YLODIA "Anong ginamit mong panakot diyan, bes? Diyos ko! Malalaglag ata panty ko. Hindi ako informed. Napaka guwapo pala ng asawa mo, kaya pala nagpakasal ka bigla." Natatawa na lang ako sa pinagsasabi ni Cathy. Hindi niya maitago na kinikilig siya kay Callum. Panay ang sulyap niya dito. Nasa palaisdaan kami ngayon at namimingwit ang asawa ni Tiya Menggay. Parang batang tuwang-tuwa si Callum kapag nakakahuli ng isda ang maliit na lambat ni Tiyo Cesar. Nakaupo lang kami nila Mama sa kubo at hinihintay na maluto ang kanin. Dito kasi kami manananghalian. Nag-iihaw na rin ng isda si Daniel. "Tumigil ka nga nakakahiya. Baka marinig ka." saway ko. "I can't help it bes. Alam ko namang weakness ko ang gaya niya. Pwede ko ba siyang piktyuran? Ipopost ko lang sa myday ko?" "Huwag k

