KABANATA 1
I.
"Tazea, Hija? Gising kana ba?" Rinig kong tawag ng isang kasambahay namin.
Nauna pa ko magising sa lahat. Nagising ako ng 4 O'Clock in the morning pero hindi pa 'ko tumatayo. It's almost 7:30 am.
I told her I'll wash up and brush my teeth bago bumaba so now I currently facing my Cr's mirror. Can't help but to stare at myself. My messy bun hair. Dull eyes with blurred vision. Pale skin. Thin lips. Got braces dahil sungki ang front teeth ko at hindi pantay ang pagkagat.
"I want pancakes po at hot choco po," sabi ko sa isang kasambahay namin bago umupo. Nakaupo si Kuya sa bandang harapan ko. He is reading a newspaper. "Kuya, Where's Dad and Mom?"
Kuya Tiago stop reading and take a sip of his black coffee. "Si Mommy nasa Nueva Ecija pa and Dad, probably at the office."
I just nod.
Dumating naman na ang pagkain ko, I mouthed thanks to her.
"Nakausap ko pala si Tev, I think he'll stay here," sabi niya. He is talking about my Kuya Tevyn, he was at our province in Rizal for two and half years now. "He said, dito raw muna siya for the mean time. His tattoo shop is on going, so Dad told him to stay here for a while."
I'm kinda excited because finally, we're gonna be complete.
Kuya Tevyn is running his tattoo shop. May tatlong branches na rin siya around Cagayan Valley.
Kuya and I finished our breakfast. He decided to leave first since he said he has a lot of things to do. Ako naman ay umakyat muli sa kwarto ko para makapag-ayos dahil aalis ako.
After an hour or so, I do my hair into bun kahit medyo basa pa dahil paglabas ko naman nito tuyo agad. Sobrang init kasi. Pababa na 'ko ng hagdan namin nang mag-vibrate ang phone ko.
"Hello, Mommy? Kuya said you're in Nueva Ecija?"
"Yes, Sweetie. I'm with your Tita Loret," My Mom answer.
"Okay. Can I talk to Tita Loret? I just wanna ask her about Kuya Arceon and Aryan," I demand. She handed the phone and I greet Tita Loret. "Tita, where's Kuya Arceon and Aryan?"
"Nasa Bicol pa ang dalawang 'yun, Hija. Why? Is there something wrong?"
"But Tita, Miel's birthday will be nextweek. They will not attend?" Aryan, Kuya Arceon and Miel are my cousins.
"I don't know kung kailan sila uuwi d'yan sa Manila but I assure you na pupunta sila sa party ni Aryan, okay?"
After some updates tungkol sa debut ni Miel, we ended the call. Okay naman sila roon ni Mommy at Tita Loret. Mommy also updates me about Kuya Tevyn and try to accompany him when he arrive next week from the Airport before Miel's birthday. They will keep in touch as much as possible.
Pakiramdam ko, hindi ko naman na kailangang sunduin si Kuya. Baka pagalitan lang ako kasi bumiyahe ako mag-isa.
I dial Sol's number. After seconds he answered. "Hello, Sol? Have you already contacted Kuya Arceon?"
"Well, I talked to him last night. Why?"
"I can't reach him last night. I'll borrow some books sana."
"Okay. I'll try to contact him again. Nasa bukid kasi ang gago."
Soljer ended the call.
Sana makuha ko agad kay Kuya Arceon. Two weeks na lang ay pasukan na. I need to buy some books but Kuya Arceon suggested to borrow his books na lang. Tapos na kasi siya sa Engineering, ako naman ay 4th year na.
I called our driver— Manong Rick para makaalis na kami. Agad namang binuksan noong iba namin'g kasambay ang gate para makalabas na ang sasakyan namin.
While on the road, I saw someone dm me.
engr.arceon: sol called me, you can go straight up to my room. ask manang for the keys. go get some books you need for this sem. i also pinned some notes in every book, feel free to use them, engr. tazea
Napangiti ako.
Tawag na sa akin ni Kuya Arceon ang Engineer simula noong first day of class ko. He said claim that title from the beginning.
***
"Time out muna!" Biglang sabi ni Dall sa gilid. Nagulat naman kami. "Kain muna tayo. Okay? We're here for almost two hour!"
Dabi roll her eyes and murmur something.
"Mata mo tumitirik. Baka hindi na 'yan bumalik sa dati!" Asar pa ni Dall. We agreed to take a break. I called some of our kasambahay para magdala ng pagkain. Hindi kasi kaya ng isang kasambahay lang ang maglalagay. Ang mga pinsan ko pa.
After some minutes, we eat. Not quietely, of course.
My cousins decided to unwind before the class start. Mamayang hapon ay pupunta kami ng Antipolo. We're going to Pinto Art Museum.
I enter our house to tell Kuya Tiago na pupunta kami sa Antipolo matapos naming kumain. I also texted Kuya Tevyn and he reply, mag-ingat daw ako.
Habang naghihintay sa sasakyan namin which is Van that owned by Kuya Onyx's family. Tapos na rin naman na sila mag-training so, diretso na sila sa car.
"Cielo! You know, Miel invited the hottest varsity player sa school nila Aryan!" At tumili pa si Dabi.
"Stop it, Dabi. Mas hot naman kaming mga pinsan mo kahit kanino mo itapat," Dall laugh, so do I.
"Stop it too, Dall. I don't want to loose my appetite," sabi ko. Nagtawanan naman ang mga pinsan ko.
Pinunasan ko naman ang pawis ko gamit ang panyo, inabot ko kay Dabi 'yung panyo kasi may pawis na rin siya kahit naka-tali 'yung buhok niya.
After few minutes, nakita ko na ang blue VW Combi ni Kuya Onyx hindi kalayuan. Ilang segundo pa ay pumarada na ito sa harap namin. I slightly slamed the door and I saw his crumbled face.
Kasunod ng VW Kombi ni Kuya Onyx, dala rin ni Roux ang Range Rover niya.
"Ang tagal mo. Ang init kaya rito!" Cielo hissed. Binuksan ni Dall 'yung pinto.
Naghati kami since tag-7 seats kada kotse.
Nasa biyahe kami at naka-play ang music na Unwell. Halos lahat kaming magpi-pinsan ay kumakanta at napapakanta. Nakarating na kami sa sinasabing Museum sa Antipolo at talaga naman napaka-ganda nito.
Nagtagal kami dahil sa pag-kuha nila ng mga pictures.
Nalibot namin ang Pinto Art Museum ng halos tatlong oras. Natagalan talaga kami dahil sa mga pag-picture nila Dabi at napag-desisyunan naman namin na kumain na rito.
Matapos ang ilang oras ay natapos namin ang araw na ito na masaya. Dahil magkakasama kami. Syempre, hindi kami papayag na wala kaming picture lahat. Nagpa-picture kami sa isang babaeng kanina pa nakatingin kay Nalem. Ito ang unang picture namin na hindi kami kumpleto. Wala kasi sila Kuya Arceon, Aryan at Miel.
Ngayon ay nasa biyahe na kami pauwi. Gabi na rin pala. Nagtext naman na ko kay Kuya Tiago at nagsend pa ng picture na kasama ko sila. Pati na rin syempre, sa isa kong Kuya.
Habang nasa biyahe kami at tumutugtog ang Huling El Bimbo ay binuksan ko ang bintana. Malamig at masarap ang simoy ng hangin pababa ng Antipolo. Kita ko rin dito ng bahagya ang city lights.
This is Life.
Napapikit na lamang ako at masayang dinadamdam ang hangin.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-hinto ng sasakyan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Pero nagulat ako dahil may nakatitig sa 'kin.
Isang lalaki.
Naka-motorsiklo siya. Pang-malakasang motorsiklo. Nakita ko mismo ang buong mukha niya dahil hawak niya ang helmet niya. Tinanggal niya siguro. Nagkatitigan kami. Katapat ko mismo. Napakunot ang noo ko dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.
Ang gwapo niya.
Medyo basa ang buhok niya, matangos ang ilong, mapulang labi at maputi siya. Nakita ko rin na may hikaw syang itim sa kanang tainga. He's wearing a black jacket but I kinda see a tattoo on his neck.
Naka-suot siya ng puro itim miski ang Raider niyang motorsiklo ay itim.
Ang gwapo ng dating niya..
Naputol lang ang pagtititigan naming dalawa nang maunang lumiko ang sasakyan namin. Bago makalayo ay isinarado ko na ang bintana.
Weird.
But, I think I know him.