YLODIA
Ngayon ang araw na lilipat na kami sa bahay ni Tito Edward. Ayon sa kanya ay mayroon daw siyang dalawang anak sa una niyang asawa. Diborsyado pala siya, ang ex-wife niya ay nasa Germany raw.
Ang panganay niyang anak ang katulong niya sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ang mga negosyo niya. He was featured in a lifestyle magazine three years ago.Doon ko nabasa na isa siya sa top 20 wealthiest business tycoon in Asia. Napakayaman pala ng napangasawa ni Mama. Matatanggap kaya kami nang mga anak ni Tito Edward? Natural na isipin nila na pera lang nila ang habol ni Mama. Pero kilala ko ang aking ina, alam kong mahal niya si Tito Edward hindi dahil sa pera.
"Nakuha mo na ba lahat?" tanong sa akin ni Mama. Naghihintay na siya sa sala.
Tumango ako. Muli kong sinulyapan ang aking silid. Hindi man ako nagtagal na tumira dito ay parang mamimiss ko pa rin ang lugar.
"Ang mga paintings mo? Baka makalimutan mo. Pwede nating e-exhibit ang mga yan. Maraming kilala ang Tito Edward mo na painting enthusiasts. Sayang din ang talent mo anak." paalala ni Mama.
What I love about her is that she's so supportive. She's my number one fan pagdating sa aking talento.
Pagsakay namin sa sasakyan ay narinig ko siyang napa buntong-hininga.
Nag-aala din kaya siya sa magiging buhay namin sa bahay ng kanyang asawa?
"What's wrong, Ma?" hindi ko napigilang mag-usisa. Halata din kasi sa kanyang mukha ang pangamba.
Tumingin siya sa akin. Ini-start muna niya ang sasakyan bago siya sumagot.
"Akala ko ay hindi uuwi dito ang dalagang anak ni Edward. Pero tumawag siya kagabi na uuwi nga siya at dito na titira sa Manila,for good."
I frowned.
"Halos kaedad mo lang daw siya. Kung dito yun mag-aaral baka pareho lang kayo na papasok sa first year college."
Alam kong nag-aalala si Mama na ang dalagang anak ni Tito Edward ang maging kontrabida sa buhay namin.
"Malay ninyo mabait yun." sabi ko.
She sighed again.
"Sana nga. Kasi ayaw ko ng gulo. Mabuti sana kung ako lang, paano kung idamay ka niya?" she looked at me.
"Wala naman sa plano ko ang magpakasal pa. Pero mapilit si Edward. At isa pa mahal ko na rin."
Pinisil ko ang kamay niya na nasa manibela.
"Okay lang Ma. Masaya naman kayo sa desisyon ninyo kaya susuportahan ko po kayo."
"Salamat, anak."
Bago pa kami mag-iyakang dalawa ay iniba ko na ang usapan.
"Saan po pala ako mag-aaral Ma?"
"Ang gusto ng Tito Edward mo ay doon sa Saint Yves University. It's an International School. Mayayaman lang ang nakakapag-aral doon-"
"Exclusive ba yon for female?" agad kong tanong.
Matagal bago nakasagot si Mama.
"Ylodia, anak, I think you have to face your fears. It is not normal anymore. Hindi pwedeng habang-buhay ka na lang matatakot makisalamuha sa mga lalake. Men are not the same. And you have the skills to fight them now. So, why still fear them?"
I gulped. I readied myself for this anyway.
Alam kong darating ang araw na haharapin ko ang kinatatakutan ko.
" Patawarin mo ako anak. "
Umiling ako.
"You're right, Ma."
Kung namangha ako sa laki ng mansyon ni Tito Edward ay mas lalo akong namangha sa magiging kuwarto ko. Napakaluwang.Triple yata ang laki nito kumpara sa apartment namin dati.
Parang hotel room na kasi may comfort room sa loob, sala, closet,at mini library.
Mas lalo akong humanga dahil mayroon pa palang connecting room kung saan naroon ang mga painting materials ko. Tingin ko ay nadagdagan pa ang mga yon. Maayos na nakasalansan ang mga paintbrushes at canvas sa shelf.
Para akong maiiyak sa tuwa. Mukhang pinaghandaan ni Tito Edward ang paglipat ko sa mansyon.
Teary-eyed pa ako na lumabas sa art room.
Nagulat ako ng makita kong nakatayo sa sala ang isang matangkad at magandang babae. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Maliit ang kanyang mukha. Mukha siyang barbie. Ang ganda niya! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae sa buong buhay ko. Ang kinis ng kanyang maputing kutis.
Kitang-kita sa dress na suot niya na mahubog ang kanyang katawan.
Nagulat ako nang magsalita siya. Kahit ang boses niya ang ganda. She's perfect!
"Did I startle you?" nakangiting tanong niya. Lumabas ang dimple sa magkabila niyang pisngi.
Mabilis akong umiling.
"Ah, forgive me. I should've introduced myself first. I'm Sage. I didn't catch our parent's wedding because my flight was cancelled. I just arrived today."
Inabot niya sa akin ang kamay niya para makipag handshake.
So siya ang stepsister ko?
She seemed nice just like her dad.
" And you are? "tumikhim siya.
Nahihiyang ngumiti ako. Napansin ba niya na tinititigan ko siya? Nakakahiya!
" Ylodia.Ako si Ylodia. "
She nodded. Napansin ko din ang pailalim niyang tingin sa akin. What was she thinking about me?
" You must have been tired. I'll go ahead so you can take a nap. Nice meeting you."
Mabilis na siyang lumabas sa silid ko.
Is she for real? I mean, mabait kaya siyang talaga? I hope so. Dahil ayaw kong magkaproblema kami ni Mama sa pagtira dito.
"Welcome to our family, Tita Elisa, Ylodia."
Itinaas ni Harry ang hawak niyang goblet na may lamang red wine. Nakatayo siya ngayon. Katatapos lang naming mag dinner.
"Let's have a toast for our family." sabi niya ulit.
Nakakapagtaka na parang wala lang sa kanila ang muling pagpapakasal ng kanilang ama-kay Mama na isang simple at hindi mayaman na babae. But then naisip ko na they're educated enough para kontrahin ang kanilang ama.
I shrugged. Bahala na.
Napangiwi ako ng malasahan ko ang wine. Ang pait! Hindi ko napigilang maubo nang sumayad na ang likido sa aking lalamunan. Napatingin tuloy sila sa akin.
"Sorry. It's her first time to taste redwine." hinging paumanhin ni Mama habang hinahagod niya ang aking likod.
Nakita kong napangisi si Sage. Nawewerduhan ba siya sa akin?
Ang kuya naman niya ay napangiti lang.
Tanging si Tito Edward lang talaga ang nakikita kong may normal na reaksyon. Agad siyang nag utos sa katulong na bigyan ako ng tubig.
"Goodnight, Ma."
Pagkatapos ng dinner ay hinatid ako ni Mama sa kwarto ko.
"Bakit, matutulog ka na ba? Hindi mo na ba titingnan ang painting studio mo? Nasabi ko kasi kay Edward na hilig mo ang magpinta at magbasa. Na wala kang hilig sa social media. Hindi ko naman inasahan na magpapagawa siya ng sarili mong studio."
Parang maiiyak si Mama habang nagsasalita. Gusto ko siyang yakapin pero nagpigil ako. Hindi ako showy kay Mama. It's not that nahihiya akong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko pero parang may pumipigil sa akin.
" I saw it already Ma. Hindi pa nga ako nakapag thank you kay Tito Edward."
"Mabuti siyang tao, anak. Marami akong naging boyfriend pero sa kanya ko naramdaman ang totoong happiness. Hindi dahil sa mayaman siya."
Tumango ako.
"Yung mga anak niya Ma, ano sa tingin ninyo? Pumunta pala kanina dito si Sage. Okay naman po siya.Wala siyang sinabi o ipinakitang masama."
Napaisip ng malalim si Mama. Parang may gusto siyang sabihin sa akin.
"Mas okay nga sana kung nagsungit na lang siya. Hindi eh. Pero sana lang bukal talaga sa loob nila na tanggap nila ako.. Tayo."
Pareho pala kami ng iniisip ni Mama. Mas maganda kasi kung kilala mo kung sino ang iyong kaaway.