YLODIA God knows that I am trying. I am trying so hard to move on pero ang hirap. Ako kasi ang klase ng tao na kapag nagkasala ka sa akin ay kailangang layuan kita, or else the pain will linger. At mahihirapan akong magpatawad. Ayoko siyang iwan. Pero kailangan. Or else malulunod ako sa poot. "Malungkot ka na naman, Ylodia. " Pansin sa akin ni Sister Susan. Mag-iisang buwan na ako sa simbahan. Pinili kong dito pumunta dahil masusundan ako ni Callum sa Bataan. Ayaw ko muna siyang makita at makausap. Dalawang araw mula ngayon ay matatapos na ang deadline sa akin ni Callum, na kapag hindi ako bumalik sa kanya after a month ay kakalimutan na niya ako. "Okay lang ako, Sister." tipid akong ngumiti. Parang hindi naman siya naniwala sa sinabi ko pero hindi na siya nag tanong pa. "Dum

