YLODIA Kahit ilang ulit kong basahin ang Trigonometry book ay walang pumapasok sa utak ko. I decided to stay in the library after having my lunch. Hindi pumasok si Callum. Iniwan ko siya sa bahay kanina na tulog pa. Paniguradong may hang over pa yun dahil sa kalasingan niya kagabi. Ipinagbilin ko na lang sa mga katulong na lutuan ng chicken soup paggising niya. May dalawa pa akong subjects mamaya. Pero uwing uwi na ako. I want to check on him. Hay kainis. Paano ko siya iiwasan gayong concern naman ako sa kanya? I blew out a breath. Napapailing na lang na muli kong itinuon ang atensyon ko sa libro. Nagulat na lang ako dahil may humaplos sa buhok ko. Agad akong lumingon. Nakangiting mukha ni Taylor ang sumalubong sa akin. Napaka fresh niyang tignan sa suot niyang whi

