PROLOGUE
Naranasan mo na ba yung mareject ng paulit-ulit? Yung tipong harap-harapan ka ng pinagtatabuyan?
Ako? Sanay na ako dyan. For the last four years ng buhay ko halos araw-araw kong nararanasan na tanggihan at ireject.
Minsan nga umabot pa sa point na napapahiya na ako sa harap ng maraming tao, nagmumukha na akong tanga. Pero lahat yun ay okay lang. Wala eh, nagmamahal ako, kaya lang yung mahal ko, pinagtatabuyan ako.
Lahat halos ng katangahan ginawa ko para sa lalaking yun. Kahit na paulit-ulit akong nasasaktan. Iiyak lang ako saglit tapos ngingiti ulit at magpapakatanga na naman. Sabi kasi ng papa ko bago sya bawiin ni Lord, Habang may buhay, may pag-asa. Yun lang naman yung pinanghahawakan ko.
Pero syempre, tao lang ako. Napapagod. Akala ko kaya kong tiisin lahat para sa kanya. Akala ko talagang may pag-asa pero kahit anong pilit ko, Wala talaga.
I get tired of running after the man I love but can't love me back. May expiration din pala ang pagiging martyr noh? Akala ko na pagkatapos kong makapag move on ay magiging okay na ako.
Pero akala ko lang pala. Kasi after I distant myself to him magpapakita sya sa akin saying those words that made me want to run on his arms and hugged him tight.
"Want you back Mahal."
LEGENDARIE