KABANATA 6

1476 Words
VI. "Taas ng lagnat niyan kanina. Tangina, tigas ng ulo. Manang-mana sa'yo," rinig ko ang boses ni Gio at ang mahinang pagtawa ni Kuya Tev. "Kung hindi pa nagpass out, ipipilit niya talaga sarili niya na pumasok." "Gano'n talaga 'yan. Walang sakit-sakit basta makapasok lang. Ayaw na ayaw nyan um-absent, gago." "Tanginang 'yan. Hindi naman siya robot." "Pero salamat ulit, tol," sabi ni Kuya Tevyn. "Baba lang ako. Tatawag lang ako sa shop." Dinilat ko nang dahan-dahan ang mata ko. Medyo nasilaw pa ako dahil bukas na bukas ang malaking bintana ng kwarto ko, tagos ang sikat ng araw. What the hell am I doing here? I think there are two blankets that hugs my body. May kool fever na rin sa noo, ramdam ko rin na naka-jacket na ako, panjama at medyas. My eyes feels hot and dry so I blink few times slowly. My mouth also feels the same. The last time I felt this was when I was in high school and was absent for a week. My body ache is kinda subsided. "Gising kana pala," biglang singit ni Gio sa gilid ko. He's wearing a oversized white shirt and brown cargo pants now. His oversized shirt is kind of a thin fabric kaya bakat ang mga tattoos niya. His hair is pushed back but messy. He's also wearing black necklace with little crystal as it's pendant. "Musta pakiramdam mo?" He ask. I turn my gaze to the other side where my windows are fully opened. "Binuksan ko kanina, para naman kahit paano maarawan ka. Sobrang putla mo." I shut my eyes for a seconds to feel the light but I can't stand it since masakit sa mata. "Pakisarado na. Masakit sa mata," I almost whisper to him. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Agad na hinawi ni Gio ang kurtina. It's more relaxing without the lights. "Thank you." We're both silent for a minute. I feel him sit down at edge of my bed. "Tubig ka muna," he suddenly said. Dinilat ko ang mga mata ko. He's giving me a tumbler and it has a steel curved straw. Tatayo sana ako pero agad na niya'ng nilapit ang tubig sa'kin. I sip at it and it's definitely refreshing. Nilapag niya sa bed side table ko ang tubig matapos kong uminom. Hindi ko na siya nagawa pang matignan ulit because I doze off again to sleep. *** "Evan, saan ka bukas?" Tanong ni Kuya Onyx. "Baka wala kana naman sa outing?" "Sasama ako." We're here at Dabi's house, roof deck to be exact. Dito namin nagpagisipan magkita-kita magpipinsan ngayong gabi at mukhang dito na rin ako matutulog. We're having fun here. Some of the boys are playing billiards and us, girls, are just chilling with our wine. Just a simple get together night. "Taz, baka may gusto kang puntahan? You suggest this time!" Sabi ni Dabi. "Anywhere naman, g tayo!" "Kayo na bahala, okay lang sa'kin kahit saan." Totoo. As long we're enjoying and safe to that after-exam vacation. This has been our routine since when majority of us started college. Midterms and Finals are our escape. We tried going to the beach, hikings and stuffs. "Aryan, what about you?" Cielo asks. My cousins talks about some places and more so I decided to drink water down stairs. Tumayo muna ako at dumiretso na ng hagdan. It's been 2 weeks when I got sick. Kuya Tia reminded to unwind and not push it hard as of the moment. My midterms also ended. Nang gumaling ako, ang daming lecture ng mga Kuya ko. Sa dami nilang tanong, hindi ko na ma-absorb. Pati ang mga kasambahay namin ay ganoon din. Umiinom na rin ako ng prescribed vitamins for my immunity. "Elle," napapitlag ako ng mahina nang tawagin ako. Isa lang naman ang tumatawag no'n sa'kin. I look at him at nilagpasan siya papuntang kusina nila Dabi. "Oy, wala ka man lang bang sasabihin?" Sumandal ako sa sink habang naglalagay ng tubig sa baso. "Ano naman ang sasabihin ko?" I ask him. "Ikaw, ano ba dapat sasabihin mo sa'ken?" Mabilis kong tinungga ang tubig sa baso atsaka 'yun nilagay sa lababo at hinugasan. Nakasunod pa rin 'tong lalaki na 'to. "Grabe. Hindi ka man lang ba magpapa-salamat?" Gio somehow smirk. "Kung hindi kita nasalo ro'n malamang ay tumama na ang ulo mo." Ano ba'ng gusto nitong iparating? Na dahil sa kaniya kaya, nadugtungan ang buhay ko? "Ano? Wala pa rin?" He ask again. His tattoos are showing off. He's wearing a semi fitted denim pants, black polo, white round-neck that tucks in and a pair of old skool vans. "Tsk. Tara na nga, pinapasundo kana ng Kuya mo," banas niyang sabi at naunang lumabas ng kusina. Doon ko lang napagtanto na bakit nandito siya. Sumunod na rin ako sa kaniya at nakita kong kausap niya ang iilan kong pinsan na lalaki. Bumalik ako sa taas para magpaalam sa girls. "I won't be staying here tonight. Pinasundo na 'ko ni Kuya," sabi ko nang makalapit. "Sino nagsundo, Ate Taz?" Tanong ni Aryan. "Si Kuya Tev ba?" "Nope. A dear friend of Kuya Tevyn." I bid my goodbye to them. Inaantok na rin naman na 'ko. Sa tingin ko rin ay makakapag-decide rin naman sila bukas niyan. I'm good at anywhere, anyways. Bumaba ulit ako. Gio excused us from our cousins. Nang makarating kami sa sasakyan niya. Agad niyang tinapon 'yung sigarilyo na hawak niya na hindi pa naman niya nagagamit. I saw him sprayed alcohol to his palm at binuksan ang door ng shot gun seat. Pumasok na ako roon. Sumakay na rin Gio at sinimulang mag-maneho. "May boyfriend kana?" Bigla niyang tanong. Weird nito. I shook my head and look at the window. "Buti naman. 'Di bagay sa'yo may shota." Doon ako napatingin sa kaniya. "Ano?" "'Di bagay sa'yo. Masungit ka masyado, baka walang tatagal sa'yo," bahagya siyang natawa. I scoff at him. Ang pointless ng mga lumalabas sa bibig nito. "Graduating kana, 'di ba?" He ask then I simply nod. "Ilang taon kana nga?" "22." "Ano course mo?" "Engineering." "Sa E-aston din?" "Oo." "Tangina. Hirap mag-build ng usap sa'yo, 'no? Isang tanong, isang sagot," rinig ko sa boses niya ang pagkakairita. Problema nito? At least nga sinasagot ko tanong niya. "Laki ng pinagbago mo, dati bulinggit ka lang tas ngayon pota." "Malamang. Ano ine-expect mo magiging sanggol ulit ako?" "Gusto mo maging baby?" He teased. "Maging baby ko, gusto mo?" I look at him, disgusted. Ang lakas ng tawa niya. Baliw na yata 'to. "Kung makatingin ka naman, parang hinusgahan mo na pagkatao ko," singit niya habang tumatawa pa rin. I shook my head and look at the window. Grabe. Mas naging maingay 'tong kaibigan ni Kuya ngayon. "Pero seryoso. Laki ng pinagbago mo." His voice sounded a little serious. "Bakit ba? Alangan mag-stay ako sa pagiging bata?" Iritado kong sabi. "Hindi. Ibig kong sabihin— 'di bale na nga lang! Sungit mo." "Malamang magbabago ako, I am already 22 just so you know Kuya Gio." "Kuya amputa, 'di naman kita kapatid. Ayoko kitang maging kapatid 'no!" "Hindi ko rin naman gusto maging kapatid ka," I said with heavy sighs. Akala naman nito gusto ko siyang maging kapatid? It's weird! I don't like having another Kuya. Sumasakit na ang ulo ko sa dalawa, dadagdag pa siya? No way. "Kung maka-ayaw ka rin parang lugi kapa ah? Malas mo nga sa dalawa mong Kuya, e." "Malas din naman nila sa'yo kasi may kaibigan silang panget," atas ko at saka bumaba ng kotse niya dahil nasa harapan na kami ng gate. 'Di ko na hinintay na ipasok niya pa ang sasakyan niya. Nakakakulo siya ng dugo. I march going in to our house. "Oh, what's the problem?" Hindi ko na napansin na nasa harap ko na pala si Kuya Tiago. "Bakit naka-kunot noo ka?" I unconciously hold my head and relax my eyebrow. "Nothing po. Tulog na sila Mom and Dad?" "Yes. Sorry, si Gio muna 'yung pinagsundo ko sa'yo. Kakauwi ko lang din, si Tev nasa Binondo pa." I shrug. "It's okay, Kuya. Akyat na po ako. Goodnight, Kuya Tia." I kiss him in the right cheek. He slightly crumble my hair. "Gio, thanks for fetching her," biglang sabi ni Kuya. 'Di na ako lumingon, maba-badtrip lang ako lalo. "No prob. Pero kahit isang 'thank you' na lang din ni Elle, okay na." Pahakbang na ako ng hagdan paakyat sana sa kwarto ko kaso narinig ko si Gio. Si Kuya naman 'yung nanghingi ng favor, bakit ako? "Taz?" Pagtawag ni Kuya Tia. I turn my back to them. Kuya is looking at me, waiting for me to say something. Kuya arch his one eyebrow. Tinignan ko si Gio. Ang laki ng ngisi niya. Hindi lang kita ni Kuya dahil nakatalikod siya sa kaniya. Nakakainis. I want to rest na rin. I fake smile at him. "Thank you Kuya Gio."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD