sa pamasahe. Sampu lang papuntang palengke." Nang makaalis si lola ay nagpunta kami sa dining area para pag-usapan kung ano ang mga menu namin sa mga susunod na araw para makatipid-tipid daw sabi ni Blythe. Si Resty ang nagready ng pagsusulatan. "Anong suggestion mo?" asked Blythe. "Yung kinakain mo ha. Para matuwa ang mga bulate mo."  "Kayo na ang bahala. Anything will do." They wrote ginisang agamang, dried fish, itlog maalat for breakfast. Naiimagine ko pa lang parang nauumay na ako. Hay! I wish my mom taught me to eat these kind of foods. "Can we add fried chicken?" suhestiyon ko. "Pork chop? May Chinese resto ba dito?" Natawa si Blythe. "Wala e. Malayo pa yung nakita kong fastfoods. Pero pwede naman yung fried chicken." "Coffee. Please. Pakidamihan ng kape." "Hindi ka sanay sa mga ganitong pagkain ano? Di bale masasanay ka rin." Pagyayabang niya. "Ako ang magluluto. Lagyan ko ng gayuma para mahalin mo na ako." Saka pa siya kumindat. "Boom Packers!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo. "Oh siya mamamalengke na kami. Ambag-ambag na tayo." Nilahad ni Derek ang kamay niya. Kumuha ako ng 5000 sa wallet ko. "Sagot ko na." "Naku hindi pwede boss," said Denmark. "Hating kapatid tayo dito. 1500 na lang tas pag may sukli ibili namin ng mga snacks natin." "Mura ba ang mga bibilhin ninyo? Angdami niyan e." "Presyong probinsya boss medyo mura." Said lucas while counting the money. "Aalis na kami. Ate Blythe ready ka na?" "Sasama ka?" She nodded. "Iba-vlog ko kaya. Hihi." -- Dahil na-bored kami ni Resty, lumabas muna kami para magpahangin. Rinig namin ang tawanan ng mga bata sa kalsada. Lumabas kami ng gate. This street is busy with kids playing without their slippers and some are playing basketball. They just pause for a while kapag may dadaang sasakyan. Isn't it dangerous? Bakit sa kalsada ang court? Nakita namin si Lola Bidang na nagtitinda ng halo-halo. Mayroon siyang store sa gilid ng pader. Marami-rami din siyang customers. Lumapit kami ni Resty. "Lola magkano yang banana cue?" Resty asked while making turo sa mga tinda ni Lola. "Saka dalawang halo-halo po." May wooden chair din sa gilid kung saan nauupo ang mga customers. `Yung mga lalaki pinaubaya sa amin yung upuan. "Hindi ka sanay kumain sa ganito ano?" she said while stirring the halo-halo. "panigurado pagbalik mo sa buhay mo hahanap-hanapin mo tong mga murang pagkain." "Mukha ba akong maarte?" "Oo." Tawa pa niya. "Pero okay lang yan. Hindi mo naman kasalanan kung hindi ka maalam sa mga ganitong klase ng pagkain. Normal lang yan." Hindi ko na napansing naubos ko na rin ang halo-halo. Php15 only talaga yon?! "Sarap `no? Bilhan ko nga din yung apat siguradong pagod sila sa pamamalengke." "Ako na lang." "Share-share tayo. Tigdalawa bayaran natin." Aliw na aliw siya sa pagtutusok ng kamote at banana cue. "Gusto mong subukan Ineng?" said lola. "Madali lang oh..." Bakit yung mga tinusok niya hindi lamog? Samantalang yung mga gawa ko parang may mga bruises?! Natatawa si Resty. "Naku malalamog ang saging sayo. Ganito kasi. Gentle lang." She held on my hand. Dahan-dahan niyang itinusok yung barbecue stick. "Gets na? Naku bilhin mo `yang lamog." -- Ready na ang meryenda ng apat. Proud ako sa mga banana cue na ako ang nagtusok. Mukhang okay naman na matapos maprito. Nabalutan na ng asukal e. Bumukas na ang gate. Narinig ko na ang ingay nila. Sinalubong namin sila. Si Lucas ang kumukuha ng video. "We're home mga ka-packers! Marami kaming nabili pero hindi naming alam kung tama ang sukli namin! Muntik nang ibenta si Ate Blythe dahil hindi maintindihan ang Ilocano!" Nilapag ni Blythe ang mga bitbit niya sa mahabang upuan saka lumapit sa akin. “Pakihipan nga ang mata ko. Napuwing ako e.” Hinipan ko saka siya kumurap-kurap. "Punasan mo nga yang pawis mo..." "Wala akong panyo. Yaan mo na. Bumili kami ng pancit. Kain tayo. Gutom na ako." "Bumili kami ng banana cue at camote cue at halo-halo." Resty proudly said and showed the tray of foods. "Si Chen nagtusok niyan kaya dapat kumain kayo." "Weh? Di nga?" Hilig talaga niya akong asarin. Hindi naniniwala e. "Marunong ka na tumusok mahal?!" God! I just hate her malicious smile. "Tikman nga..." "Pag mahal mo talaga kahit busog ka kakain ka pa rin." Commented Derek after having a bite of kamote cue. "Ano po ate Blythe? Sarap? Mas masarap sa calamares ano?" "Kumain na kayo?" asked Resty. "Konti." Said Blythe. "Pero uubusin ko pa rin to." "Help me sa mga to." I asked Resty. Iaayos namin ang mga pinamili nila. "Dalhin natin sa kitchen." "Kami na." said Blythe. "Tapusin ko lang `to. Dito ka lang." She pulled me to sit beside her. "Sarap nito. May gusto akong luto nito e minatamis na saging. Masarap din `yon." "You sound like nagre-request. Ano? Bumili na lang tayo para tipid sa oras." "Ipagluto ko na lang kayo. Nung kay Coreen pa ako tumutuloy marami silang tinuro sa aking recipe." Tinaas pa niya ang paa niya. "Ay hindi niyo siya kilala." Baling niya sa mga kasama namin. "Naglayas kasi ako. Sa kanya ako tumuloy. Nag-work ako sa resto niya. Kapag free time niya tinuturuan niya akong magluto." "Hindi pala magugutom si Boss Chen e. Kay swerte naman." Komento ni Denmark. "Dapat mga P`re marunong din tayong magluto para full package. Lover boys na marunong sa kusina pa. Ano? Biri bryt idea diba?" "Kayong tatlo." Sabad ni Resty. "Matuto muna kayong maligo! Kaybabaho niyo na!" Saka ito tumawa. Yung mga bugoy naman inamoy-amoy ang damit ang kilikili. Hay! I think we’ll have a hilarious trip with them talaga. -- She's editing the videos for the first upload. "It's not a rush why don't you rest muna?" "Hindi pa ako inaantok." She turns the monitor to me. "Tingnan mo yung tatlo. Angkukulet sa palengke kanina." "Hindi naman sila na namukhaan?" Umiling siya. "All posts about last night were taken down. Sinabi ko kay Coreen. Sabi niya siya na bahala." "Close kayo `no?" She nodded. "She gets into my nerves sometimes but she's a true friend. Nung nagtago ako sa mga magulang ko sa kanya ako tumira." "Hindi ka makakapagtago nang matagal." "Hayaan mo na. Hindi naman nila ako mapipilit na bumalik sa kanila. How about you? Paano pang napanood ng pamilya mo `tong mga vlogs?" "I don't know. Haven't been in a complicated situation so hindi ko alam kung paano magre-react." She sighed. "I'm bisexual. Alam ng mga followers ko `yan. Tapos mai-involve ka sa akin. Kaya mo bang i-handle ang pressure?" "Try me." I said proudly. "It's temporary naman. `Di ba?" "Sa bagay. Pwede tayong maglabas ng statement na kunwari wala na tayo and it's a mutual decision." Nag-ring ang phone ko. Si daddy. Naghanap muna ako ng mas maayos na signal sa bakuran bago ko ito sinagot. “Hello dad. Kumusta?” “Kakauwi lang namin ng Mom mo. Kumusta si Blythe?” I can hear mom sa kabilang linya na nangamusta din. “She's okay. Dad can you tell attorney to file a case against Marco? Dig into his background.” “Ako na ang bahala hija. Ikaw? How are you?” “Naninibago. I miss office. Dad I made banana cue kanina. Sabihan mo nga si manang na bumili ng saging at pagkauwi igagawan ko kayo.” Natawa si daddy. “Aba marunong na ba magluto ang anak ko?” “Banana cue lang. Kapag lumabas yung unang vlog ikaw na ang magpaliwanag kay Lolo. Ayokong tatawag-tawagan niya ako.” "Mahal!" Napalingon ako kay Blythe. “Mahal?” Dad asked in confusion. “Si Blythe. Kung anu-ano ang tawag sa akin.” His laughter echoed over the phone. I imagined him though. “Anak tanggap ko kayo. Pakatandaan mo yan.” That’s my Dad and I think mommy heard everything. I do have cool parents but sometime they’re too cool to handle. “You're impossible Dad. Alam mo `yon?! She's putting an act. Baka gising yung mga kasama namin.” “Ang sinasabi ko lang mahal kita anak ko. Alam mo yan maging sino ka man.” “Yeah right. Shut up Dad. Bye na.” --- "Alam mo ikaw?" Napahawak siya sa braso niya na pinalo ko. "Paano `pag kliyente yung kausap ko tapos tatawag-tawagin mo akong mahal." "Oh de wala siyang pake. Mahal?" "Baliw. Buti na lang si Daddy lang `yon." "Ah si Daddy." She's still giving me that bully face. "Kumusta ang Daddy? Miss na ba niya ang manugang niya?" Hindi ko siya sinagot. Inatupag ko na lang ang phone ko. Masama ang loob ko sa mga kaibigan ko dahil hindi man lang ako i-reply. Seen lang lahat ng messages ko sa kanila. Hay! I'll get even with them pagbalik ko ng Manila talaga. -- "Ang-cute niyo talaga." Said resty while watching the vlog sa youtube. "Grabe Blythe apple of your eyes talaga si Chen. Isama mo naman ang sarili mo sa video." "Kasama naman ah..." "Anong kasama? 5% percent lang yata na kasama ka. Puro si Chen oh. Inlove much." "I didn't notice." "Ate ang maganda niyan kami ang magvideo," suggested Lucas. "May background kami diyan `di ba P`re?" baling nito kay Derek. "Ako na," said Blythe. "Ang mabuti pa ay magpahinga na kayo dahil maaga tayong aalis bukas." "Maaga pa ate." Said Lucas. "Magpapahangin pa kami sa labas. May mga nakita kaming nagbabasketball e. Makikilaro lang kami." -- Tulog na si Resty. Yung tatlo na sa labas pa. Si Blythe naman nasa terrace nakatutok na naman sa laptop. Nang silipin ko ay picture ng family dinner ang pinagmamasdan niya. Tumikhim ako kaya napalingon siya. "Why are you still up?" "Ikaw lang ba may karapatang magpuyat? Sino sila?" Humalikipkip ako sa likuran niya. They seemed enjoying the dinner. "Family ko." "Ah. Nice. Miss mo na sila `no?" "Maybe. Or I just love to hurt myself. Angsaya nila kahit wala ako `no? Siguro nasanay na rin sila." "Kung bumalik ka na kaya sa kanila?" "Baliw ka ba? Pagkatapos kong lumayas babalik ako? Angdami kong masakit na salitang natanggap mula sa mga Papa ko. Hindi ako babalik hanggat wala pa akong maipagmamalaki." "Ano bang gusto mong ipagmalaki? You want to put up a business? Tutulungan kita. Then you can come back to your family and start over again." "Hindi mo naiintindihan." Sinara niya ang laptop. "Samahan mo na lang akong hintayin yong tatlo. Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita." -- BLYTHE "Tell me your story." Sabi niya matapos ang ilang sandaling katahimikan. "Gusto kong maintindihan kung saan nanggaling yang sama ng loob mo." "You know about Sam na `di ba?" "Yung tungkol sa family mo. Gagaan pakiramdam mo kapag may pagsabihan ka. Trust me on this." "Tulad ng ibang forbidden love stories ayaw ng mga Papa ko sa kanya. Tinakot niya akong tatanggalan ng mana pero wala akong pakialam. Alam mo ba `yung last will and testament ni Papa pinatanggal niya ako. Pinadalhan pa niya ako ng kopya." Naalala ko yung nagpunta si attorney sa condo ko. "Sa mismong araw na yon pinaalis ako sa unit ko dahil si daddy ang bumili nun. Daig ko ang iskwater no?" Bumuntong hininga ako dahil bumalik lahat ng mga hirap na pinagdaanan ko sa pag-a-out ng preference ko. "Naghanap ako ng mas murang rent ng apartment. Nung una okay pa ang trabaho namin ni Sam sa advertising company. Hanggang napansin ko na pinag-iinitan na kami. Siguro utos ng Papa ko. Hanggang nagresign siya. Nagtungo kami sa Singapore. Tinulungan ako ni Nicole para makapasok sa company ng ka-batch nila." "How about Sam?" "Nakailang apply din siya pero hindi siya natanggap. Kaya part-time siya sa mga restaurant. And everything fell into pieces na." I managed to smile habang naalala ko ang mga struggles namin ni Sam. It was us against the world talaga. "Nakuha pa niya ang halos kalahati ng laman ng account ko bago umuwi ng Pilipanas." Napakamot ako sa ulo ko. Hindi siya nakaimik. "`Di ba? Angtanga ko? Sabi niya emergency daw kasi ooperahan ang nanay niya. Ako naman si naniwala." "I'm not judging you. Ganun lang siguro ang nagagawa ng love." "Maybe. At ganun din ang nagagawa ng pera kasi iniwan niya ako para sa mas mayamang lalaki." "Forget her. Walang kwentang tao ang ganun. Hindi ka niya minahal in the first place." "Angsakit mong magsalita." "Kasi totoo. Hindi `yon sasama sa iba kung mahal ka talaga." "Hindi kasi siya tulad natin na maykaya. Kasi tayo kaya nating itakwil ang mundo dahil may pambuhay tayo sa sarili natin. E siya? Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Sinira ko ang buhay niya kung tutuusin." "Sinaktan ka na nga pinagtatanggol mo pa. Hindi ka talaga makakahanap ng bagong girlfriend kung ganyan ka. Wake up Blythe." "Nag-aaway ba kayo mga Boss?" Napalingon kami sa tatlo. Hindi ko na napansin ang pagbukas ng gate. Hay! "Nanalo kami." Niyabang nila ang uwi nilang inihaw na pusit. "Kain tayo mga Boss nang lumamig-lamig ang ulo." Balik sa pagpapanggap na naman kami. "Boss oh..." inaabot ni Lucas kay Chen and isang bulaklak ng gumamela. "Galing sa bata. Kras ka daw. Mapilit e. Bukas daw dadalhan ka ng isang piling ng saging. Matibay na bata `yun. Marunong manligaw." Tatawa-tawa niyang sabi. "Sabihin mo bawal ligawan kasi may boyfriend na." Masungit kong sabi dito. "Ikaw naman? Huwag kang makikipagkita sa batang `yon." "Para kang tanga." Natatawa nitong sabi. "Pati bata papatulan." "Aba baka may kuya yan! Kunwari bata ang may gusto sayo tapos yung kuya pala? Duh! Style nila no." "Malalaman natin bukas boss kasi yung kuya niya ang tourguide natin sa hiking." Sabi ni Lucas. Nagtaas-baba ang kilay ni Chen na parang nang-aasar pa. "I don't mind having a probinsyano boyfriend." "Boom Packers!" sabay-sabay na naman chant ng tatlo. "Road to busted yata ito boss. Papayag ka ba?" baling sa akin ni Lucas. --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD