Continuation... "You're so naughty huh." Bulong ni Ethan sa akin habang nakangising iginigiya ako. Hindi ko man alam kung saan kami pupunta ay hinyaan ko na lang siya. "She deserves that. You're mine." Naiinis na bulong ko at kumapit na sa kanya. Lalong lumaki ang ngisi ni loko at natatawang ginulo ang buhok ko. "It sounds so hot coming from you." Kinindatan pa ako ng loko bago kami umakyat sa hagdanan na hindi ko alam kung saan patungo. Medyo kumo-konti na ang mga tao sa paligid. "Saan tayo pupunta Ethan?" Hindi siya nagsalita at patuloy pa din sa paglalakad. Lakad takbo na ako dahil hindi ako makahabol sa lakad niya. Ang haba kaya ng biyas ng lalaking ito. Naapakan ko ang dulo ng gown na suot kaya naman muntik na akong matalisod, mabuti na lang at naalalayan niya kaagad ako. "Caref

