KABANATA 7

1629 Words
7. "Gio, sorry for the trouble," sabi ni Kuya Tiago. Pababa na ako ng hagdan at papasok na sa E-aston. Gio is also here. I greet Kuya Tia and kiss him in his right cheek. "Wala 'yon. On the way din naman ang pupuntahan ko," sabi ni Gio. I didn't mind him dahil ayokong masira agad ang araw ko. Inayos ko na ang gamit ko at lalabas na sana kaso hinabol naman ako ng isang 'to. "Good morning, Elle," bati niya. I look at him knowingly na naka-ngisi na naman siya. Nilagpasan niya na 'ko. "Kay Gio ka sasabay, Taz. May sakit si Manong Rick so I told him to get rest muna." Napatingin ako kay Kuya Tia. Nakita ko rin na pababa na si Kuya Tevyn. Mukhang kakagising lang niya. "Kay Kuya Tev na lang po ako papahatid," sabi ko at agad na lumapit kay Kuya Tevyn. Inangkla ko na agad ang kamay ko sa kaniya para pumayag agad. Nakita ko si Gio na nasa pintuan, naka-sandal sa gilid at hawak-hawak ang susi ng kotse niya. Kuya Tev kiss the side of my forehead. "Wala pa 'kong tulog. Kakauwi ko lang din, kay Gio kana sumabay," saad niya. Sumimangot ako at nakita nila Kuya 'yun. "Pa-cute ka pa, bawi na lang ako. Sige na, male-late ka. Hindi ka naman kakainin ng buhay niyan ni Gio, takot lang n'yan sa'kin." I heard Gio's laugh. Tinaboy na 'ko ni Kuya kaya wala talaga akong choice. Naglakad na ako at nilagpasan si Gio na mukhang nagbabalak na naman na sirain ang umaga ko. While on the road, agad kong binuksan ang earphone ko. I pressed the maximum volume so I can't hear him even his breathing. Tahimik ako nang ilang minuto nang hatakin ni Gio ang left earphone ko. "Tangina, salita ako nang salita naka-headset ka pala," sabi niya. "Ba't aayaw ka pa kanina? Ihahatid na nga kita. May sakit kasi si Manong, kaya sabi ko kay Tiago ako na maghatid sa'yo." "Thanks." I look out at the window. "Wala man lang expression 'yung mukha mo? Kahit ngiti man lang?" Natatawa niyang sabi. "Hindi ka talaga palangiti?" "Mukha ba 'kong palangiti?" "Hindi. Gagi, ngumiti ka naman. Baka tumanda ka ka-agad niyan!" Tawa niya. "Ngiti ka naman para maganda rin 'yung araw ko. Kasi muntik mo na nga 'ko masaksak kagabi. Grabe, 'di ba? Tapos hindi man lang nag-sorry." Iiling-iling siya habang pumapalatak. Kasalanan ko pa ngayon? Nakatulog kasi ako kagabi sa sala kakahintay kay Kuya Tevyn dahil ilang araw na siyang hindi nakakauwi sa'min at sabi rin ni Kuya na kakain kami sa labas pagkauwi niya. Hanggang sa nakatulugan ko na kagabi habang gumagawa rin ako ng activities. Ayoko kasi sa kwarto o 'di kaya sa study room maghintay dahil mas lalo akong aantukin so I decided to do my things sa sala. Naka-idlip na ako at naalimpungatan nang may isang lalaking nag-buhat sa'kin. Naramdaman kong hiniga niya ako sa sofa, akala ko si Kuya Tevyn dahil siya lang naman ang hinihintay ko. Kaso naramdaman ko na papalapit 'yung mukha niya sa'kin kaya napadilat ako! Good thing I slept holding a ballpen and I almost stab that person. Nang magising ng buo ang diwa ko ay doon ko lang nakita na si Gio ang nagbuhat sa'kin at lumapit! Nakailag siya sa ballpen ko at mukhang in shock dahil napaupo siya. "Tangina! Muntik mo na 'ko masaksak!?" He said histerically. "B–bakit mo kasi ako hahalikan?!" Sigaw ko rin. "Ba't naman kita hahalikan!?" "Lumalapit na nga 'yung mukha mo!" Tumayo ako at naghabol ng hininga. I swear! I freaking hate this guy to extent! "Anong lalapit? Aayusin ko lang naman sana 'yung mukha mo at kukuha ng unan!" Saad niya. Nakaupo pa rin siya sa sahig. "Tangina. Muntik mo na masira mukha ko." "Edi dapat 'di mo na inayos!" "Tapos kinabukasan, sasakit 'yang leeg mo na isisisi mo sa'kin dahil hindi kita nilagyan ng unan?!" Para kaming mga bata na nagsisigawan. Nakita ko tuloy si Korina na galing sa quarters. Siguro ay narinig niya ang sigawan namin nitong Gio na 'to. "Ma'am Taz, Sir Gio, mawalang galang na po pero tulog na po ang mga tao. 'Wag po sana tayong maingay, baka magising din po sina Sir at Madam. Ano po bang problema?" Korina ask while her left eye is still close. "Go back to sleep, Korina." 'Yun lang ang sinabi ko, tumango naman siya at umalis din. Fudge. This effin guy! Sinamaan ko ng tingin si Gio. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakailag siya sa ballpen ko. Ako naman ay dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. "Ang galing ko umilag. Tingin ko may super powers ako," kalmadong saad ni Gio pero muntik ko nang mabugha ang iniinom ko. What a weido tattoed guy. Nang mahismasmasan ay hinayaan ko na siyang mag-isip kung may super powers ba siya at umakyat na ako sa kwarto para ituloy ang tulog ko. "Mag-sorry ka muna," pilit ni Gio ngayon. Ayaw niyang buksan ang pinto ng sasakyan niya. Mag-sorry daw muna ako dahil sa nangyari kagabi, kung hindi raw sa super powers niya ay baka sira na ang mukha na iniingatan niya ngayon. "Bakit naman ako magso-sorry? E, hindi naman nangyari, 'di ba? Hindi naman natuloy," sabi ko. I think the essence of the word sorry is over used. For me, saying sorry is when you really feel sorry. Hindi ko 'yun magagawang sabihin kung alam ko naman ang nangyari and there's no accident to say sorry about. Saying sorry is big deal for me. Every word for me is big deal because I value what I meant to say. Every word can affect each one. "Hindi ka makakababa," pagmamatigas niya. Nasa harap na kami ng school ngayon and he's being a jerk! Why would I even say sorry to something I never did and never happened?! "'Wag mong hintayin na basagin ko 'tong bintana ng sasakyan mo para makalabas ako," I simply told him. Kahit hindi ko alam kung paano mangbasag. He look at me with his lips is kinda open. He didn't expect me to say that, huh? "Isang sorry lang naman, 'di mo masabi? Grabe ka talaga Tazielle," amuse is on his voice pero kahit ganoon ay binuksan na niya sa wakas ang pinto ng kotse. "Mapapasabi rin kita no'n isang araw!" Sumigaw pa siya. Napatingin tuloy ang iilang estudyante sa kaniya. Hindi ko na hinintay na umalis ang kotse niya, I run so fast inside the E-aston. What a great start of the morning. "Taz!" Biglang singit ni Roux sa gilid ko. "Bakit naka-kunot noo ka?" "You look freaking annoyed. What happened?" Sabi ni Evan. Roux and Evan are wearing their basketball attire. I just shook my head and begin to walk again. Both of them are on my side. "Nothing. Nakakasira kasi ng araw dahil may asungot," saad ko na lang. "Who's asungot?" Roux ask. Hindi ko na siya sinagot. Sabay-sabay na kaming naglakad papuntang building ko since malapit doon ang gym kung saan sila nagpa-practice. They were talking about some things nang bigla akong hawiin ni Evan. Muntik na 'ko matamaan ng bola. Evan and Roux are worrying about me. Hindi naman ako nasaktan so I think I'm fine here. Tinignan ko kung nasaan kami, nandito na pala kami sa tapat ng field kung saan naglalaro ang ibang soccer players. May isang lalaki ang papalapit sa'min. "I am really sorry," he said with a warm tone and look at me. "Are you okay? Dalhin kitang clinic? Hospital?" I was about to answer when Roux interupt. "She's okay, Marasigan. Go back to the field." This guy that Roux who called Marasigan looks at him and smile. "Chill, man. I am just asking her." "Okay siya. Una na kami," sabi naman ni Evan. Napalakad na lang din ako nang maglakad na rin sina Roux at Evan. I didn't bother to look at the guy again since wala namang conflict. Nagpaalam na 'ko sa kanila dahil sa 3rd floor pa ang room ko. Hindi na rin naman na sila nagsalita after nu'ng muntik na 'ko matamaan ng bola sa field. After my 1st subject, I decided to be at the library since may vacant ako ng 2 hours. I need to review. Nang makalabas na ako ng room, there is a guy na nakaharang sa harap ko. "Excuse me," I said habang hinahanap din ang phone ko sa bag. Kaso hindi pa rin umaalis 'tong lalaki so I look at him only to found out this is the guy from the field. "I know your cousins told me you were okay, but my conscience can't take it, can I treat you instead?" He said. "Why?" "Because I owe you," sagot niya. He's wearing a white rounded neck shirt and a varsity short. He got a white towel around his head. "No. It's o—" "I don't take no as an answer. I almost hit you and we don't know what could've happen," he smiles again to me. He looks at me for a seconds. "Tell me when you're free." "I appreciate the gestures but I'm really okay. I can give you a medical certificate if that really bothers you." His right hand landed on the side of his hips. He gently laugh. Tinakpan niya ang bibig niya gamit ang towel na nasa ulo niya. I think he always smile? "God, you really amaze me," he whispers then his phone ring. "I gotta go. Message me when you're free. See you, okay?" Nauna na siyang umalis. Hindi na 'ko naka-imik pa. Naglakad na rin ako papuntang library para mag-aral. Umupo ako sa banda ng mga med student dahil mas kaunti ang tao ngayon dito. I placed my things and check my phone since I got a notification. kazu_mrsgn: hey :)))
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD