KABANATA 3

1050 Words
SAGE "Did you notice? She's naive! I almost cringed while I handshakes her. Eww!" I rolled my eyes in disgust. I should get an award for acting nice in front of them! "Your tone, Sage!" my brother's voice raised. "Don't tell me you're siding them over me?" Harry shook his head. "The hell I am!Ako ang unang komontra kay Papa sa kasalang ito! But I didn't succeed!I thought you can persuade him not to marry that woman but you failed as well." "And you think your plan will work? We will play nice until we come up with the idea on how to ruin that woman?" Harry think for a moment. "Don't rush things up okay? And please practice on your act! I saw you a while ago, you almost choke laughing at her in the dining table." I frowned. When I found out that I am prettier than her I was the happiest. I don't have to feel insecure about her. What I hated was Dad gave her that room. It was my old room. I was about to protest but Harry warned me not to. That he has plan to kick that woman and her daughter out of our house,out of dad's life. YLODIA Ngayon ang unang araw ko sa papasukan kong school. Gusto ko sanang sabihin kay Tito Edward na e-enroll na lang niya ako sa public college pero ang sabi ni Mama ay tapos na daw akong na registered sa St. Yves University. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Nakapusod ang aking buhok, ni walang hibla na makikitang nakakalat. Makapal ang suot kong salamin sa mata. Suot-suot ko ang palda na paborito kong suutin. Regalo pa ito ni Lola noong eighteenth birthday ko. Mahaba at flowy. Boho ang design at kulay kalawang. Tenernuhan ko ng maluwang na itim na tshirt. Bigla kong naalala si Cathy, ang kaisa-isa kong kaibigan sa probinsiya.Lagi niyang sinasabi na pangit daw ang ko taste sa damit. Nagmumukha daw akong manang sa mga sinusuot ko. "Hindi ko alam kung sinasadya mong papangitin ang sarili mo." Yun ang lagi niyang sinasabi sa akin noon. Kumusta na kaya siya? Bigla akong nalungkot pagka-alala sa kanya. Magkakaroon kaya ako ng bagong kaibigan sa lilipatan ko? Malungkot akong lumabas sa aking kwarto.Kailangan kong magpakatatag para na rin sa sarili ko. Nagulat ako dahil nakita kong papalabas na rin si Sage. Ang ganda ng suot niyang mini skirt at crop top na blouse. Hindi ba yun bawal sa University? Nakita niya akong nakasunod sa kanya papunta sa sasakyang naghihintay. Ngumiti siya. "Good morning." bati ko. Nauna siyang pumasok sa loob ng sasakyan.Agad kong naamoy ang kanyang pabango. Di-yata't ipinanligo na niya ang kanyang pabango? Gusto ko sanang takpan ang ilong ko pero nahiya naman ako at baka ma offend siya. Inilabas niya ang kanyang cellphone. "What's your i********: account? I'll follow you. And you do the same okay?" Ano ba yung i********:? f*******: lang ang alam ko kasi yun ang laging ibinibida ni Cathy sa akin noon. Na lampas isang libo na daw ang followers niya sa f*******:. Alanganin akong napangiti. " Sorry, wala ako nun. "sabi ko " What?! "mukhang nagulat siya. Then she laughed. Yung tawa ng mga kontrabidang stepsisters ni Cinderella. " Come on Ylodia. Wala ka i********:? " Bumaluktot ang dila niya nung magtagalog siya. Umiling ako. Ikamamatay ko ba kung wala akong i********: o f*******:? Natawa siyang muli at napailing-iling. Tumahimik na lang ako. Maya-maya pa ay tumunog ang keypad kong cellphone na nasa purse ko. Si Mama ang tumatawag. Hindi ko na sana lilingunin pa si Sage if not for her giggles. Para saan ang hagikgik niyang yun?May nababasa kaya siyang nakakatawa sa i********: niya o pinagtatawanan niya ako? "Ma?" "Pasensya ka na Ylodia,may maaga kaming appointment ni Tito Edward mo kaya hindi kita nasamahan ngayon." "Okay lang Ma." sagot ko. "Kasama mo ba si Sage?" Tiningnan ko muli si Sage na tawang tawa pa rin sa gilid. "Opo." "Mabuti naman kung ganoon. Kung hindi ka pamilyar doon magtanong tanong ka na lang.Sige na at may kakausapin pa kami ng Tito mo." The call ended. Halos malula ako sa laki at lawak ng building ng St. Yves. Mukha talagang pangmayaman. "Stop here, Mang Tonyo. We will walk." Anong naisipan niya at pinapatigil na ang sasakyan sa may gate? Pwede namang ipasok ang sasakyan sa loob. May mga nauna na ngang sasakyang pumasok. Walang nagawa ang driver. "Open the door for me Mang Tonyo, faster." inis na utos niya sa matanda. Lalabas na sana ako sa sasakyan pero pinigil niya ako. "Hold my things please" pa cute na sabi niya sa akin. Inabot ko ang hawak niyang laptop bag na may tatak na letter H. Akala ko ay ipapahawak lang niya yon sa akin saglit pero sa huli ako na ang nagbitbit. Tinginan sa kanya ang mga nadaanan naming estudyante. Well, she's an eye catcher. Sa ganda at sexy niyang yun plus her catwalk walk ay mapapatingin ka talaga sa kanya. Nakayuko lang ako habang nakasunod sa kanya. Nagulat na lang ako dahil may malakas na pwersang bumunggo sa likuran ko. Na out of balance ako kaya ako napaupo sa marbled floor ng hallway. "Aray" hiyaw ko. May bumunggo pala sa akin na dalawang studyanteng naghaharutan. Nabangga din nila si Sage pero hindi siya natumba dahil agad siyang naalalayan ng mga estudyanteng naroon. Nag-agawan pa nga sila sa pagtulong kay Sage samantalang ako walang gustong lumapit. Tatayo na sana ako nung may isang matangkad na lalake ang lumapit sa akin. Iniaabot niya sa akin ang kanyang kamay pero umiwas ako. Pinilit kong tumayo kahit masakit ang isa kong tuhod, yun kasi ang tumama sa sahig kanina. Narinig kong napamura ang lalake kaya sinulyapan ko siya. Mukha siyang foreigner. Blue ang kulay ng kanyang mga mata, brown naman ang sa wavy niyang buhok. Mapula ang kanyang labi at.. Ay bakit ko ba siya tinititigan. Pinulot niya ang nabitawan kong laptop bag ni Sage at inabot sa akin. "I believe this is yours" he said grinning. Bago pa ako makasagot ay umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya. Agad kong hinanap si Sage pero bigla na lang nawala. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko.Malapit na ang first period class ko. Pupunta pa ako sa Registrar's Office. Mamaya ko na siya hahanapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD