ETHAN "Why didn't you play yesterday? Championship kahapon Ethan!" Napaangat ang tingin ko kay coach na naka pameywang sa harap ko. "I know. I watched Yna first." Itinuloy ko ang pagtitipa sa keyboard ko. I texted mahal. Miss na miss ko na kasi sya e. Lately, mukha na lang nya yung gusto kong makita e. Baliw na yata ako. Hindi ako naglaro dahil mas inuna ko syang panooring maglaro. "Ethan! Kailangan ka ng team! Ikaw ang team captain! Bakit ba inuuna mo pa ang babae mo!?" Sa tono pa lang ng pananalita ni coach ay alam kong naiinis na sya. Naiiling na tumayo ako para makapantay sya. "They don't need me. My Yna needs me." Nasapo nya ang ulo at tumingin sa akin ng hindi makapaniwala. "Babae na naman! Umayos ka Ethan!" Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na napapatingin na sa amin ang

