Asul na asul ang kulay pa rin ang langit terno sa kulay ng dagat, It was a warm day. Pino at puti din ang mga buhangin na tinatamaan lang ng alon. Napayakap ako sa sarili ng umihip ang hangin. Malamig ang simoy ng hangin, i looked at my watch at ala-singko na ng hapon pero nakatitik pa din ang araw. Pinaglaruan lang ng paa ko ang pinong buhangin, masarap ito sa pakiramdam. "What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap." May yumakap sa likuran ko at hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ito. It's Ethan amoy at boses pa lang niya ay tumitibok na ang puso ko. "Ang sarap kasi ng hangin dito mahal." Humarap ako sa kanya para makayakap. Mas humigpit ang pagkakayapos niya. "It's a cool place right?" Tumango ako at dinama ang dibdib niya, rinig ko ang pagpintig nito. Kasal

