~~~ ★★★ ~~~
When she confronted with the writing there, simply pretended not to care.
I passed it off as just in keeping with her total disconcerting air
~~~ ★★★ ~~~
ALEXIS
Dear Diary,
Hindi na naman pumasok si Alexis sa isa naming subject. At tama nga ang hinala ko, I can see his steady breathing from where I am. Isa siyang masatu. Masandal, Tulog. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya. He's a firm believer na importante siya sa mundo dahil sa ibinubuga niyang hangin, ang hindi niya alam, importante rin siya sa'kin. It is amazing how he can answer the questions from our teacher kahit na hindi siya nag-aaral. Mabuti na lang at matalino parehas ang mga magulang niya. Sabi kase sa science, nakukuha natin ang talino natin sa ating mga Mama. Pero dahil both of his parents are smart, hinddi nakakapagtaka na namana niya 'yon.
No one knows that Alexis is a good boy. Matulungin, kahit nagrereklamo siya, tutulong pa rin. That's the side of him that he doesn't want to show.
Wouldn't you know? No. He wouldn't show it.
"Lex, I want that!"
"Lex, ayun oh!"
"Hey, Lex, are you listening to me?"
Tipid akong ngumiti at tumango on all her whims, silently wishing na sana matapos na siya. I felt my phone vibrates on my pants kaya kinuha ko ito. Yuan is calling me, agad ko itong sinagot.
"Ano na? Nasaan ka na? Dude practice na, utang na loob naman, kung ilalaglag mo kami, gawin mo na ng maaga para makahanap na kami ng kapalit mo!" sigaw nito. Tiningnan ko si Claudel na namimili pa rin ng mga damit sa isang sikat na boutique sa malapit na mall sa school.
"Dadating ako, papunta na, ipapahatid ko lang si Claudel kay—"
"You freaking do something about it! Set your priorities straight!" sigaw nito "I'm giving you an hour, Alexis. One hour, kapag wala ka pa, I'm sorry but you have been warned" s**t. Ibinulsa ko ang aking cellphone at tinitigan si Claudel na nakatingin na sa akin. I went to her and took all her things.
"Are those your team mates?" tanong nito, I nod. "Mga wala siguro silang love life kaya hindi ka nila maintindihan" hindi na lang ako umimik and carried her shopping bags.
Kung si Lexy ang kasama ko, malamang puro pagkain ang— teka nga, bakit ba si Lexy na naman ang iniisip ko? I mentally shook my head.
"By the way, did you already find the notebook that you lost?" I curiously asked and hoped "Ano bang laman noon at mukhang importante sa'yo?" naging malikot ang mata nito at tumingin sa ibang direksyon.
"Mga secrets lang," like a diary! "Pero okay lang, papalitan ko na lang din, hindi naman ganoon ka-importante Kang mga nakalagay doon." parang wala lang na sabi nito "Pwedeng wag mo nang itanong? Kase it's making me uncomfortable, sasama na lang ako sa practice game ninyo, okay lang? Para naman may inspiration ka"
Bakit ayaw niyang pag-usapan ang laman ng Diary niya? Isn't she proud of what she's feeling? Sabagay, kahit naman siguro sino ay hindi agad makakaamin kapag nasa harap ka na ng crush mo.
Ako nga, ni hindi makaamin sa harap ni— ah! Erase! Erase!
Pero bakit pakiramdam ko ay inilalayo ni Claudel sa usapan na ito. I want to talk about it! I want to talk about her feelings for me dahil may gusto akong makalimutan. But she doesn't want to, and I feel disappointed.
In less than 20 minutes, dumating kami sa school. Ipinuwesto ko muna si Claudel sa bleachers kung saan kumportable siya, our entrance made everyone squeal.
Ang daming kinikilig habang hawak ko ang kamay ni Claudel na naglalakad. Maliban sa mga ka-team ko na mukhang nag-uumpisa na.
"Nandito na pala iyong pa-importante" my gaze set on the voice that spoke, Lexy's eyebrows were raised at me at kay Claudel.
Nandito rin pala siya? I gave her my infamous smile kahit na naka-poker face lang ito sa akin, no emotions on her face, not even in her eyes. Agad ko siyang nilapitan at ginulo ang buhok.
"Diba sabi ko naman sa'yo, magpa-practice na ako? Wag ka nang maga—"
"Tine!" I was cut off by Benedict na lumapit sa'min ni Lexy. Sinamaan ko siya ng tingin. May kasalanan pa ito sa'kin, hindi ko pa rin makalimutan na isinakay niya sa motor niya si Lexy.
Bumalik si Lexy sa bleachers pero nagsalita muna bago tuluyang umupo.
"Kung hindi ka pa tinawagan ni Yuan, hindi ka pa pupunta dito. Kailangan ka pa bang takutin para lang sumunod, Alex?" mababa ang tono na tanong ni Lexy.
Pakiramdam ko ay may kumurot sa aking dibdib ng marinig ang nagtatampo niyang boses, I was about to say something ng tawagin ako ng coach namin.
"Bustamante!" sigaw nito "Mabuti at hindi na naligaw papunta dito sa court? Ano, maglalaro ka ba o papalitan ka na namin?" tumakbo na ako papasok sa locker at nagbihis. Agad naming inumpisahan ang practice game.
But for some reason— I always fail.
Wala akong ma-i-shoot na tama, walang magawang matinong pasa. Kanina pa masama ang tingin sa'kin nina Coach at ng iba ko pang kasama.
The eff! What happened? Kinakalawang na ba ang basketball skills ko? Imposible!
Tiningnan ko si Claudel to seek some inspiration, but to my dismay, she's busy looking at her phone, looking bored as ever.
"ALEX!" halos lahat kami ay napatigil sa paglalaro ng sumigaw si Lexy. May gigil ang pagtawag nito sa'kin. "Pag hindi mo inayos itong larong 'to, kakantuhan talaga kita sa noo! Gulpi ka sa'kin!" I was stoned for a while, and then I laughed. Kaya niya? "Umayos ka kung ayaw mong magalit na naman ako sa'yo"
"Go away, Alexis, don't make me hate you more."
Nag-echo sa utak ko ang sinabing iyon ni Lexy. No. I don't want to see her mad at me again. Nakita ko si Yuan na sandaling tumakbo palapit sa kaniya, agad siyang inabutan ni Lexy ng tuyong towel at tinulungan pang punasan ang katawan na puno ng pawis.
The hell?!
"Lexy!" parehas sila ni Yuan na napatingin sa'kin. "Tama na 'yan! Dito na, Yuan!" natawa naman sina Sandro at Troy sa sinabi ko.
"Ikaw na lang muna ang maglaro, Captain. Kanina pa kami naglalaro, c'mon, bud. Puntahan natin si Lexy at magpapunas din tayo ng pawis" I threw a glare at Sandro while Troy just shook his head.
"Subukan ninyo, tatamaan talaga kayo sa'kin" banta ko "Ano na, Yuan?!" tawag ko dito. He smirked at me, at may ibinulong pa siya kay Lexy bago umalis which set me to anger.
4th quarter of the game and still no improvement from me. Bigla ring nawala si Claudel sa bleachers. Galit na talaga si Coach sa nakikita niyang performance ko.
"Alex! Kaya mo 'yan! Go! Go! Go!" Lexy's shout was heard all over the place. How can she believe in me samantalang ako nga, pasuko na. She smiled at me and put both of her thumbs up, cheering for me. Well, if she believes in me, then maybe I can.
I can.
I put my focus on the game, at nakabawi kami within the quarter. Tuwang-tuwa ang mga ka-team ko. Even coach patted my shoulder.
"Isama si Crisostomo sa mga games, mukhang siya ang lucky charm"
"Coach, mukha ba akong key chain?" natatawang sabi naman ni Lexy. Dala niya ang mga gamit ko na iniwan ko kay Claudel kanina, "Mga gamit mo, iniwan ng chicks mo" she said, her words tastes bitter though.
"Let's go home?" pagyaya ko sa kaniya. Umiling si Lexy, looking apologetic.
"Tine? Let's go?" Benedict, again, came to us. "Nice game, Lex. Sana ganyan din ang performance mo. Nga pala, ako na ang maghahatid kay Lexy, birthday kase ni Daddy and he wants to see Lexy as a gift" tiningnan ko si Lexy na naka-peace sign lang sa'kin.
Sinamaan ko siya ng tingin, ano? Sasakay na naman siya sa motor ni Benedict? Hell no!
"Sasama ako" I announced, napatango naman si Benedict.
"Sure, I'm sure Dad will be happy too. Sasama din naman sina Yuan because their parents will be there too, hindi kita niyaya because I know you're busy with Claudel". I saw a glint of mockery in Benedict's eyes. Is he testing my patience? "Tine, halika na sa motor—"
"No" madiin na sabi ko. Not on my watch. Hinawakan ko si Lexy papunta sa aking likod "Pupunta naman ako, so Lexy's gonna ride with me" bakas ang pagtutol sa mga mata ni Lexy but didn't said a thing.
Hinawakan ko siya sa kamay and we went to Kuya Simon.
"Kuya, pupunta tayo sa bahay nina Benedict, birthday ni Tito Jaime"
"Oh tamang-tama, pupunta din ang parents mo" good, pwede kong iwan kina Mommy si Lexy para hindi na siya lapit-lapitan ni Benedict, o ni Yuan o nang kahit sino pa.
Pagdating namin sa bahay nina Benedict ay marami nang tao. Naka-school uniform parin si Lexy habang ako naman, T-shirt na puti and our Jersey shorts. Sinalubong kami ng mga magulang ni Benedict with him on the back.
"Celestine!" tuwang salubong sa'min ni Tita Amira, kakambal ni Mommy. Yeah, me and Benedict are cousins. "Ang ganda mo na talaga, naku tiyak madami kang manliligaw sa school, ano? Ang tagal mo na akong hindi dinadalaw!"
"Sorry po, Tita Amira. Medyo busy lang lately sa school works." bati ni Lexy, niyakap niya si Tita at ganun din si Tito "Happy birthday, Tito Jaime!" bati nito.
"I'm glad you're here, it's nice to see you too, Alexis.. kumain na kayong dalawa, nasa may pool side sina Yuan at ang mga kaibigan ninyo" ika ni Tito "Avery and your father are on the kitchen nga pala, Lex. They're with someone too," saka ito kumindat sa'kin.
Who's with them?
Hindi na namin pinansin ni Lexy ang remark na iyon ni Tito Jaime. We hurriedly went to the pools and saw everyone eating their hearts out. Kinawayan pa kami nina Sandro tells us that we have some extra space.
"Ang sarap ng food! Salamat sa biyaya, Benedict" Troy exclaimed. Pumunta kami ni Lexy sa buffet table at ikinuha ko siya ng pagkain. She tried putting on some shrimps but I took them away. Lexy tsked.
"Lexy, you cannot eat shrimps, remember?" sita ko. Sinimangutan niya lamang ako. Nilagyan na naman niya ng pusit and my hand automatically flew to stop her "Lexy, allergic ka dito di'ba? Tigas ng ulo mo" in the end, hindi rin ako nakakuha ng pagkain kakapigil sa kaniya.
We ended up sharing the same plate then. Baka kung anu-ano na namang kainin ng isang ito. Ako na naman ang mamu-mrublema kapag ganun!
"Alex, marunong akong kumain, wag mo nga akong subuan pwede?" iritang sabi nito.
"Nagtitipid tayo sa hugasin e! Eto naman, maawa ka sa mga maghuhugas ng plato, eat this and help them conserve energy, okay?" puno ng pagtutol ang mukha nito.
"Nilawayan mo na iyan!" maktol na naman niya "Paano kung mahawa ako sa sakit mong alipunga dahil sa pag-share ko ng utensil with you? That'd be a turn off!"
"Okay nga iyon para walang magkagusto sa'yo— ARAY!" napaigik ako sa sakit ng lumapat ang kaniyang kamay sa aking braso. Ang sakit! Para akong hinampas ng kahoy!
"Wag kang mag-alala, Tine, nagagamot naman ang alipunga" Troy said while laughing. Nakababad na pala sila ni Sandro while Benedict is staring at us.
"Tine, Lex, tara ligo na!" yaya niya sa'min. He dived into the pool and swam together with Sandro and Troy, even Yuan took off his shirt and dived in the pool too. Lahat sila ay walang pang-itaas at naka-board shorts lang.
"Sandali—"
"Hi guys!" napatingin kaming lahat sa may veranda ng bahay.
Claudel?
"Alexis, pasensiya na kanina if I leave without saying anything.. bigla kase akong tinext ni Mommy na may pupuntahan na birthday party, mabuti na lang nandito din kayo" none of my friends speak. "Kumakain ka na pala?" nakatingin ito sa pagkain na hawak ko hanggang sa kutsarang nakaumang sa ere at nakatapat sa bibig ni Lexy, "Magkasalo kayong dalawa?"
"Obviously" mataray na sabi ni Lexy.
"Magpapasama sana akong kumain sa'yo, Alexis" kipkip pa nito ang palda na parang nahihiya. I was about to give the plate to Lexy when she stood up.
"Kainin mo iyan, ikaw naman ang namili niyan diba?" lumapit ito sa pool at ibinabad ang paa sa tubig, looking murderous as ever. Tiningnan ko si Claudel na naghihintay sa sagot ko. I breathed in and out at inilapag ang plato.
Claudel automatically wrapped her arms around me, looking triumphant which I don't know why. Pumasok muna kami sa loob because she said her parents are there and they wanted to meet me too. Her parents were okay.
"Aahhh! Ano ba—" Lexy's voice filled my ears as I and Claudel walked back into the pool.
"This one's for you!" sigaw ni Troy.
"Go get them, Tine! You don't want that punishment, right?" sigaw ni Yuan. Naabutan namin silang naglalaro sa pool.
"The f**k?" I silently hissed. They're doing water wrestling! Without me! At hindi lang 'yon, sa balikat ni Yuan nakapatong si Lexy, while their opponents are Troy and Benedict, si Sandro ang mistulan nilang referee.
Basang-basa na silang lahat. My feet automatically dragged me near the pool.
"Lexy! Get out of the water, lalamigin ka na!"
"Luh? Pampam 'to!" ika ni Troy, pinanlisikan ko siya ng mata. Paano pag magkasipon si Lexy?! Ako na naman ang mamu-mrublema? Ako na naman ang mag... mag... mag-aalala sa kaniya.
"Sumali ka na lang, Lex! Marami namang damit dito sa bahay nina Benedict" sigaw naman ni Yuan habang pinupunasan ang mukhang basang-basa na. Hindi ko siya pinansin. Nakatuon lamang ang mga mata ko kay Lexy na.
I gulped.
She's just wearing a white sando na pang-ilalim niya sa kaniyang school uniform, dahil basa na, kita na ang itim niyang b-bra. At suot niya lang ang itim niyang dolphin shorts! Panginoon ko! N-nasa pagitan ng mga hita niya si Yuan na patuloy binabasa ng tubig si Benedict.
Crazy thoughts filled my mind and I instantly wanted to punch my face. Nasa tabi ko si Claudel and yet si Lexy ang iniisip ko?
"Lexy! Bumaba ka nga riyan pronto!" gigil na sigaw ko. Natawa lang sa reaction ko sina Benedict na para akong baliw na nagsisigaw.
"Lexy—"
"Wag ka ngang ano! Sumali ka na lang, maganda ang parusa, the winner will choose someone to be a slave for a week" sigaw naman ni Troy. "Hindi kasali si Sandro kase wala siyang partner. Kayo? Baka gusto ninyong sumali?" tiningnan ko si Claudel na agad umiling.
Darn! I have to win! I have to join this freaking game!
"Kapag ako ang nanalo, dito sa bahay uuwi si Lexy, siya ang gagawa ng mga assignments ko, ang magbabantay kay Bianca, sagot naman ni Yuan ang pagkain ko for a month" Benedict said.
"Sa tingin mo naman papatalo ako?" sigaw ni Lexy at sinabuyan na naman ng tubig si Troy. Benedict lost his balance. "Kapag ako ang nanalo, lahat kayo magiging alipin ko, luluhod kayo sa harap ko at hahalik sa mga paa ko at— ahck! Hoy!" sigaw nito kay Benedict na tinapunan din siya ng tubig.
"Yown! Sasali na si Lex!" sigaw ni Sandro. Hinubad ko ang aking suot na T-shirt, walang hirap ko ring tinanggal ang aking sapatos at medyas at walang seremonyas na lumusong sa pool. Nilapitan ko sina Yuan at Lexy.
"Ako na ang kakampi mo, Lexy, bumaba ka na riya—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang may dalawang brasong nagdiin sa'kin pailalim sa pool. Pagkatapos ay may dalawang binti ang sumampa sa aking balikat.
I was desperately gasping for air when I was submerged in the water. Everyone was laughing at me! And Sandro is now on my shoulders.
"f**k it! Get off of me, Sandro!" sigaw ko. I tried moving para malaglag siya but he didn't move.
"Lul! Walang agawan ng partner! Tayo na lang!" sigaw nito. "Pag ako ang nanalo, sasama sa'kin si Lexy sa mga race ko" pahayag nito.
Napuno ng sigawan namin ang buong pool area, ni hindi namin napansin ang mga magulang namin na dumating na rin pala.
My focus and attention is on everyone. Ako ang tatalo lay Lexy. She's gonna be my slave! Ako lang dapat! Napasigaw kami ni Sandro nang biglang malaglag si Troy sa balikat ni Benedict. Halos magsakalan naman ang dalawa.
Now, it's me and Sandro versus Lexy and Yuan.
"Are you ready to be my slave? Lexy?" tanong ko. Lexy gave me a challenging look. Lumapit kaming dalawa ni Sandro sa kanila ni Yuan. Inilagay ni Lexy ang kaniyang dalawang kamay on a defense mode.
"Slave my ass, Alex. YOU will be my slave!" sigaw din nito. Her hands and Sandro's met. Tinatagan ko ang aking mga binti para hindi kami malaglag ni Sandro. Through gritting teeth. I can feel that Sandro is fighting so hard not to hurt Lexy.
A splash of water suddenly slapped my face.
"Oy! Bakit may ganon?!" sigaw ko kina Troy at Benedict na may mga tuwalya na sa katawan at nakaahon na, Claudel was just looking at us, so were our parents.
"Last battle na ito, Alexis. Do everything you have to para manalo!" sigaw ni Troy. Lumubog ang aking ulo sa tubig at nanakit ang tuhod dahil sa pagsipang ginawa ni Yuan. He smirked at me.
Gagawin ko talaga ang lahat para manalo!
Sinabuyan ko rin ng tubig si Yuan sa mukha. I looked up at Lexy and saw her sexy arms, down to her bouncing— damn it! Alexis! Sa dami ng mapapansin mo, iyong dibdib talaga niyang makinis.
Pucha. Buti na lang nasa ilalim ako ng pool. I need to cool down. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang panginginig ni Lexy. Her lips are already trembling and colored gray. Umatras ako to stop Sandro from making attacks.
"Tama na, Lexy! You're cold!" sigaw ko. Pero lumapit lamang sa'min si Yuan. "I SAID STOP!" sigaw ko na naman. Hinawakan ko si Yuan at inilagay ang aking binti sa kaniyang likod. Binali ko ito, which makes him lose his balance.
"Victory!" Napasigaw si Sandro sa saya nang malaglag sa tubig sina Lexy at Yuan. Yes!
Agad kong inilaglag si Sandro sa aking balikat and grabbed Lexy on the waist pagkaahon nito mula sa pagkakalaglag sa balikat ni Yuan. I suddenly felt calm feeling her in my arms. Nakakapit siya sa aking balikat and had this happy smile on her face.
I enclosed her in my arms, surrounding her with my body na para bang kaya ko siyang protektahan sa lamig ng gabi.
"Tama na 'yan, Boys" napalingon kami sa nagsalita, it's Tita Amira.
"Okay ka lang?" alalang tanong ko, she just nodded and was about to speak when her lips trembled again after coughing, "Eto na nga ba ang sinasabi ko! Look at you, you're trembling!" I enclosed her in my arms and carried her out of the pool.
She hugged herself nang maramdaman ang malamig na hangin.
I was busy looking for our clothes when a blanket covered us. In an instant, nawala sa mga bisig ko si Lexy. I was shocked because of what happened!
Who the hell—
"Game over, Alexis.." nanigas ako sa boses na narinig. The voice was so familiar that my insides boiled in milliseconds.
Standing in front of me, with Lexy in his arms is...
"Dress up, little brother, we have a lot of catching up to do"
"Migz..." I uttered his name like poison.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A S T R A E A