YLODIA "Ma, you don't understand! Walang nangyari sa amin!" Gusto ko nang umiyak. Of all people, dapat maniwala si Mama na hindi ko magagawang sumiping sa lalakeng yon. "Ilang beses ka nang pumupunta sa condo niya?" "It's my first time. He wanted me to help him sa report niya. I swear Mama, walang nangyari sa amin." Pagkatapos kaming makita nang Mommy ni Callum sa condo ay agad nitong tinanong kung sino ang parents ko. Of course binaggit ko si Tito Edward as my stepdad. Agad nitong tinawagan si Tito Edward na surprisingly ay business partner niya pala. At ngayon nga ay nasa condo na rin sila. Kinakausap ako ngayon ni Mama sa sala, while Tito Edward and Callum's mom is talking at him sa kwarto. "Alam mo bang kilala ng Tito Edward mo ang pamilya ng lalakeng yan? They were planning to

