Unang pagkikita

1088 Words
KATATAPOS lang magluto ang dalaga ng pananghalian nila nang utusan 'to ng kaniyang Ina. "Fiona, bilisan mo na riyan at maghatid ka ng pagkain sa mansyon ng mga Salvacion." "Nay, bakit ako pa po? Eh, hindi ko po alam ang lugar na 'yon," reklamong tanong naman ng dalaga. "Eh, sinong gusto mong utusan ko? Iyang kapatid mo? Eh, alam mo namang may ginagawa pang assignment 'yan. Ikaw na at wala ka namang ginagawa," pagpupumilit ng ina nito. "Sige po," walang nagawang saad ng dalaga na napilitan. At kinuha nito ang isang basket na nakalaan para sa mansyon ng mga Salvacion. "Alis na po ako." Paalam pa nito sa kaniyang ina. "Bilisan mong maglakad para hindi ka abutin ng gabi roon. Ito ang sketch papunta roon, sundin mo lang para hindi ka maligaw. Hindi ka naman bob* 'di ba? Siguraduhin mong aabot iyan bago sila kumain ng gabihan," bilin pa ng ina nito. "Opo," tipid na sagot nito at kinuha ang ang sketch. Mabilis na lumabas ang dalaga ng bahay nila, dala ang isang basket na may lamang ulam. "Hay, bakit pa kasi ako ang inutusan? Malayo kaya 'yon? Tapos maglalakad lang ako. Si Inay talaga mula nang mamatay si ama. Pakiramdam ko, hindi na ako mahal. Dahil nagbago na siya. Imbes na ako ang mag-aral. Para makatapos ako ng pag-aaral, nagsakripisyo tuloy ako para makatulong sa pagluluto niya. Kahit pa labag sa loob ko. Sana naman makapag-aral ako ulit," wika nito sa kaniyang sarili habang naglalakad. "Oy, Fiona. Saan ka pupunta?" tanong ni Marie nang makita siya nito. "Pupunta ako sa mansyon ng mga Salvacion. Inutusan kasi ako ni Inay na maghatid daw ng ulam doon," sagot naman nito. "Sigurado ka bang pupunta ka roon?" tanong muli ni Marie. "Oo naman. Bakit hindi? Bakit? Ano bang meron doon?" balik na tanong ni Fiona. "Alam mo ba na may usap-usapan sa mansyon ng mga Salvacion na may halimaw daw na nakatira roon. At nagpapakita raw ang halimaw doon kapag gabi na. Kaya dapat huwag kang magpapaabot ng dilim sa lugar na 'yon." Salaysay ni Marie. "Tinatakot mo ba ako? Halimaw ka diyan. Hindi ako matatakutin. Saka huwag kang maniwala sa sabi-sabi. Kung hindi mo nakikita sa mismong mga mata mo," matapang naman na saad ni Fiona. "Bahala ka diyan, basta binalaan na kita. Sige, mauna na ako. Magkahiwalay kasi tayo ng daan. Pakanan ka, pakaliwa ako. Ingat ka at ihanda mo na ang sarili mo," saad at paalam ni Marie naglalakad na ito pakaliwa. Samantalang si Fiona naman ay naglakad pa kanan. Kahit paano ay may mga nasasalubong pang tao ang dalaga habang naglalakad ito. Matatanda, babae, lalake, minsan naman ay mga ka edad din niya. At iyon ang kaniyang pinagtatanungan papuntang mansyon ng mga Salvacion. Maaliwalas naman ang daanan at hindi masukal. Marami rin siyang nakikitang mga klase ng halaman, bulaklak at mga iba't ibang klase ng puno. Gaya na lamang ng puno ng Nara. Hindi rin gaanong mainit dahil sa mga nadadanan nitong matataas na puno. Bagkus ay nag-e-enjoy pa ito sa paglalakad. Hanggang sa may makita siyang batis na malinaw ang tubig. Doon ay nagpahinga muna siya umupo at uminom ng tubig gamit ang kanyang dalawang palad na pinangsakop ng tubig. "Hmmmmmm. . . " Ang lamig ng tubig, malinamnam at sarap inumin," saad pa nito at bahagyang umupo sa damuhan. "Ano'ng oras na kaya ngayon? Parang gusto kong maligo rito. Kaso lang kailangan ko munang maihatid ito sa mansyon ng mga Salvacion bago sila magkapaghapunan. Babalik ako," saad nito sa kaniyang sarili na may ngiti sa labi, muli ay binitbit niya ang basket na may lamang ulam at nagsimula muling naglakad. "Mukhang malapit na ako. Nandito na ako sa malaking puno ng manggang nag-iisa. Ibig sabihin mayamaya ay malapit na ako sa gate ng mansyon," saad pa nito. Muli siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa malalaking gate ng mansyon. "Wow! Ang laki ng mansyon at ang taas ng gate nila. Para kang nakatira sa palasyo kapag dito ka tumira. Kaso, bakit parang walang tao rito," saad ng dalaga habang nakatanaw siya at nagtataka. Nagulat ito nang may biglang nagsalita. "Ano'ng ginagawa mo diyan? At sino ka?" tanong ng isang baritong boses ng binata mula sa microphone. Na nakasabit sa gate, pero hindi ito nagpapakita ng mukha. Pinagmamasdan din nito ang dalaga mula sa loob. Wala siyang choice kung hindi kunin ang pagkaing dala ng dalaga dahil day off ngayong araw ng kaniyang taga pag-alaga. "A-Ahm, hello po. Magandang hapon po. Anak po ako Delia. Narito lang po ako para ihatid itong pagkain po," magalang na sagot ng dalaga na nauutal pa. "Iwan mo na lang 'yan diyan sa gate at umalis ka na," sambit muli sa microphone na nakasabit. "Pero, hindi ako puweding umalis. Kung wala pa akong nakukuhang bayad at kukunin ko pa 'tong basket. Pati na rin 'yong lalagyanan ng ulam," mabilis na saad naman ni Fiona. "Hindi mo ba alam na bayad na 'yan. At umalis ka na bago ka pa abutin ng dilim dito. Kung ayaw mong makakita ng halimaw." Pananakot naman ng binata. "Pati ba 'yong basket kasama sa binayaran? Hindi ba't hindi. Magagalit ang aking ina kapag naiwan itong basket. Kung sila natatakot mo, puwes ako, hindi. Mauna na po ako at babalikan ko na lang." Matapang na wika ng dalaga at naglakad na ito paalis. 'Matigas ang ulo mong babae ka," wika naman ni Lorenzo sa kaniyang isipan na naka-kunot ang noo. Nang medyo nakalayo na ang dalaga ay agad na lumabas ang binata na naka suot ng maskara at nakasuot din ito ng long sleave. Mabilis din nitong kinuha ang basket na may lamang pagkain. Agad na inilagay ni Lorenzo ang basket sa loob at dahil hindi pa ito nakakaramdam ng gutom ay nagpasya siyang sundan ang dalaga. Kaya palihim niya itong sinundan. Nakita nito ang dalaga na may ningning sa mga matang nakatanaw sa batis. "Mukhang wala namang tao rito. Saka kanina ko pa gustong maligo," saad ng dalaga habang palinga-linga pa sa paligid. Doon ay dahan-dahan nitong pinagtatanggal ang kaniyang saplot sa katawan. Hanggang sa bra at panty na lang ang naiwan. Agad din itong lumusong sa malamig na tubig at doon ay lumangoy ito, at nag floating pa. Habang ang binata naman ay na papalunok ng sunod-sunod at hindi makatingin sa dalaga. Kaya tumalikod na lang ito. At nakaramdam ng init sa kanyang katawan. "Ano bang klaseng babae 'to? Hindi ba niya alam na--" hindi pa tapos ang sinasabi nito sa kaniyang sarili nang marinig niya ang malakas na sigaw ng dalaga. Itutuloy----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD