YLODIA
They are staring at me, I swear. Bagama't nakayuko ako ramdam ko na tinititigan nila ako. Late na kasi akong pumasok sa designated classroom ko dahil sa lawak ng University ay nawala ako. Nahihiya naman akong magtanong sa mga estudyanteng parang may mga sariling mundo. Pagpasok ko ay agad akong sinabihan ng Professor ko na magpakilala daw muna ako. Mukha namang hindi sila interesadong makilala ako.
Nag-angat ako ng ulo. Only to find out na majority ng classmates ko ay mga lalake.
I panicked. I can't breath!
Biglang umikot ang aking paningin. All turned black.
"Are you okay anak?"
Nag-aalalang mukha ni Mama ang nabungaran ko pagkagising ko.
"Nasan ako Ma?" agad kong tanong.
Ang naalala ko ay umatake ang anxiety ko kaya nenerbyos ako at nahilo.
"Nasa clinic ka. Dito ka dinala after you passed out. I'm sorry Alodia. Pinilit kita to face your fears but I think hindi mo pa talaga kaya. I'll transfer you to another school-"
Umiling ako.
"I have to face it Ma. Nandito na ako." tanggi ko.
But I myself is doubting kung kakayanin ko ba?
"Are you sure?"
Tumango ako.
Maya-maya pa ay lumapit na ang doctor at nagbigay ng reseta.
"I know a doctor who can help you with your anxiety. I will give you his number." sabi ng doctor sa akin.
Si Mama ang tumanggap sa calling card.
What a mess! Unang araw ko pa lang dito pero nagkalat na agad ako.
Inihatid ako ni Mama sa classroom ko. Tatanggi sana ako pero nagpumilit siya.
"If you feel bad,call me." sabi niya.
Tumango lang ako.
Humigpit nag pagkakahawak ko sa strap ng backpack ko. Sa akin na naman sila nakatingin as if I'm a weird human being that doesn't belong in their circle.
I ignored them and went straight ahead sa desk ko.
I heard giggles at my back. Parang may pinapanood silang video na pinagtatawanan nila.
Then the giggling stop as someone entered the room.
Tiningnan ko kung sino yung pumasok.
He's towering! Napakatangkad niya!
May kasama siyang tatlo pang lalake.
Hindi ko alam kung bakit ko siya natatagalang titigan. Maybe I am curious about him. Pero bakit?
Guwapo siya, parang may foreign blood.
Nagulat ako nang lumingon siya sa kinauupuan ko.Our gaze met.
Did I just saw his upper lip twitched?
Is he walking towards me? Lalapitan ba niya ako? Bakit?
Nagkunwa akong may hinahanap sa bag ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil dumaan lang pala siya sa tabi ko. Nasa likuran ko ang upuan niya.
Kasunod ko lang siya.
Naamoy ko ang panlalakeng pabango niya.Hindi ko gustong nakakaamoy ng mga pabango pero himalang nagustuhan ko ang amoy niya.
Nagulat ako nang biglang may yumugyug sa desk ko.
I gasped in horror!
Magkalapit na magkalapit na ang mga mukha namin ng lalake.Inilapit niya ang upuan niya sa upuan ko. Hawak-hawak niya ang magkabilang gilid ng desk ko and he's shaking it. Kahit ang mga classmates namin ay parang nagulat sa ginawa ng lalake. Lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan.
Am I gonna passed out again?
CALLUM
She's weird. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng baduy manamit. Mahabang palda with loose tshirt? What the heck?
With her looks siguradong ibu-bully siya dito. She looked dumb.
I remember what happened earlier. Papasok na ako sa loob ng classroom when she passed out. Lucky for her agad ko siyang nasalo. Dinala namin agad siya sa clinic.
Kantyaw ang inabot ko sa mga barkada ko. Sinadya daw ng babaeng yun na mahimatay dahil alam niya na dadaan ako sa harap niya. Nakaramdam ako ng inis sa babaeng yun. It was a cheap move. But I can't blame her. Isa siguro siya sa mga babaeng gustong magpapansin sa akin.
But sorry, she's not my type. No freaking way!
Nakabalik na pala siya mula sa clinic. I saw her gaping at me!
Can't she even hide it? She'll make it obvious in the class?
I won't give her false hopes. Ngayon pa lang ay babastedin ko na siya para hindi na siya mapahiya.
One way to do it is to scare her.
I shook her desk.
Nagulat siya.
"What's your problem?" salubong ang kilay niyang tanong sa akin.
"Stop it!" sigaw niya.
That caught the attention of my classmates.
Before I knew it, she slapped me in the face.
YLODIA
Kanina ko pa tapos ang prayer ko kay St. Maria, ang patron saint of forgiveness. Pagka-uwi ko ay agad akong nagdasal at humingi ng tawad sa ginawa ko sa kaklase ko. I didn't do it on purpose. Binigla niya ako.
Malungkot akong tumayo at pumunta ako sa studio. Magpipinta na lang muna siguro ako. This way ay makakalimutan ko ang mga bagay na gumugulo sa akin.
Wala akong maisip na subject para sa painting ko.
Ngayon lang ulit ako inatake ng anxiety ko.
Tumayo ako. Wala na ako sa mood para magpinta. Pupunta na lang ako sa simbahan.
Nagbibihis na ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ylodia.."
Si Mama.
"Bukas yan Ma." sagot ko.
Nakangiti siyang pumasok may hawak-hawak na malalaking paper bags.
"I went shopping for you." sabi niya.
Baka bumili na naman siya ng mga damit na hindi ko naman gustong suutin. Oo nga at mga dresses yun and palda pero masyadong revealing ang style kaya ayaw ko.
"I also bought painting materials for you."
"Thanks, Ma." sagot ko.
Tiningnan niya ako.
"Are you going out?"
"Yeah. Magsisimba lang ako Ma."
"May chapel dito sa loob ng mansyon.Why don't you just pray here?"
Kailangan kong mangumpisal ng personal sa isang pari.
"Gusto ko kasi yung may pari Ma. Malapit lang naman ang simbahan dito."
She nodded.
"Are you sure you don't want to transfer school anymore? Kung hindi ka komportable sa bago mong school just tell me. When I learned that you passed out, I blamed myself. Pinilit kasi kita sa environment na hindi mo gusto-"
"It's okay Ma. This is a challenge for me. Laging sinasabi noon ni Lola na harapin ko daw ang kinatatakutan ko. And this is it, Ma." determinadong sagot ko.