Untitled Episode

3333 Words
~~~ ★★★ ~~~ They say that she has found the love she's waiting for Wouldn't you know it, she wouldn't show it ~~~ ★★★ ~~~ CELESTINE "Totoo ba ang balita?" "Mukha nga, tingnan mo naman, palagi silang magkasama na.. ang swerte naman ni Claudel!" "So, hindi pala sila ni Lexy—" "Sssshhhh!" Tiningnan ko ng masama ang dalawang babaeng pinag-uusapan ang pangalan ko sa canteen. Tinaasan ko sila ng kilay, at inismiran. Agad naman na nagbaba ng tingin ang dalawa. "Lakasan pa ninyo ang kwentuhan, hindi pa rinig hanggang sa covered court" inis na sita ko na rinig sa buong lugar. Dala ang tray ko na may lamang pagkain, I roam around to find a vacant seat. Mabuti na lamang at meron sa may bandang dulo ng canteen. Agad akong umupo at nag-umpisang kumain. Walang imik lamang akong kumakain nang may tatlo pang tray ng pagkain ang lumapag sa harap ko. Tumingala ako at nakita ang nakangising sina Yuan, Benedict, Troy at Sandro. They were like gods from Greek times. "Tangina, kawawang kawawa naman itong pwesto mo, Tine!" naiiling na wika ni Sandro. Umupo silang dalawa ni Benedict sa harap ko habang si Yuan naman ay sa tabi ko. "Oo nga, dapat doon ka sa may liwanag, a queen should never hide in the dark, dapat na—" I cut Sandro off by raising my right hand in the air. "Kumain na nga lang kayo" napipilan naman ito at nagsimula na silang kumain. "Badtrip na naman sa atin si Coach, punyemas naman kase itong si Lex, hindi na naman umattend ng practice!" Benedict exclaimed while eating his bread. "Tine, ano? Seryoso na ba siya doon sa Claudel na iyon?" "Ma at Pa. Malay ko at pakialam ko" ika ko naman sabay inom ng juice. "Baka pwede mo siyang kausapin, Tine. Grades at performance namin ang maapektuhan dito, maging ang pride ng school" pakiusap ni Yuan, "Just this once, kapag ayaw niya talaga, then okay, papalitan na lang namin siya—" Nagulat ako sa sinabi niya, "Papalitan? Diba siya ang captain ng team?" tanong ko. Mukhang seryoso na nga ito. Hindi na nga siya natutulog, pero hindi na rin siya uma-attend ng mga activities sa school. "Sige, sige, kakausapin ko siya mamaya pag may oras pa ako" Magdamag kong inabangan sa school si Alex pero wala siya, halos mamuti at tumirik na ang mata ko sa Minis dahil wala Akong kasabay na umuwi, wala ang sasakyan at wala si Kuya Simon. Good thing nakita ako ni Benedict, siya na lang tuloy ang naghatid sa akin pauwi. Pagpasok ko sa bahay nina Alex ay agad kong nakita si Tita-Mommy na busy sa kusina. Niyakap ko siya sa liked and kissed her cheeks. "Bakit busy ka Tita-Mommy?" Humarap naman siya sa akin to kiss my hair, "May bisita po kayo?" "Oo, Baby girl, dinala dito ni Alex iyong nililigawan niya daw sa school" Claudel is here? "Puntahan mo na nga sila sa kwarto ni Alexis, kanina pa iyonng dalawang iyon para makakain na tayo" hindi ako sumagot, bagkus, I went to my room and was about to change clothes when I saw how chaotic everything is. Someone ransacked my closet! Agad akong nagbihis ng matinong damit when someone knocked on my door, it's Nanay Josie. "Tine, lika na sa baba, kakain na daw kayo, nandoon na rin sina Alexis" still calming my self from the scenario of my closet, bumaba na din ako at dumulog sa hapag. Tito-Daddy and Tita-Mommy automatically smiled at me samantalang parang may sarili namang mundo sina Alex at Claudel habang nagtatawanan. I unconsciously rolled my eyes before settling down pero hindi nakawala sa pandinig ko ang pagtawa ni Tita-Mommy. Malamang nakita niya ang ginawa ko. "Okay, let's eat?" Tito-Daddy announced. Saka lamang nag-angat ng paningin si Alex sa mga tao sa paligid niya. When his eyes settled on me, he just raised an eyebrow for acknowledgment. But wait. There is something about Claudel's dress. "Teka, damit ko iyang suot mo ah" parang may bulkan sa loob ko na gustong sumabog. Suot ni Claudel 'yung dress na bigay sa'kin ng Daddy ko! "Oh, yeah.. that, wala kaseng extrang damit si Claudel so kinuhanan ko muna siya sa closet mo. I hope you don't mind." I hope you don't mind?! Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa damit na suot ni Claudel, still finding the rationale inside of me. I hope you don't mind?! Parang may apoy na gustong lumabas sa aking mata, ilong, bibig at tenga. Pero isinandal ko ang aking likod sa upuan and crossed my arms above my chest. Trying to calm down. "Of course I do, Alexis. You ransacked my closet. Hindi mo man lang inayos ang pagkakabalik ng mga damit ko. Ni hindi ka nagpaalam na hahalungkatin mo ang kwarto ko para lang maghanap ng ipapasuot sa kaniya. At bakit ako ang kailangang mag-adjust sa mga pangangailangan niyan? Hindi ka man lang nag-text o tumawag para ipagpa-alam?" gigil na sabi ko. Hinawakan ni Tita-Mommy ang aking balikat para pakalmahin naman ako. "Eto naman! Parang damit lang—" "Hindi iyan parang damit lang, Alexis. Sa tingin mo maghuhurumentado ako ng ganito kung parang damit lang iyan? Damit na iniregalo sa'kin ng Daddy ko bago sila mawala sa'kin ni Mommy" kita kong inis na si Alex sa ginawa ko. Pero mas inis ako! Respeto naman! Kung manghihiram, dapat magpaalam ng maayos! "Sorry, Celestine" hingi ng paumanhin ni Claudel, but I know better. It's just an act. "Huhubarin—" "Huhubarin mo? Pagkatapos ano? Pagmumukhain mo na naman na ako ang masama? Na kawawa ka? Oh c'mon!" I exclaimed. Tahimik ang lahat sa hapag dahil sa pinagsasabi ko. "Tine" tawag sa'kin ni Tito-Daddy, tiningnan ko siya with an apologetic look. "Kumalma ka na, kumain na muna tayo. Mali naman talaga ang ginawa ni Alexis, ako na ang magso-sorry for him, anak" Naglabanan kami ni Alexis ng pataliman ng tingin. "Siya nga pala, sinong naghatid sa'yo pauwi? Isinama ni Alexis si Simon" Isa pa iyon! Dahil isinama nila si Kuya Simon, walang susundo sa'kin! Mabuti na lamang at dala ni Benedict 'yung BMW S1000RR niyang motor at inihatid ako. "Oo nga po, hindi man lang ako na-informed na wala na pala akong susundo, mabuti na lang at nakita ako ni Benedict, galing sa basketball practice nila bago mamuti iyong mata ko sa kakahintay, isinakay niya na ako sa motor niya" "Sumakay ka sa motor ni Benedict?" napatingin kami kay Alex na parang nainis. "Hindi. Sa magic carpet kami sumakay pauwi" his jaw clenched "Bingi ka? Kakasabi ko lang diba? And by the way, pinapasabi pala nila Yuan na kapag hindi ka pa daw umattend ng practice, papalitan kana as Team Captain" "What?! They can't do that!" "Oh! For sure they can. Watch and bleed, Alexis" muli na naman kaming naglabanan ng tingin. Natapos ang aming pagkain na puro kami angilan ni Alex. Inihatid ni Kuya Simon si Claudel sa kanilang bahay while me, umakyat na ako sa kwarto ko. Agad kong binuksan ang aking secret cabinet at kinuha ang isang bagong notebook. Hindi ko na kase maalala kung saan ko naiwala iyong isa pa. I sat at my table and started writing. Dear Diary, Ang asshole talaga ni Alex! Alam mo ba kung anong ginawa niya?! Ipinasuot niya kay Claudel 'yung damit na bigay sa'kin ni Daddy! How dare he! Nung mga moment na 'yon, I felt violated. I felt disrespect. Of all the dresses in my closet! Masakit. I know nakikitira lang ako sa kanila because Tita-Mommy and Tito-Daddy want to. Because they felt like I was their responsibility, pero sana igalang naman niya 'yung personal space ko. Gamit ko 'yon! Puso ko lang 'yung hawak niya. Hindi ang buhay ko, maging ang mga gamit ko. Nakakainis, hindi na din pala siya uma-attend ng mga practice game nila. Hindi na rin siya natutulog sa ilalim ng bench kung saan palagi ko siyang binabantayan, hindi na 'ko nagtataboy ng mga estudyante para lang makatulog siya ng maayos. Hindi ko na siya halos nakikita sa bahay man o sa school. Naiinis na 'ko kase nami-miss ko na siya— "Sumakay ka talaga sa motor ni Benedict?" "s**t!" agad kong naitupi ang aking notebook at natutop ang aking dibdib habang nakatingin kay Alex na nakahalukipkip habang nakasandal sa aking pader, "—what the hell, Alexis?! Wala ka na ba talagang manners at hindi ka na marunong kumatok?!" Mas lalo lamang nagsalubong ang kaniyang kilay at umigting ang kaniyang panga. "Alexis." bulong niya habang naiiling "Kanina pa ako kumakatok, wala kang sagot kaya pumasok na ako and saw you so obsessed with writing on that notebook" napahigpit ang kapit ko sa lock ng aking beside table. Dahan-dahan siyang lumapit sa aking kama at mataman akong tiningnan. "Kung makatingin ka sa'kin, parang ako ang may kasalanan sa'yo" asik ko. "Nasa laundry na iyong damit na ipinahiram ko kay Claudel, again, we're sorry for that" I just rolled my eyes at him, "Now, back to my question. Sumakay ka talaga sa motor ni Benedict?" Kitang kita ko ang pag-igting ng mga panga niya at pagkainis. "Pakialam mo? Di'ba dinala ninyo si Kuya Simon?" tumayo ako at akmang bubuksan ang pintuan para paalisin siya, but when I passed through him, he immediately grabbed my arm and pinned me on the wall. He was so close. So close that it's making me uncomfortable. His intense stare, I cannot stand it. "Is he courting you?" tanong niya. "What?" "Answer me, Lexy. Is. He. Courting. You?" bawat salita ay madiin, tinanggal niya ang kapit sa aking braso but he didn't stepped away, I'm locked on his eyes. "Wala ka nang pakialam—" "May pakialam ako! Damn it!" inis na sigaw niya, which made me flinch. "May pakialam ako kase ikaw iyan! Ikaw iyan, Lexy. You are my goddamn business!" umikot siya sa harap ko at inis na napasuntok sa hangin. "Ano? May gusto ka ba sa kaniya? Do you like him?" I like you! Gago! "Alam mo, Alexis—" he cut me off with another glare. "Call me Alex! Alex! 'Yon ang tawag mo sa'kin di'ba?" now I can see that he's really mad. "I'm calling you Alexis to let you know that I am mad at you!" sigaw ko din. For a moment, I thought I saw fear and desperation in his eyes, "Hindi ka na nagpa-practice! Hindi ka na namin nakikita nina Yuan! You are always missing! Di'ba gusto mo ang basketball?! Bakit hindi ka na uma-attend? Dahil na naman kay Claudel?! And of all the people inside this house, Alexis, dapat ikaw ang nakakaalam na ayaw kong pinakikialaman ang gamit ko! How dare you!" Habol ko ang aking hininga habang nakatitig sa kaniya. He gulped and guilt was instantly written all over his handsome face. Dahil sa pagsigaw ko. I didn't notice that I was already shaking in anger. Alex tried to touch me but I shoed his hands away. "Get out, Alexis. Don't make me hate you more" pain is now visible in his eyes. Lumapit muli siya sa'kin and held my arms, squeezing them but not hurting me. "No one's going out or sleeping tonight until we have this problem resolved, Lexy" ilang beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang kaniyang sarili, "Please tell me something good, so I can think of other things apart bukod sa pagsakay mo sa motor ni Benedict" Agad naman akong nag-isip pero wala. "Bilis Lexy!" "Ang kapal mo! Ikaw talaga ang naiinis?" inis rin na sigaw ko. "Gusto kong umalis ka na sa kwarto ko, magpapahinga na ako" nagsalubong lalo ang kaniyang kilay sa sinabi ko, parang lalong nainis. "Gusto mo ng kwek-kwek at okneneng? With a matching buko pandan" Celestine! Don't you dare fall! It's a trap! I remained stoic in front of him. "Gusto mo akong bumalik sa pagbabasketball?" paninigurado niya, I nod again. "Gusto mong kumain nang kwek-kwek?" para akong naglaway sa sinabi niya, pero hindi ko ipinahalata "Iyong kwek-kwek kina Mang Roger, may matamis at may masarap na suka na maraming sibuyas at may konting anghang?" parang nanubig ang aking bagang sa sinabi niya, lalo akong nanabik. "— syempre mauuhaw tayo, papartneran natin 'yun ng malamig at matamis na buko pandan. May konting gelatin pa 'yon tapos mabango, may gatas pang—" "Alex!" inis na sigaw ko. Pinagpapalo ko pa siya sa braso while he is just laughing at me. He knows he's winning. "What? This is a very limited offer, Lexy" ika pa nito sabay kindat. "Any minute pwede nang mag-pack up si—" "Okay! Okay! Sasama na ako sa'yo!" lumawak ang kaniyang ngiti na para bang inaasahan na niya iyon. "Sasama na ako, and come back to me— este I mean us" lumamlam sandali ang kaniyang mga mata sa sinabi ko, Celestine! Anong US? "—sa pagbabasketball. Bumalik ka, para hindi ako magalit, at gusto kong kumain ng kwek-kwek" Alex bit his lower lip while looking at me, pero with a different intensity. Ang mga kamay niyang nasa aking braso ay bigla na lamang lumipat sa aking likod. He pulled and pressed me into his body for a hug. A warm tight hug. And no matter how many times I try to deny and fight this. I've got to admit that I've fallen for this guy. ~~~~~~ "Lexy! Bilis na!" sigaw ni Alexis na nasa baba na ng hagdanan. Inip na nakatingin sa taas, hinihintay ang kaniyang kababata. "Oo, sandali!" sigaw naman ni Celestine. "Lex? Saan kayo pupunta ni Tine?" tanong ng Mommy ni Alexis. Nagtataka na parang kanina lang ay halos magbatuhan na ng tinidor ang dalawa at magsakalan. Rinig niya ang mabilis na yabag pababa and saw Celestine, wearing a hoodie jacket that she was sure it was Alexis's. "Mommy, naghahanap ng kwek-kwek at tokneneng para daw bati na kami" nguso ni Alexis kay Celestine na masama na ang tingin sa kaniya. "Niyaya mo ako!" maktol nito, Avery, Alexis's mother, felt happy when she heard that Celestine's voice went back to normal. She even felt happy when her son, Alexis, messed Celestine's hair. "Oh sige na, lakad na at baka gabihin kayo sa daan.. ano bang dadalhin ninyong sasakyan?" tanong niya sa dalawa. ~~~~~~~ ALEXIS "Alex, hindi ako maglalakad okay?" napangisi lamang ako while looking at her from top to bottom. "Bakit mas bagay sa'yo iyong mga damit ko?" parang wala sa sariling tanong ko, hindi na siya galit, she's calling me Alex again "Mas maganda iyong sasakyan natin, mas maganda sa sasakyan ni Benedict" tumaas lang ang kilay niya. Pumunta kaming dalawa sa may garahe at sinslubong ni Mang Ben. "Lex! Tine!" "Mang Ben! Ready na ba iyong sasakyan namin?" tanong ko, ngumiti ito at sumaludo sa'kin. Dahan-dahan siyang umalis sa aming harapan, and there it is. "Eto? Eto ang sasakyan natin?" bakas ang disappointment sa tono ng salita ni Lexy. Bakit ba? Mas maganda naman 'to sa motor ni Benedict! "Ayaw—" "Tara na!" her disappointed voice became like a child who was offered her favorite candy. Mas nauna pa siyang lumapit kay Teban, yep, pinangalanan niya iyong bike. "Teban! Ang tagal ko itong hindi nakita! Buti ayos pa?" I saw nostalgia in her eyes. "Oo naman, Tine. Alam ko kung gaano mo kagustong sakyan iyan si Teban noon, di'ba nga umiiyak ka pa kapag ayaw kang isakay noon ni Lex? Ayan na, nilagyan ko na ng upuan sa harap at likod para makapwesto ka ng maayos" pailalim ko na namang tiningnan si Mang Ben and he put his thumbs up again. Kinuha ko si Teban kay Lexy at umupo na. Her eyes filled with excitement and anticipation. Pinagpag ko ang upuan sa harap to let her know that I wanted her to sit in front of me. So I can lock her between my arms, feel her close. Kanina, when he asked me to leave her room dahil ayaw na niyang mas magalit pa, I felt my knees buckle. Para akong nawalan ng lakas. This girl, Lexy, is a witch. I mean, how can she make me feel this way? It's crazy, right? She settled her self in front of me and I made sure that she's comfortable. "Tine, wag kakain ng gaanong madami, gabi na, baka maimpatso ka" paalala ni Mang Ben "Hindi ko na isasara itong gate, para makapasok agad kayo" I balanced the bike and went on our way. Feeling Lexy in between my arms and smelling her scent calms me and makes me happy. She wants me to go back sa pagbabasketball, kung 'yon ang paraan so she won't be mad again? Then I will. "Lexy?" she grunts as a response "Magp-practice na ako sa Lunes" "Dapat lang.." ika niya, I cannot see her face but I can feel her smiling. "Basta wag ka ng sasakay sa sasakyan ng kahit sino maliban kapag sinabi ko" she slowly looked back at me and it already made my heart stop. It took me back to the hospital bed, where I stole a kiss from her. Tangina heart! Stop beating so loudly! "Hindi ko mahanap ang logic sa sinasabi mo, pero sige" I closed the distance between her and me. The ride going to Mang Roger's kwek-kwek was silent, yet, it was never quiet. I can see a glint of a smile on her face and that's enough for me. "Alex! Ayun na si Mang Roger!" sa malayo pa lang ay kita na namin ang ilang taong nakaumpok sa tindahan ni Mang Roger. It was a small stall inside our subdivision. Nakakuha siya ng permit na magtinda dahil kina Mommy at Daddy. "Tinetot! Lex!" tawag sa'min ni Mang Roger, agad na ikinaway ni Lexy ang kaniyang kamay. Sinabi ko na nung una na Ms. Congeniality si Lexy diba? So halos kilala siya ng mga tao dito sa'min. "Mang Roger! Yooohoooo! We're back!" sigaw ni Lexy. Nailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya palapit sa maliit na stall. "From outer space?" dugtong naman ng matanda. Nag-apir pa ang dalawa habang nagkukwentuhan. I hurriedly went to them too, "Naku, Tinetot! Inuto mo na naman itong si Lex para ilibre ka, ano?" "Oy hindi po ha! Siya kaya ang nagyaya sa'kin dito" ika ni Lexy sabay kuha ng stick para itusok sa mga tokneneng. "Ikaw Lex? Bakit? Nililigawan mo na ba si Tinetot?" that was a heart-stopping question. Kita ko rin na napatigil si Lexy sa pagsubo ng tokneneng "Kayo kaya ang love team ng buong San Joaquin Village! Aba magpapa-mudmod talaga ako ng kwek-kwek at tokneneng kapag nagkatuluyan kayo!" Hindi ako umimik. That's a good idea. Masarap naman ang tokneneng ni— wait, am I thinking of this?! Tiningnan ko ng matiim si Lexy na mukhang walang narinig. "May iba po siyang gusto, Mang Roger" Lexy said while eating. It's almost gibberish kaya hindi ko gaanong maintindihan. "Dinala na nga niya sa bahay kanina, ipinasuot pa sa babae niya iyong damit ko" "Ay bakit? Ang pait naman noon! Dinala sa bahay? Tsk." Mang Roger exclaimed habang naglalagay ng panibagong batch ng mga itlog. "Wag kang mag-alala, Tinetot, irereto na lang kita sa mga kilala kong binata diyan sa may court, matino naman ang mga iyon, gwapo—" "Ayoko, Mang Roger. Pass ako sa ganyan, sakit lang sa puso ang aabutin ko" Lexy mentioned pagkatapos uminom ng palamig. "Bakit naman? Kasama iyon sa buhay, Tinetot.O baka naman may nagugustuhan ka ng boylet" parang biglang lumaki ang mga tenga ko while waiting for her answer. "Oooyyy ayaw niyang magsabi kase nandito si Lex! Ibulong mo na lang, bilis, hindi ko ipagkakalat" still no answer. Celestine! Sagutin mo! "Para namang wala kang nagugustuhan sa school" I rebutted. Lexy smiled but it didn't reach her eyes. Parang slow motion na tumingin sa gawi ko si Lexy, it's like the one you see in the movies "Meron kaya" she said sabay tingin sa kumukulong mantika sa harap namin. May nagugustuhan na siya. May gusto siya. Pero bakit hindi ko mahalata? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ A S T R A E A
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD