3 weeks had passed. Aaminin ko na hindi ganoon kadaling mag move on. Apat na taon ko syang minahal kaya hindi sapat ang dalawang linggo para makalimutan sya. "Iha, kumain ka na anak, para makapasok ka na sa eskwela mo bukas." Napalingon ako kay mommy na may dalang tray ng pagkain. Isang linggo lang ang itinagal ko sa hospital. Actually hit and run ang nangyari sa akin. Buti na lang sinundan kami ni Harvey kaya nakita nya ako. I'm so lucky at nakita nya ako dahil hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin kung Hindi nya kami sinundan. Hindi naman malala ang natamo ko. Medyo napuruhan nga lang ang paa at braso ko kaya nahirapan akong kumilos. Nagka damage ang kaliwang paa ko kaya iika ika akong maglakad. May kaunting galos din ang ilang parte ng katawan ko. Laking pasasalamat ko

