Chapter 2

4477 Words
Dear Diary, I know it sounds corny and not so me. Hindi ako sanay na nagsusulat ng ganito. But I cannot contain this feeling anymore. I have to let it out! Nakita ko na naman siya kanina, actually, araw-araw ko naman talaga siyang nakikita. His face stole the shine of the sun and that's so unfair! Palaging maliwanag ang mukha niyang nakasimangot. Okay, ang OA ko doon, pero gano'n talaga, e! Oo, nakasimangot, palagi siyang nagka-cutting classes para matulog, pero kahit ganoon, matalino siya, never na bumagsak sa mga quizzes at exams. He's Alexis Bustamante. Karapatdapat lang naman sa kaniya ang tawag sa kaniyang heart throb. But what everyone didn't know is that— Franco Alexis Bustamante is one of a kind. "Anong binabasa mo?" agad kong itiniklop ang Notebook na hawak at itinago ito sa loob ng aking damit. Nakataas ang kilay ni Lexy sa akin habang nakahalukipkip. "Tsismosa ka talaga, ano?" I spat. Naupo siya sa aking tabi at nanuot na naman sa aking ilong ang pabango niyang amoy bulaklak. It calms my senses. She looked at her watch and tsked. "Anong ginagawa mo dito? May klase pa... nag-cutting ka?" Tanong ko. "Gago, bakit naman ako magka-cutting? Ipinapahanap ka ni Ma'am" isinandal ni Lexy ang kaniyang ulo sa bench, pero dahil hanggang balikat niya lang ito, lumawlaw ang kaniyang ulo sa kabilang side ng upuan. "Salamat sa pagsama mo sa'kin last week" "Nagpapasalamat ka?" gulat na sabi ko "Himala iyan ah!" Hindi ko mapigilan ang mapangiti, dahil sa sinai niya at dahil sa nabasa ko sa Diary. I don't know why but the writer of that diary did someting on me, the words used stuck straight through my heart. Parang kilalang kilala niya na ako. Sabagay, I came from a prominent family, walang hindi nakakakilala sa amin. "Ang sarap pala ng hangin dito sa pwesto mo, kaya palaging masarap ang tulog mo 'no?" ika niya "Ano nga 'yang binabasa mo? FHM? Porn?" Napataas ang kilay ko, wala talagang filter ang bibig ng isang ito. "FHM? Porn? Saan mo natutunan iyang mga 'yan?" humarap ako ng upo kay Lexy at tinitigan siya "Alam mo, Lexy, dapat ayusin mo ang pananalita mo, babae ka, hindi dapat naririnig sa bibig mo ang mga ganiyang salita. How can you attract a guy if you're like that?" She just rolled her eyes heavenwards at my remark "Tss... I don't need to be attractive. I don't need to attract someone, I'm not a freaking magnet. And besides, I can attract whoever I want without an effort" napipilan ako sa sinabi niya. Well, she always has a point. "Patingin—" napatigil siya sa pagsasalita at tumingin sa likod ko which made me look too. "Claudel? Anong ginagawa mo dito?" It's a girl, mukhang ka-edad lang namin siya. She has this chinita eyes and a small face that fits her small body. Maliit lang din ang kaniyang labi na kulay pula. Ngumiti ito sa amin, she looks shy though, and a bit timid. "Hi Alexis, Hi Celestine" she smiled, "May hinahanap kase ako, hindi ko alam kung dito ko ba naiwan o kung saan" naiwan? "Baka may nakita kayong notebook dito?" bigla akong kinabahan. Notebook? Kinuha nito ang kaniyang cellphone at may ipinakita sa amin na picture, inatake ako ng kaba habang nagpapalitan ng tingin sa larawan sa cellphone at sa babae. "Eto iyong itsura oh, baka sakali lang naman" "Anong pangalan mo?" mahinang tanong ko. "C-Claudel Chua" C.C! The same name on the Notebook! "May ganyan rin akong notebook, naiwala ko nga rin e. Importante ba iyong laman niyan? I-report mo na lang sa lost and found" napayuko si Claudel sa suggestion ni Lexy. Parang hinayang na hinayang sa nawalang notebook. What if siya? What if siya nga ang may-ari ng Notebook? "Samahan na kita?" Alok pa ni Lexy. "Wag na.. h-hindi naman importante iyon.. mga kung anu-ano lang" "You want me to help you?" I asked her. Halata na nagulat ito sa sinabi ko, "Wala naman akong ginagawa, I mean, I have spare time" "N-naku, Alexis—" "Tsk. Wag na, Alex. Hindi naman daw importante di'ba?" sabat naman ni Lexy. I threw a glare on her which made her roll her eyes on me. Tumayo ako at inalalayan si Claudel palayo kay Lexy. "Tss. Ako naman nawalan din, pero nanghingi ba ako ng tulong?" I heard Lexy said something pero hindi ko na ito inintindi pa, hindi ko na siya nilingon pa. ~~~~~~~~ "Mukhang napapadalas ang pagsama mo doon sa Claudel" puna sa'kin ni Troy, isang araw. Yeah, Claudel and I have been going out for quite some time now. She's fun to be with. Napapatawa niya ako, she made me feel I was superior. Malakas ang kutob ko na siya nga ang may-ari ng notebook, although hindi ko pa nababasa ang ilang page. Wala akong time dahil since nakilala ko si Claudel I got busy getting to know her. Prim and proper. All the girl should be. I was busy keeping my things inside my bag, getting ready to go home nang may mga babaeng nagsisigawan na pumasok. "Lex! Lex!" Sigaw ni— sino nga ito? "S-Si Celestine, nakikipag-away" "Tell me something new" bored na sagot ko. Lexy always gets into fights. Pero petty fights lang naman, matalino din kase siya, mahilig makipag-debate. "Kaaway niya si Claudel—" Shit! "Nasaan sila?!" agad akong napatayo. Atubili akong lumabas ng room at sinundan iyong dalawang babae. I can also see Troy and Benedict beside me. Napunta kami sa football field kung saan maraming tao ang nagtitipon. They're already forming a circle around two girls— with Lexy on top of Claudel! f**k it! Agad akong tumakbo and shoo everyone away from them. "Eto ang bagay sa'yo!" galit na sigaw ni Lexy habang hawak sa buhok si Claudel na nakahiga sa sahig at umaaray na sa sakit. I immediately grabbed Lexy on the waist at inilayo siya kay Claudel. I didn't realize na napalakas pala ako ng pagtulak sa kaniya, I saw Claudel crying on the ground, she also have some bruises on her face she automatically hug me like asking for help kaya naman niyakap ko siya pabalik and faced Lexy. Nakaramdam ako ng inis at galit kay Lexy. How can she be this irrational?!  Handa na sana akong singhalan siya when I saw her the ground as well, with— much more bruises, and a bleeding arm. Imbis na galit ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan. Takot. That's what I felt.  "Tine!" My vision of Lexy was blocked with Benedict's body. "Tine, are you okay?" tanong nito. Hindi ko na narinig ang sagot ni Lexy dahil sa paghila ni Claudel sa damit ko. "I didn't know why she hurt me" iyak nito. I pressed m lips together and held her hand tight "I was just asking a favor from her but she went mad, I don't know why!" and started crying, "Look! I have bruises! Paano ko 'to ipapaliwanag kina Daddy? Pagagalitan nila ako" Naaawa ako kay Claudel pero nakapako ang tingin ko kay Lexy. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko naman magawa.  Tiningnan ko siya na ngayon ay itinatayo na ni Benedict, pain crossed her face nang hawakan siya ni Benedict sa braso. It was bleeding very bad. Oh jeez! What was I thinking?! "Alexis! What the hell?!" inis na sigaw ni Benedict sa akin. Hawak nito si Lexy na ngayon ay iika-ika pa. "Tine— f**k! You're bleeding! C'mon, dadalhin kita sa clinic" aalalayan na sana ni Benedict si Lexy na maglakad but she failed. "Lexy" I called her name at akmang lalapit sa kanila nang hilain na naman ni Claudel ang damit ko. "Alexis! Help me explain this to my parents!" iyak nito. "Hold on to me, Tine. Bubuhatin kita" I was watching Benedict as he carry Lexy. Dumadami na ang dugo sa puti niyang blouse, at malamang sa sobrang sakit ay hindi na siya makapag-salita. Pero kahit ganoon, hindi pa rin siya umiiyak. I gritted my teeth in anger and frustration.  Pangko ni Benedict si Lexy when he looked at me, pissed. "Pwede mo namang awatin ng maayos, Lex. Hindi mo kailangang ihagis si Tine, tingnan mo itong ginawa mo" naiiling na tumakbo ito habang buhat si Lexy. Troy and Yuan appeared in front of us. Looking disappointed and worried. Ano bang mali ko? Ipinagtanggol ko lang naman si Claudel from Lexy ah! She's hurting her for Pete's sake! Ano? Tutulala lang ba ako? Yuan smirked at me "Mukhang hindi naman malala ang lagay mo, Miss—" tila hindi nito maalala ang pangalan ni Claudel "—oh whatever, since hindi ka naman malala, pupuntahan na namin si Tine" Gusto ko ring puntahan si Lexy. Pero hindi ko maiwan si Claudel na umiiyak. Dinala ko na lamang siya sa guidance office namin. Mabuti at nandoon ang guidance counselor na Ninang ko, she helped Claudel treat her wounds. "Bakit ba kayo nag-away ni Ms. Crisostomo?" tanong ni Ninang Abigail. "Nagulat na lang po ako nang magalit siya sa'kin, Ms. Chavez. May hinihingi lang naman po akong favor so I can surprise Alexis. Alam ko kaseng close silang dalawa and she knows a lot of things about him. Pero nagalit naman agad siya and started hurting me" iyak na naman nito. "I'll definitely talk to Celestine about this. She's not that kind of girl, you see. But I will still get her side" I was busy thinking how Lexy is right now.  "Naniniwala ka ba sa'kin, Alexis?" iyak na tanong nito. Tumango lang ako. "Tinawagan ko na ang sundo mo, Claudel, pupunta na 'yon dito anytime soon, and you, Mr. Bustamante?" tawag sa'kin ni Ninang "Puntahan mo na si Ms. Crisostomo to check how is she, sino ba ang tumulak sa kaniya?" lumunok ako ng laway at napatikhim bigla sa tanong ni Ninang. "Sige na, alis na!" I have no choice but to leave them. Pumunta ako sa classroom namin, sinasalubong ang mga tingin ng iba pang estudyante. Kukunin ko na sana ang bag ni Lexy para dalhin ito sa clinic nang wala akong makitang gamit sa upuan niya. I looked at the guy who's sitting beside her. Mukha namang nakuha niya ang gusto kong itanong "Umalis kanina sina Troy, kasama sina Yuan at Benedict. Dala nila iyong mga gamit ni Tine. Hindi kase kayang gamutin sa clinic iyong sugat niya kaya isinugod na siya sa hospital, kailangan daw tahiin" H-Hospital? "S-Saang hospital siya dinala?" kinakabahan na tanong ko. "Sa Villejo's Hospital" matapos makuha ang pangalan ng hospital ay agad akong umalis. Tamang-tama naman na lunch time na kaya madali akong nakalabas ng school, pumara ako ng taxi at agad na nagbyahe. Pakiramdam ko ay parang sasabog ang didib at ulo ko sa pag-aalala kay Lexy. I even have to tap my chest because of too much pain and worry. Parang hindi ako nakahinga ng maayos ng malaman na nasa ospital siya. Dapat ay hindi ko siya hinila ng malakas! Ano ba namang nasa isip ko?! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin. "Miss, I'm looking for the room of Celestine Crisostomo, kakasugod lang sa kaniya dito kanina lang" tumalima naman agad ang nurse at sinabi sa'kin ang room number ni Lexy. Halos lumipad ako papunta sa kung nasaan siya, I was about to open the door when I heard people talking inside.  "Wag ka ngang maglilikot, baka bumuka iyang tahi mo at dumugo na naman" that's Yuan "Go on, sleep. Aalis na din kami kapag tulog ka na" ilang sandali pa silang naging tahimik hanggang sa may magsalita na pabulong. "Iyong paa niya lagyan mo ng unan, wag mo ding gaanong igalaw. Tangina, kitang-kita ko kung paano itinulak ni Lex si Tine palayo doon sa babaeng iyon. That's absurd! Kahit makipag-wrestling etong manok natin, hindi niya dapat ginawa iyon! Kita mo, may bubog pala sa bingasakan ni Tine, ayan tuloy" that was Troy. "Bakit ba kase sila nag-away? And she's a good actress huh, sabi ng mga etudyante, basta ka na lang sinugod nung babae si Tine at kinaladkad doon sa field" Inilapat ko ang aking tenga sa pintuan, may mga mahina pang boses pero wala akong maintindihan. "Then Alexis should know this!" Benedict exclaimed na agad namang sinaway ng kung sinuman. "Nah, hindi naman maniniwala iyon" iyon lang ang narinig kong sinabi ni Yuan. "Umalis na tayo bago pa siya magising dahil sa ingay natin, kailangan niyang magpapahinga at magpagaling— may kakalbuhin pa siyang babae sa school" "Are you sure she will be okay alone?" ika naman ni Troy. "We can stay until she's really okay, wala naman iyong magiging kaso sa school" "But not with her doctor" says Benedict "Mahigpit na bilin ni Dr. Villejo na umalis na tayo dito because she needs to rest, bumalik na lang tayo tomorrow" agad akong umalis sa harap ng pintuan at nagtago sa kaharap na fire exit. Kita kong lumabas na silang lahat. Ilang minuto pa akong nagpa-ikot ikot bago napag desisyunan na pumasok. Hindi na ako nag-abala pang kumatok, agad kong sinilip si Lexy. She's already sleeping, nakabuka ng kaunti ang kaniyang labi at malalim na ang kaniyang paghinga. Her wounds and bruises are now visible to me. Putok ang kaliwa niyang labi, she have some scratches on her face too. May benda siya sa kaliwang kamay. At ang paa niya, may bandage din. Damn it, ano na naman bang nagawa ko? Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Inayos ko ang kumot ni Lexy, never allowing her to be gone from my sight. Hinawakan ko na rin ang kaniyang kamay. "I'm terribly sorry, Lexy. Hindi ko talaga sinasadya" mahinang bulong ko while kissing the back of her hands, trying my best to be silent para hindi ko siya magising. Baka pag makita niya ako, lalong tumagal ang recovery niya. Ilang oras akong nanatili sa kaniyang tabi,touching her face, kissing her hands. Hindi ko pa mamapansin na nakatulog pala ako kung hindi ko siya naramdaman na kumilos. Agad akong napaatras and was about to hide when I saw tears streaming down her cheeks. Pumapaling siya sa kaliwa at kanan at umuungol. Nightmares. Marahan kong tinapik ang kaniyang pisngi. "Lexy! Wake up!" tawag ko sa pangalan niya. But she didn't heed. Hawak ko na siya sa balikat but I was careful dahil sa sugat niya, I was already shaking her "Celestine! Wake up! Gising!" binuksan ni Lexy ang kaniyang mata and it reflected confusion. "S-Si Mama at Papa?" wala sa sariling tanong niya "Nasaan sila? Isina-isinasama na nila ako.. teka lang.." patayo na siya nang pigilan ko. "Alis nga! Nandito sina Mama at Papa" "Lexy, wake up! It's just me" tawag ko sa kaniya. "No! Nandito sina Mama at Papa! Sasama na ako sa kanila! Hinihintay nila ako" iyak niya. "Wala sila dito, Lexy.. they're gone.. wala na sila" hinihingal na tumigil siya sa paggalaw. Agad kong tiningnan ang kaniyang sugat, baka kase bumuka ang tahi. "Ako lang ang nandito, ako lang" "I-ikaw?" napatango ako at inalalayan siyang muling makahiga, "Wala sina Mama at Papa?" tumango na naman ako "Wala na sila.. wala na nga pala sila" muli ko siyang ibinalot sa kumot. "Bakit ka nandito? Hindi ba dapat nandoon ka kay Claudel?" Guilt instantly attacked me. "I'm really sorry, hindi ko sinasadya na masaktan ka. Maging ako nagulat, hindi ko alam na napalakas pala iyong--- iyong tulak ko sa'yo" napapalatak lamang siya sa sinabi ko. Ayaw niyang maniwala. "—did it hurt?" "Tanga ka ba, Alex?" dapat mapikon ako sa sinabi niya, but I am not. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya, "Nasa ospital ako, may pilay sa paa, may sugat sa braso, sa tingin mo okay lang ako?" "Lexy naman... kaya nga nandito ako, para makabawi sa'yo" ika ko naman. Lumapit ako sa higaan niya at inayos ang mga buhok na nagkalat sa mukha niya, she tried to shoo me away but didn't succeed. "Wag ka nang pumalag, wala ka nang kawala sa'kin" ngisi ko. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, and did she just blushed? Mas lalo akong napangiti . Dahan-dahan ko siyang itinabi sa kabilang side ng kama at humiga sa tabi niya. "Hoy! Anong ginagawa mo?" gulat na tanong niya, habang ako naman, inaayos ang pagkakahiga ko sa kama. "Kaaway pa kita, Alex! Umalis ka nga! Baka anong isipin ng Doctor kapag nakita kang dito" "Nabitin iyong tulog ko... saglit lang naman ako dito, promise" aangal pa sana siya when I silenced her sa pamamagitan ng pagtakip ng aking kamay sa kaniyang bibig. "Bati muna tayo ngayon, mamaya ka na lang magalit sa'kin, please?" napabuntong hininga na lamang siya "Please, Lexy? Mamaya ka na lang magalit sa akin. Tatanggapin ko lahat ng galit mo, basta mamaya na, ha?" "Pasalamat ka..." may ibinulong pa siya pero wala akong maintindihan. I snuggled her and felt utterly comfortable. Naramdaman kong itinaas ni Lexy ang aking kamay at inilagay ito sa ibabaw ng kaniyang tiyan and then I dozed off. Akala ko, sa bench ko lang mararamdaman 'yung ganitong feeling. I felt peace and comfort with her beside me. Her warmth sent me to dreamland automatically.  Nagising ako dahil sa pagtunog ng aking phone. Someone's calling me. Aabutin ko na sana ang phone ko sa aking bag nang hindi ako makakilos. Lexy was literally all over me. Her face was on my neck, nasa bewang ko ang kamay niya, nakapatong sa hita ko ang paa niya. I had no choice but to move without waking her up. I saw my phone and it was Mom. "Alexis! Nasaan ka na naman?! Bakit hindi ka umuwing bata ka?!" galit na sigaw nito. "Mom, binabantayan ko si Lexy dito sa ospital" "What?! Anong nangyari kay Tine? Is she okay? Saang ospital 'yan at pupunta kami ng Daddy mo" I had no choice but to tell her where we are. "Lexy.. Lexy.." humiga muli ako sa kaniyang tabi at tinapik ko ang kaniyang braso pero wala siyang reaksyon. Because of her position, I was able to study her whole face. She doesn't have those small chinita eyes, but her caramel brown eyes speaks a thousand words in one glare. Literal na parang hindi siya makabasag pinggan kapag nakapikit, cute din ang pagkakatangos ng ilong niya, maliit na parang idinikit lang. Palagi ko siyang inaasar na sabog ang labi niya, but the truth is, her lips are pink. One twitch and you can easily tell if she's pissed or happy or sad. That's how expressive her face is. P-pero bakit parang nauuhaw ako habang nakatingin sa mga labi niya? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? I unconsciously gulped. Oh gods. My imagination is making me crazy. I wonde what would it feel if I kiss her? Nakita ko na lang na unti-unti nang lumalapit ang aking mukha sa mukha niya. Alexis! Mali 'yang gagawin mo! Don't kiss her you moron! Paulit-ulit na sigaw ng isip ko. But my body has a mind of it's own. Tinanggal ko pa ang ilang piraso ng buhok na nakatabing sa kaniyang mukha at inipit ito sa likod ng kaniyang tenga. Hanggang sa magdaop ang aming mga ilong... Alexis! She'll be the death of you! Closer and closer. Alexis! Oh, my gods! What are you— And when our lips met. Everything was silenced. Kahit ang pinakamalakas na t***k ng puso ko ay nawalan ng tunog. All that matters at this very moment is her sweet lips, pressed on mine. Pakiramdam ko ay nagkaroon ng milyon-milyong big bang theory. Paulit-ulit na nagsalpukan ang mga bituin to create new planets. To create a new begging. Something has to be broken to create something spectacular. At sa tingin ko, sa aming dalawa ni Lexy. Ako iyon. My belief, principles and standards were broken just so I can see how she was made for me, how perfectly imperfect she is. Lexy moaned and opened her mouth which made me kiss her deeper. Gods I'm going crazy! I didn't know that she would taste this sweet and divine. Nanginginig ang mga kalamnan ko habang magkahinang ang mga labi namin, for a moment, I felt fear. Natatakot ako kay Lexy. How can she make me feel this way? Alexis! Tama na! Nakatikim ka na! Gago baka dumating na ang parents mo! I stopped moving and rested my forehead on Lexy's while catching my own breath. Then I kissed her hair. Ilang hinggang malalim ang pinakawalan ko to calm my senses that's about to explode. My heart is about to explode. Damn it! "Lexy.. what the hell have you done to me?" mahina kong bulong sa kaniyang tenga. This is wrong. Kaikangan kong lumayo, "Hey, baby.. wake up now" CELESTINE I was having a good night sleep ng makaramdam ng tapik sa aking labi. Pinalo ko lamang ang kamay na iyon palayo only to hear a sexy chuckle. Istorbo! Pabalik na sana ako sa aking panaginip where I already met my Prince Charming, doon mismo sa eksenang hinahalikan niya ako nang maramdaman ko na naman ang kamay na pumipitik sa labi ko. "Tsk! Ano ba!" inis na sabi ko. Natawa ang Prince Charming na walang mukha sa panaginip ko kaya naman napanguso ako. Ramdam ko ang paghaplos niya sa aking pisngi, how it radiates love and affection and care. Hindi ko maiwasang mamula nang maalala ang halik namin kanina. It felt so real and sincere.... I felt loved. "Baby, you have to wake up now" Ayoko pa nga!  "Teka lang! Hinalikan mo na agad ako, hindi ko pa nga nakikita ang mukha mo at hindi ko pa alam ang pangalan mo" maktol ko naman, "Prinsipe ka pero daig mo pa ang ninja sa mga Hokage moves mo ah" his laughter echoed the whole place, nakaramdam ako ng mainit na haplos sa aking dibdib ng marinig ko 'yon. "You'd see me soon, baby. Promise" unti-unti siyang lumayo. I tried stretching my arms to reach him but he didn't took my hands. Habang lumalayo au unti-unti, naging malinaw ang nakangiti niyang mukha sa akin. Reality dawned on me as I stare at his perfect jawline which is full of smiles. "Alexis?!" gulat na sabi ko. "Yes. Gumising ka na, anong petsa na" ika ng Prinsipe habang palayo ako nang palayo. No! He can't be— "Anong I can't be? Gumising ka na nga, Lexy" nakaramdam na naman ako ng pitik sa aking labi and everything is dark, with an aching head, I opened my eyes and saw the distance between my lips and Alex's fingers is just an inch away. "P-panaginip?" takang tanong ko. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid and realized that I'm still in the hospital. That was just a dream then. But why do I feel disappointed? "Bakit nandito? Akala ko ba aalis ka na? Diba galit pa 'ko sa'yo dahil may kasalanan ka sa'kin?" Humalukipkip lamang siya at prenteng umupo sa sofa na nasa kwarto ko, nakangiti nang nakakaloko. Lalo akong nainis. Akala niya ba mapapatawad ko siya ng basta na lang dahil lang sa pagsama niya sa'kin dito?! Matapos niya akong ihagis na parang papel! "Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang naka-jackpot sa lotto" puna ko na hindi niya lang pinansin. Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya na para bang kinikilig. I was about to say something nang humahangos na pumasok ang Mama niya. "Tine! Baby girl!" I gave Tita-Mommy an awkward smile. She immediately went to me and checked my wounds "Goodness gracious! Anong nangyari? Bakit ka nangyari sa'yo 'to? Ha? Sinong may gawa nito sa'yo nang maparusahan?!" kita ko sa aking peripheral vision ang pag-ayos ni Alex ng upo. "Hon, wag mo munang i-pressure si Tine" Sabi naman ni Tito Max, Alex's father. "Feeling better, anak? Masakit pa ba ang pilay at sugat mo? Pwede ka na daw lumabas sabi ng doctor, but he told us not to let you go to school yet" "Tita-Mommy, Tito-Daddy, okay lang naman po ako—" "No! Kita mo ba itong nangyari sa'yo? You have bruises on your face! Pambihira, please tell me napuruhan mo ng maigi ang gumawa nito sa'yo" Ika naman ni Tita-Mommy, tumingin ito kay Alex "Alexis! Ipinagtanggol mo ba naman si Tine? Baka naman pinabayaan mo lang siya? Sinong gumawa nito sa kaniya?" Alex opened his mouth to say something pero inunahan ko siya. "Tita-Mommy, wala pong alam si Alex dito. Ako lang po ito" nagsalubong ang kilay ni Alex sa ginawa ko, madalas ko kase siyang ipahamak noon, kahit na wala siyang kasalanan "Medyo shunga lang po ako kaya nahulog ako sa hagdanan, hindi ko naman napansin na may bubog pala sa pinagbagsakan ko" pinagtaasan naman ako ng kilay ni Tita-Mommy, "Totoo po, ang bait nga sa'kin ni Alex, he offered to help me hanggang sa maka-recover ako—" "I did?!" sigaw ni Alex. I raised an eyebrow at him to make him shut. "—kase guilty po siya dahil kasama ko siya noong nahulog ako. Nagmamadali po kase siyang bumaba sa hagdan noon, e hinabol ko siya kaya ako natalisod at nahulog, hindi niya ako sinalo" Hinabol ko siya kaya ako natalisod, at nahulog at hindi niya ako sinalo. Napatawa ako sa aking loob at palihim na umiling. Hala! Bakit ko ba binibigyan ng connotation ang mga sinasabi ko? "Oh, tutulungan naman pala ni Lex" ika ni Tito-Daddy na parang gustong matawa sa itusra ni Alex na nakabusangot. "Sabi nga po niya, bubuhatin niya daw po ako hanggang sa bahay. No need for wheelchair—" "What!?" gulantang na sabi na naman ni Alex. "Tamang-tama, wag ka munang mag-gym, anak. Buhatin mo na lang si Tine" ika naman ni Tita-Mommy. "Sige na, Alexis! Mas magiging kumportable si Tine sa bahay" tiningnan ko si Alex na nakasimangot ang mukha. Pero bakit nakangiti ang mga mata niya? He blew a loud breath bago yumuko upang pangkuin ako. Dear Lord! Wag niya sanang marinig ang lakas ng t***k ng puso ko! Naunang lumabas ng kwarto sina Tita-Mommy at Tito-Daddy dahil ihahanda pa nila ang sasakyan at ang bills ko sa ospital. "Kumapit ka nga ng maayos, ilaglag kita diyan e" sikmat ni Alex. Tiningnan ko siya only to see that he's looking at me too. "Kakapit ka ba o yayakapin pa kita?" I gulped. Y-yayakapin? ".. Isa.." agad kong ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang leeg. I was an inch away from his cheeks. I suddenly felt the urge to kiss him on the cheeks. Celestine! Maghulusdili ka nga! Baka mahalata niyang simpleng malandi ka! "Ano na? Halika ka na" mahina kong untag sa kaniya. Dahil sobrang lapit ng mukha niya, I saw him smile. His genuine happy smile. The smile that made me— ehem, alam niyo na. "Let's go, baby—" "Baby!?" "—damulag! Baby damulag.. halika na prinsesa, uuwi na tayo sa palasyo natin" saka ito natawa na parang naloloko na. Lintik. Nahulog na talaga. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ A S T R A E A
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD