bc

SECRETLY MARRIED TO MR. CASANOVA (FATED LIES)

book_age18+
445
FOLLOW
4.8K
READ
love-triangle
HE
opposites attract
sweet
campus
like
intro-logo
Blurb

Ylodia,an old-fashioned and androphobic woman never imagined she would end up secretly married to the university's most notorious playboy-Callum,aka Mr. Casanova.

What was supposed to be a fake marriage-caused by Callum's mother-turns into something dangerously real when emotions get involved.

Callum swore he'd never fall in love,Ylodia swore she'd never trust a man like him.

But secrets don't stay hidden forever.And when the truth comes out,will their love survive,or will it destroy them both?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Katatapos ko lang magdasal nang makarinig ako ng mga katok sa pintuan. Tiningnan ko ang aking relong pambisig. Alas nuebe na ng gabi. Medyo maaga ngayon ang uwi ni Mama.Kadalasan ay tulog na ako kapag umuuwi siya. May sarili siyang susi sa apartment namin kaya hindi ko na kailangan pang pagbuksan siya ng pinto kapag dumarating siya. "Ylodia, tulog ka na ba?"mahina ang boses na tanong ni Mama. Kumunot ang aking noo. May sasabihin kaya siya sa aking importante? Isinabit ko muna sa leeg ko ang rosaryo na ginamit ko sa pagdarasal. Hindi ito dapat mawalay sa akin.Regalo sa akin ito ng namayapa ko nang abuela. Naghihikab pa ako ng buksan ko ang pintuan. "Patulog na po ako, Ma." sagot ko. Tiningnan ko si Mama. Sa edad niyang kwarenta ay bata pa siyang tingnan. Maganda siya at mestisahin. Hindi kami magkamukha. Namana ko sa namayapa ko nang ama ang lahat ng features ko maliban sa kutis ni Mama. Ang kulot kong buhok ay kay Papa ko din nakuha. Matangkad si Mama at balingkinitan samantalang ako ay medyo may kalusugan, mabigat tingnan lalo pa at hilig ko ang pagsusuot ng mga mahahabang palda at bestida. Mabuti na lamang at hindi pinapakialaman ni Mama ang taste ko sa damit. Alam kasi niya na yun na ang kinasanayan ko dahil laki ako kay Lola sa probinsya. Kamakailan lang ako sumama sa kanya dito sa Maynila. Three months ago ay namatay si Lola dahil sa sakit sa puso. Ayaw ko sanang sumama kay Mama pero pinilit niya ako. Hindi naman ako naninibago kay Mama, madalas din naman kasi siyang umuwi noon sa probinsya kapag wala siyang trabaho kaya nagkakasama naman kami.Ayaw ko kasing iwan ang alaala ni Lola. Wedding coordinator s***h wedding singer pala siya. Simula noong mabiyuda siya noong tatlong taong gulang pa lang ako ay yun na ang pinasukan niyang trabaho. "Labas ka muna at may ipapakilala ako sa yo." nakangiting sabi ni Mama. Nagtaka ako kung sino yon. Gabing-gabi na bakit nagdala pa siya ng bisita sa bahay? Nagtataka pa ring sinundan ko si Mama sa sala. Nadatnan kong nakaupo sa sofa ang isang lalake na sa tingin ko ay nasa mahigit singkwenta na ang edad. Matangkad at matipuno ang pangangatawan niya. May itsura siya at halata sa pananamit na may sinasabi siya sa buhay. Kahit ang medyo maputi na niyang buhok ay maayos ang pagkakagupit. Mukha siyang kagalang-galang. Tumayo ang lalake ng makita niya akong papalapit. Nakangiti siya kaagad sa akin. "Good evening, lovely lady." bati niya sa akin. Muntik na akong masamid. For the first time in my life may nakapagsabing lovely sa akin hehe. Pero agad kong pinalis ang ideyang yun sa utak ko. Ang mga lalake ay bolero. Yun ang turo sa akin noon ni Lola. Gayunman ay gumanti na lang ako ng ngiti. "Magandang gabi din ho." sabi ko. "Ylodia anak, siya ang Tito Edward mo,ang fiancé ko." pakilala ni Mama sa lalake. "Honey, siya yung kaisa-isa kong anak, si Ylodia." Fiancé? Ibig sabihin ay magpapakasal sila. Hindi na ako nagulat. Alam kong ligawin si Mama dahil nga maganda siya.Matagal ko na ring natanggap sa sarili ko na sooner or later ay mag-aasawa ulit siya. Kaya hindi na ako nagulat. " Ikinagagalak ko po kayong makilala, Sir-...ay T-Tito Edward." Nagulat siguro siya dahil mabilis ko siyang tinanggap, karaniwan kasi sa ganitong sitwasyon ay mahirap tanggapin ng mga anak ang kanilang magiging stepdad o stepmom. Bagama't laki ako sa probinsiya ay hindi naman ako totally old fashioned mag-isip. Siguro sa pananamit lang ako makaluma. "Well, thank you very much hija." nakangiting sagot ni Tito Edward. "See? I told you matatanggap ka kaagad ng anak ko." natutuwang sabi ni Mama. Napapikit ba lang ako ng makita ko silang maghahalikan. "Saan ka galing?" Linggo ngayon at maghapon ako sa simbahan. Kinausap ko doon ang mga madre at nag tanong-tanong kung masaya ba sila sa pinili nilang buhay. Pangarap kong mag madre, bata pa lamang ako ay yun na ang gusto ko. Tapos na ako sa Senior Highschool. Bago pa mamatay si Lola ay nasamahan pa niya akong umakyat sa stage para kunin ang mga awards ko bilang Valedictorian .Masayang-masaya noon si Lola dahil hindi ko siya binigo. Nakapag-aral ako sa pribadong all female school dahil naging scholar ako. Bagama't strikto si Lola pagdating sa aking pag-aaral ay nagbunga naman ito. Pero wala akong gustong kunin na kurso sa kolehiyo dahil gusto kong pumasok sa kumbento. Nasabi ko na yon minsan kay Mama at tanging nasabi niya ay huwag daw akong magbiro. Nadatnan ko si Mama sa kusina na nagluluto. Nagpaalam kasi ako sa kanya na magsisimba kanina pang umaga pero pagabi na ngayong nakauwi ako. "Sa simbahan po." sagot ko. Tiningnan niya ako saglit bago niya ulit hinarap ang paghihiwa ng mga gulay. "Iisipin ko na sana na baka kasama mo ang boyfriend mo pero naisip ko ilag ka pala sa mga lalake." naiiling na sabi ni Mama. Totoo yon. May trauma ako pagdating sa mga lalake. Nasa grade five ako noong maranasan kong bastusin at tinangkang pagsamantalahan ng isa kong kamag-aral na lalake. Pauwi na ako noon sa bahay, sumabay siya sa akin pag-uwi. Sa parte ng kalsada na halos walang dumaraan ay agad niya akong itinulak sa damuhan. Hinawakan niya ako sa maseselang bahagi ng aking katawan.Sigaw ako ng sigaw noon, mabuti na lamang at may nakarinig. Hindi niya ako nagalaw pero diring-diri ako sa aking sarili.Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit niya ako pinagtangkaan. Mabait kasi ako sa kanya. Kahit na lagi niyang sinasabi na maganda daw ako ay inignora ko dahil ang alam ko ay wala siyang balak na masama sa akin. Magmula noon ay naging ilag na ako sa opposite s*x. Binago ko na rin ang aking pananamit. Nagpahaba ako ng buhok at lagi ko na yong ipinupusod. Nakiusap ako kay Lola na ilipat niya ako sa paaralan kung saan walang lalake. Magmula noon ay naging loner na ako. "Napag-isipan mo na bang magpa therapy? You're not getting any younger. Paano ka makakapag-asawa kung ayaw mong makisalamuha sa ibang kasarian? Mabuti nga at hindi ka nailang sa Tito Edward mo noon." I only feel uneasy sa mga lalakeng kaedad ko o sa mas bata sa akin. Yun siguro ang epekto ng nangyari noon sa akin.Hindi na ako gaanong takot. May inhibitions lang ako towards men. "Gusto ko hong maging madre, Ma." deretsahang sabi ko kay Mama. I made up my mind. Pero hindi nagsalita si Mama. Nilakasan niya ang paghalo sa niluluto niyang pinakbet. Mukhang nainis siya sa sinabi ko. "M-Ma-" "Ako nga ay tigil-tigilan mo Ylodia. Kapag patay na ako saka mo na magagawa ang gusto mo. Ayaw kong magmadre ka and it's final. Mamili ka na ng course sa college na gusto mo." matigas ang boses na sagot ni Mama. Pinigilan kong mapahikbi. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Pumasok ako sa aking kwarto.Pagpasok ko ay dito na bumuhos ang tinitimpi kong luha. " Lola... "tangi kong nasambit sa pagitan ng pagluha. Sa isang beach resort sa Palawan ginanap ang kasal nila Mama. Simple lang ang kasal,kakaunti ang mga bisita. Wala nga kaming inimbitahan na kamag-anak namin dahil biglaan ang kasal nila, hindi sinabi sa akin ni Mama kung bakit. Naisipan kong lumabas sa hotel room ko. Ngayon ang huling araw namin sa resort at gusto kong libutin ang lugar. Ayaw ko namang istorbohin si Mama kaya hindi na ako nagpaalam pa. Nagsuot lang ako ng bandana sa ulo. Inilugay ko ang mahaba at kulot-kulot kong buhok dahil basa pa yon. Tinanggal ko ang eyeglasses ko. Hindi naman gaanong malabo ang aking mata,ngunit nakasanayan ko na kasing magsuot niyon kaya isinusuot ko na lang. Ngunit ngayon ay tatanggalin ko yon. Hapon na at hindi na matindi ang sikat ng araw. Marami na ang lumalangoy. Ang iba ay naglalakad lang sa dalampasigan. May mga grupo ng kabataan ang naglalaro ng beach volleyball at frisbee. Tinanggal ko ang sandals ko. Gusto kong ma-feel ang buhangin na naaapakan ko. Napasigaw ako ng may mabigat na bagay na tumama sa balikat ko. Napilitan akong tanggalin ang blazer kong suot upang matingnan ang nasaktan kong balikat. Natamaan pala ako ng ibinabato nilang disc sa frisbee. "Are you hurt?" Nakalapit na sa akin ang isang matangkad na lalake na nakasuot lamang ng... Briefs ba yun? Namumukol sa suot niya ang- Hindi ko namalayang napa sign of the cross na pala ako sa tindi ng gulat ko! Init na init na ang mukha ko sa pagkapahiya. Agad kong iniba ang derksyon na tinitingnan ko. "Miss, are you okay?" muli niyang tanong. This time ay tinangka niya akong hawakan. My instinct told me it's danger. Agad akong nag-ipon ng lakas. Sinuntok ko siya sa panga. Natumba ang lalake sa buhanginan. Bago ako tumakbo palayo ay nakita ko ang mga kasamahan ng lalake na inaalalayan siyang tumayo. Huli na nung mapansin kong nahulog ko pala ang suot kong bandana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook