Ala-singko pa lang ng umaga ay gising na gising na ako. Actually, hindi naman ako natulog. Tinawagan ko kasi si Ethan mahal ko magdamag. Naghintay din ako ng text nya at tulad ng inaasahan ay walang kahit na anong text na nanggaling sa kanya.
Kahit mga barkada nya ay kinukulit ko kaya lang ay wala akong makuhang matinong sagot, yung iba naman ay ayaw magreply. Mga poor! Walang mga load! Hmp!!!!
Bumangon na ako at naghilamos pero montik na akong maiyak ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Gosh! Ang laki ng eyebags ko! Anniversary pa naman namin ngayon.
Pero okay lang, alam ko naman na maganda pa din ako hehe. Dali-dali akong bumaba at inayos na ang mga gagamitin para sa lulutuin ko. Magluluto lang naman ako ng kare-kare, paborito yun ni Ethan mahal. Syempre special ang kare-kare ko dahil with love. Oha?
---
Luto na ang kare-kare at menudo na niluto ko. Favorite ko kasi yung menudo. Dumating na din yung inorder kong dalawang box ng pizza. Kinuha ko na din sa ref yung cake na pinagpuyatan kong i-bake kahapon. Nakabili na din ako ng regalo para kay mahal.
All in all ay ready na lahat. Pati ako dahil talagang nagpaganda ako ng bongga para sa araw na 'to. Kaya naman lumabas ako sa condo unit ko ng may ngiti sa mga labi. I'm so excited! May surprise pa ako sa kanya mamaya.
Pagbaba ko sa lobby ay sandamak-mak na lalaki ang nagpe-presinta na tulungan ako sa pagdadala ng mga gamit na dala ko But of course i refused it. Kahit mabigat ang dala ko ay kaya ko naman. Ganda ko talaga. Hihi!
Mga 30 minutes drive pa papunta sa condo ni mahal. Dapat nga ay dun din ang condo ko sa Stevens Bldng. na syang pagmamay-ari nila mahal. Ethan Trevor Stevens is his whole name. Sosyal noh? Half Spanish kasi ang papa nya.
Kaya lang ayaw pumayag ng mama ko na sa Stevens Bldng. ako tumuloy dahil gusto nya ay kasama ko ang mga pinsan at mga kuya ko sa Hadrian Tower.
Pagmamay-ari ito ng lolo ko. Halos lahat ng nasa Building na yun ay mga pinsan at kamag-anak ko. Hanggang seventh floor yun at hanggang third floor yata ang sakop naming magkakamag-anak.
--
Nang makarating ako ay agad kong pinark ang kotse ko at nagmamadaling bumaba. Pagpasok ko palang sa lobby ay ngiti na agad ng mga staffs ang bumabati sa akin. Kilala na ako dito as Ethan's girlfriend at madalas akong dumalaw dito. Halos araw araw. Kulang na nga lang ay dito ako magtira.
Pagpasok ko sa elevator ay napangiti agad ako. Akalain mo nga naman na apat na taon na kami? I mean walang 'kami' para sa kanya. Naalala ko pa nung first anniversary namin Grade 9 ako that time at nagkataong may program sa school namin at saktong intramurals.
At dahil makapal nga ang mukha ko ay kumanta ako sa harap ng buong school at binati sya ng 'Happy Anniversary Mahal'
Lalo syang nagalit sa akin nun at lalo din akong iniwasan, kesyo ang kapal daw ng mukha ko at nakakahiya daw yun.
Nung second anniversary naman namin ay dinamay ko pa ang buong dance troup sa kabaliwan ko, ayaw nga nilang pumayag dahil nakakahiya daw pero at the end ay napapapayag ko din sila. Syempre ang ganda ko kaya.
Nagsayaw lang naman kami sa ilalim ng tirik na araw sa may plaza habang isa-isang nag lalabas ng mga illustration board na may naka sulat na 'Happy 2nd Anniversary Mahal'
I text him para pumunta sya kaya lang kasama nya ang girlfriend nya. Yung totoo nyang girlfriend. Dun ko kasi sya unang nakita kaya special ang plaza na yun para sa akin. Ang reaksyon nya? Mas malala dahil sinigawan nya ako sa harap ng madaming tao, anong sinabi nya?
'What the f**k is the meaning of this s**t? Ynna please stop it. Hindi naman tayo at kahit kailan ay hindi magiging tayo kaya wag kang mag-assume. Don't be so selfish wake up ! Ayoko sayo! Kaya tigilan mo na 'tong kabaliwan mo'
ako? Naiwang laglag ang balikat at pinipigilang umiyak but of course i managed to smile and say thank you sa mga audience. Martyr noh?
Worth it naman dahil nakatanggap ako ng text galing sa kaibigan ko na break na sila nung girl.
At dahil ako si Katherynna Hadrian ay hindi ako nagpapigil. Sa third anniversary namin ay hinarana ko sya sa harap mismo ng bahay nila. Gulat na gulat nga yung grandparents nya.
Pero sobrang natuwa sila sa akin. Kaya lang si Ethan ay binigyan ako ng Cold treatment.
Pati daw grandparents nya ay dinamay ko pa, bakit nya pa daw kasi ako nakilala, sana daw mawala na lang ako kasi nakakahiya daw ang mga pinaggagagawa ko at tantanan ko na daw sya dahil wala daw akong mapapala mula sa kanya.
Masakit, oo. Aaminin ko na sobrang sakit. Akala ko nga sanay na ako dahil paulit-ulit nyang sinasabing ayaw nya sa akin at di nya ako magugustuhan pero nandun pa din pala yung sakit.
Kaya nga simple na lang ang celebration namin ngayon dahil ayaw ko ng may marinig na kung ano galing sa kanya.
Isa pa, Second year college na ako, nakakahiya naman kung may mga pakana na naman ako. Ngayon ko nga lang narealized na nakakahiya nga ang mga pinaggagagawa ko noon.
*ting*
Halos liparin ko na ang daan patungo sa unit nya ng bumukas ang elevator. Namiss ko ang mahal ko. Alam ko na alam nya na ise-celebrate ko ang araw na 'to kahit ayaw nya.
Lalong lumapad ang ngiti sa aking mga labi ng makarating ako sa tapat ng unit nya. I entered the passcode.
112018
11 is his birthday
20 is our anniversary
And 18 is my birthday.
Galit na galit sya nung time na pinalitan ko yung passcode nya. Pakialamera daw ako. But i don't mind. Ilang beses din nyang binago at ilang beses ko ding pinalitan. Pero at the end ay ako pa din ang panalo.
Pagpasok ko pa lang ay nagkalat na mga damit ang bumungad sa akin. Hindi ba sya nagpa laundry? Ibinaba ko muna ang mga dala ko at isa-isang pinulot ang mga ito.
Pero ganun na lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng may mapulot akong isang halter red dress, may namataan din akong heels sa taas ng lamesa. Unti-unti akong nanghihina sa realization na may babae syang iniuwi dito.
Alangan naman na sya ang nagsusuot nun diba? Napaupo na lang ako sa sofa. Ang sakit. It's not the first time pero masakit pa din. I remembered nung first time ko syang nahuli na may ka make-out sa CR ng school back in highschool. Nagdilim ang paningin ko at sinugod ko sila.
But wrong move. Nasampal lang nya ako dahil nakalmot ko yung babae nya. Dalawang araw akong absent dahil dun.
I just sighed. Enough of this drama. Magse-celebrate pa kami ng mahal ko. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at dumiretso sa kwarto nya.
Another wrong move because i saw him with this some random girl laying on bed ... Naked.
Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Ang sakit! Pero mas masakit ang sumunod nyang ginawa. Dumilat sya at lumingon sa kinaroroonan ko. Anong reaksyon nya? Wala! Nakatingin lang sya sa akin na parang wala lang.
Sabagay, wala lang naman talaga iyon para sa kanya. Pero iba para sa akin. I just composed myself at dahan dahang ngumiti sa kanya.
'Happy Fourth Anniversary Mahal'
LEGENDARIE